HOLDING HANDS <3

127 8 2
                                    

CHAPTER 20

Kirstein's P.O.V.

"Class dismissed." rinig kong wika ng propesor namin. Hayy...sa wakas! Kanina pa gustong pumikit ng mata ko eh. Nakapatong na nga ang ulo ko sa arm rest magmula pa kaninang pag-lecture ni sir. Feeling ko nga magkakasakit ako. Huhu wag naman..I hate being sick.

Agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko pagkarinig sa propesor namin at lumabas na ng classroom. Nang ilibot ko ang paningin ko sa classroom ay napansin kong ako nalang pala ang naiwan. Hayyss..Ganito kase samin, may kanya-kanyang circle of friends. Ako kase tanging si Bella best lang ang kaibigan ko. I mean, matalik kong kaibigan.

Bigla akong nalungkot sa isiping iyon. Kamusta na kaya ang bruhang yun? Di niya parin ako tinetext hanggang ngayon. Nami-miss ko na si Bella best.

Ibinangon ko na ang mukha ko mula sa pagkakapatong sa arm rest. Humihikab na inayos ko ang mga gamit ko at isinilid sa bag. Grabe, kaantok. Nagpasya na akong lumabas ng classroom para kumain. Inaantok na nga ako, nagugutom pa. Aist. Saklap.

"Ui!" 

"Ay palakang bakla!"

Muntik na akong matumba sa sobrang gulat. Biglang nawala ang antok ko. Putek na yan. Buti nalang tumalab pa ang gravity saken. 

"Ok ka lang K?"tanong nito.

"Jaycee?" pag-angat ko sa mukha ko.

"Hello." at nakangiting kumaway ito sakin. Sheezz..gwapo talaga nito. Tanungin niyo ko kung sinong kamukha. SI KRIS!!! OH GOD, PATAWARIN NIYO PO AKO SA KALANDIAN KO!! Pero syempre mas gusto ko pa rin si Blaizey my loves ko nuh. Bawal mangaliwa. hihi..

"Anong ginagawa mo rito?" 

"Sinusundo ka." at inagaw nito ang dala kong libro.

"Huh?Baket?" anong sinusundo ba ang pinagsasabi nito?

"Tsk. Basta. Tara." at hinila ako nito.

"Bakit nga pala ang aga mong umuwi nung birthday ko?" biglang tanong nito habang binabagtas namin ang corridor.

"Ah..ahmm..emergency kase." Lie.

"House?"

"Yup." pagsisinungaling ko pa. Ako na ang dakilang sinungaling. Tsk. "Pasensya ka na ha." dugtong ko.

"No problem." at tinungo nito ang direksyon patungong elevator. Nasa 8th floor kasi kami.

"Mag-eelavator tayo?" medyo kinakabahang tanong ko. Alam niyo namang i hate elevators. Nakakahilo. Baka mamaya masuka pa ako di ba.

"Oo. Bakit, di ka pa ba nakakasakay ng elevator?" at bahagya itong tumawa. 

"Haha..H-hindi noh! Mag-hagdan nalang tayo!" pag-iiwas ko at ako naman ang nanghila dito pababa. 

"S-sure ka?" parang ito naman ngayon ang natakot.

"Oo. Kaya tayo na." at nakangiting hinawakan ito sa braso. Hinila ko talaga ito kase mukhang hindi pumapayag eh.hehe

----------------------------------

"Hi Kirstein!" sabay-sabay na bati ng apat sakin. Si Xen, Ali, Mark at Jayson. Nasa vacant room kami kung saan madalas nilang pagtambayan. Nandito ang lima. Wala na naman si Blaizey my loves. San na naman kaya nagsuot yun?

"Take a seat." at umupo naman ako sa isang bakanteng upuan.

"Oh, anong nangyari dyan?" tukoy ni Ali kay Jaycee. Humihingal kasi itong naupo sa couch. 

"Okey ka lang dude?" at hinaplos haplos naman ni Xen ang likod nito. Hindi makapagsalita si Jaycee.

"Baka hinabol ng mga fangirls niya.haha" wika naman ni Mark habang hawak ang gitara.

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon