Thorn: I won.

79 4 0
                                    

THORN'S P.O.V

"Grabe, ba't andito siya? OMG!"

"Si Thorn ba yan? Ang hot niya talaga! Kyaaa!!"

"Kahiya to, wag ka ngang maingay dyan. Lakas ng boses mo frend."

"Girl, baka may inaantay? Shockness! Kinikilig ako!"

"Loka. Sino naman ang aantayin niya? Andito naman tayo?"

"Look at my face, okey na ba girls?"

Ahh..Mga babaeng malalandi. Ba't ba may mga babaeng ganito? Makakita lang ng gwapo akala mo naman may gusto na agad sa kanila? Arggh..nakakairita.

Nakaupo ako ngayon dito sa may bench sa gilid ng hallway. First time kong maupo dito. May inaantay kasi ako. Naka-shades naman ako at naka-hood para wag masyadong mapansin. Kaso 'langya yan, naaamoy pa rin yung kagwapuhan ko. Tsk tsk.. 

Asan na ba kasing babaeng yun? Kanina ko pa siya inaantay dito ah.

Inis kong binuklat ang hawak kong papel. Class schedule ito ni Kirstein na ipinakuha ko pa kina Rex sa EDP. Dapat pauwi na siya ngayon.

Maya-maya pa'y may lumapit saking babae.

"Ah...eh..." sa boses ay halatang nahihiya ang babae.

"What?" hindi tumitinging tanong ko dito. Nakatuon pa rin ang pansin ko sa hawak kong papel.

"Ahm..."

"If you can't express what you wanted to say, get lost." inis kong saad dito.

"Ahmm..g-gusto ko lang sanang magpakila---"

"Did I ask you to introduce yourself?" asar kong wika dito. Sa lahat ng ayaw ko ay yung mga babeng akala mo mauubusan ng lalaki. Sila pa talaga ang mauunang mag-iintroduce.

Namula naman bigla ang babae dahil sa sinabi ko. Napahiya kasi ito. Mangiyak-ngiyak na tumakbo ito pabalik ng upuan niya at halos madapa na dahil sa sobrang pagmamadali.

Tss...That's what she get for being such a flirt.

Asan ka na ba Kirstein?

Taena, baka mali pa tong kinuhang sched nina Rex? Lntek naman oo. Matawagan nga ang mga gunggong na yun.

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone at agad na di-nial ang numero ni Rex.

"Hello?" sagot sa kabilang linya.

"Tama ba tong schedule na nakuha niyo?" sabay sipat sa hawak kong papel.

"Bryce? Oo naman dude. Baket, wala pa ba?"

"Taena, kung andito na ba sa tingin mo tatawag pa ko?"Aist. Hindi talaga matinong kausap.

"Haha..oo nga noh? Tama yan dude. Antay ka lang. There's beauty in waiting. haha.."

Ano daw? Aist. Ibinaba ko na ang cellphone at binuklat ulit ang papel.

San ba kasi to nagga-gagala? Ang alam ko hindi naman to gumagala eh. Taong bahay kumbaga. Wag niyo nang itanong kung bakit alam ko...alam ko eh.

Maya-maya pa'y nakita ko na ang inaantay ko.  

Tahimik itong naglalakad papunta sa direksyon ko. Oo, alam kong hindi siya papunta sakin. Malamang sa direksyon ko dahil andun yung gate.

Teka lang, ba't parang anlungkot ata ng mukha nito?

Hindi ako nito napansin kaya't nang matapat ito sakin ay agad kong hinablot ang kamay nito at inakbayan.

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon