Girlfriend + Dakilang Tagapag-alaga

157 6 3
                                    

Chapter 19

Kirstein's P.O.V 

"Oh. Your here." nakangising wika nito. May hawak itong baso ng tubig at kalmadong nakatingin sakin.

"Yes. I'm HERE." nakangiti at tatango-tangong wika ko rito habang nakakuyom ang mga palad ko.

KALMAHIN NIYO KO. KALMAHIN NIYO KO!!!

"You may go." baling nito kay manong guard na noo'y parang gusto pang mag-stay at panoorin ang mangyayari. Nagulat naman ito at agad na tumalima.

Naiwan akong nakatanga sa kanya. Pagkatapos kong magpaka-OA? Yun na yun? Seryoso??

"You want to eat something?" cool na wika nito.

Grrr...Pigilan niyo ko. PI-GI-LAN NIN-YO A-KO.. 

"Hey." at lumapit ito sakin ng hindi pa ako tumitinag sa pagkakatayo ko.

You need to breath in. Breath out. Breath in. Breath out. That's right Kirstein. Wag iinit ang ulo.

"Hey, are you okay?" at hinawakan nito ang pisngi ko. Parang automatic na nawala ako sa kontrol pagkahawak nito sa mukha ko.

"AHHHH!!!! BWISET KA!!! ALAM MO BANG NAG-ALALA AKO! AKALA KO KUNG ANONG NANGYARI SAYO?! TAPOS MAKIKITA KITA NAPAKAKALMADO MO NGAYON? HA!" sigaw ko rito. I don't care kung mabingi siya.

"What?" inosenteng tanong nito. At may gana pa talaga siyang pakitaan ako ng ganung ekspresyon ng mukha? Grrr....

Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Hinga. Hinga. Isa pang hinga. Okey.

"Look. Akala ko may nangyaring masama sayo kaya pumunta ako rito. I thought nawalan ka ng malay. You told me you're sick. Tapos...Ahh!! This is annoying! You're impossible!" at tinalikuran ito. Umupo ako sa isang upuan. Arggh... Kainis! Nakakapanghina!

"Water?" alok nito. Sumunod pala sakin. 

Inabot ko naman iyon ngunit may kasamang irap. Kelangang marelax ng utak ko. Hindi makakabuti kung matutuyuan ako ng utak sa harap ng lalaking to. 

Umupo ito sa katapat ng upuan ko. Nakatingin siya sakin.

*Gulp*

Ayan na naman yung titig na yan eh! 

"Ba't mo ko tinitingnan ng ganyan? Tanggalin mo nga yang mata mo saken!" pagtataray ko. Pero ang totoo, natatakot ako sa titig niya. Harujusko. Baka kung anong gawin nito sakin. Waaa!!!

"You're right. Nawalan ako ng malay kanina." wika nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito. 

"And I think I got this from the fall. " at may ipinakita ito sa ulo niya. Mygosh.

Shocks! May sugat siya! It's bleeding.

"Oh my gosh. Oh my gosh! Where is your first-aid kit?" nagpapanic ang utak na tanong ko. Ah! Blood! I'm afraid of blood!

Tumakbo ako papuntang kusina at naghanap sa mga kabinet na naroon. Pagbukas ko sa isang kabinet ay meron. Thanks God.

"Sit." utos ko rito. Tumalima naman ito at umupo sa single couch. Nilapitan ko naman ito at nilagay sa gilid ang first-aid kit. Humila ako ng isang upuan sa harap nito para maayos ko ang paggagamot ko sa kanya.

"Wag kang gagalaw. Hindi 'to masakit." at nilagyan ko ang cotton ng alcohol. Lilinisin ko muna ang sugat niya bago lagyan ng gasa. Hindi naman ito gumagalaw. Oo na, nakokonsensya na ko sa pagsigaw ko sa kanya kanina. Malay ko ba kung pinaglalaruan niya lang ako di ba? Kayo kaya sa kalagayan ko, ewan ko kung gustuhin niyo.

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon