I'm Dead

143 4 1
                                    

Chapter 16

---I'm Dead---

Kirstein's P.O.V

"Hindi ko alam!" nafa-frustrate na sambulat ko kay Jeddy. Nasa bahay ako nila ngayon at nagkukwento. I mean, nakikipagtalo.

"Kristina, ano ba kasing ginawa mo kay Bella? Tumawag siya sakin at alam kong malungkot siya, ano bang nangyari sainyo?"

Napahilamos ako sa mukha ko. Hindi niya rin ako maintindihan! T__T

"Waa!! Mamamatay na ko!" sigaw ko rito at nagdadabog na humiga sa kama nito. Kasalukuyang nasa kwarto niya kasi ako.

Ugh!

Sinapok ako ni Jeddy.

"OA mo naman teh?" mahinang wika nito sakin pero sapat na para marinig ko. Hindi kasi alam ng mga magulang niya na shuding siya. Baka may ibang makarinig. Nasa baba pa naman si Tita.

"Hmp." OA naman talaga ako kahit kelan eh. Pero may dahilan naman ako kung bakit ako OA ngayon. T__T

"Ano ba kasing problema?" at umupo ito sa katapat na upuan ko.

"Si Bella best at..." tinitigan ko siya.

"At..?"

"Si..."

"Nyemas naman Kristina, ano nga?"

"Si Thorn.." at itinakip ko ang unan sa mukha ko. Waaa!! T__T

Pero infairness ha, ang bango ng unan ni Jeddy. Amoy...pabango ng lalaki?

"Thorn who?" pagtatanong nito.

Hindi ko napansin ang tanong ni Jeddy pero napabalikwas ako bigla at inamoy si Jeddy.

"Ano ba Kristina!" biglang sigaw ni Jeddy sakin dahil sa ginawa ko. Inamoy ko lang naman ang leeg niya. Na-curious lang kase ako sa amoy nung unan eh.

"Panlalaki na pabango mo?" gulat na gulat na sambit ko.

"So?? Bawal? Bawal? Tse." at naiinis na umupo iyon sa isang upuan katapat ng kama. Nagtatanong lang ako!

"Ano na nga? Akala ko ba kelangan mo ng kausap ngayon, dali..kwento mo na." at ipinatong nito ang dalawang paa sa gilid ng kama habang nkasandal sa upuan nito. 

Naupo nalang ulit ako sa kama at matamlay na sumandal sa headboard.

"Galit ata sakin si Bella best." at sumungaw ang luha sa mata ko. Iyakin ako pag kaibigan ang mga pinag-uusapan. I treasure my friends.

Napatayo naman si Jeddy at inabutan ako ng tissue.

"Oh."

"T-thanks." at sumisinghot-singhot na pinunasan ang mata ko at sipon. Buti nalang may isa pa kong kaibigan na handang makinig sakin. Thankful ako! :')

"Ayos ka na?" tanong nito ng mapansing tumigil na sa pagdaloy ang luha ko.

Tumango naman ako rito at nagsimulang ikwento ang problema ko. Pati ang kay Thorn at ang pagiging girlfriend ko rito. Lahat-lahat, ikinwento ko na. What are friends for di ba? Dapat walang lihiman.

Pagkatapos kong ikwento dito ang lahat, inantay ko ang magiging reaksyon niya. Nagulat ako ng bigla ako nitong hampasin sa balikat.

"Gaga! Ang swerte mo naman! Kekekeke.." Shet.

HANUDAW?? Tanga lang Jeddy?

"I'm acting like a fool here tapos kinikilig ka jan?! Kainis to!" at binato ko ang unan sa mukha nito.

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon