Ako Mang-aagaw? Nevaaa!!

163 10 0
                                    

CHAPTER 6

-AKO MANG-AAGAW? NEVAAA!!

Kirstein’s P.O.V

Yehey! Sa wakas! marami nalang ang ireresearch ko! Hindi na maraming-marami! Weeeee!!!  ^___^

Andito ko ngayon sa library. Kasi naman hindi ako natapos sa pagreresearch nung magkasama kami ni Bella. Masyadong time-consuming kase yung pag-eemote ko dun kay Blaize. hehe.

 Aishh. naisip ko na naman siya.. asan kaya yun ngayon? Tanong ko sa sarili ko. Siguro wala siyang pasok ngayon. Timing lang ata yung pagkakita ko sa kanya kahapon. Hayyy...Nakakalungkot naman.. Walang silay.

Pero okay lang, kakausapin ko nalang siya mamayang gabi. Hihi..

Sa picture! Malamang.  Baket, close na ba kame para sa personal? ^______^V 

Hindi ko na masyadong inisip yung nangyari kahapon. Masyado lang ata akong naparanoid. hehe.. Inisip ko nalang na nag-alala talaga siya saken.

 Ahhhhhh!!!! KILIGMUCH?! :D

 Lalo na yung hinagod niya yung likod ko? WOW NA WOW! *sabog confetti* Moment teh?!!  

Napangiti ako sa isiping yun. Sayang nga lang, wrong timing eh. Iniisip ko pa naman na magiging perfect ang pagkikita namen. Maybe it’s just a cliché from movies pero yun ang gusto ko eh!

 Yun bang nabangga niya ko tapos nagkandahulog yung mga gamit ko tapos tutulungan niya ko, tapos pag iaabot na niya saken eh magtatama ang paningin namin sa isa’t-isa! Oh yeah! Tapos makikita ko ang pantay-pantay niyang ngipin at siya naman mapapansin ang cute fes ko! Tapos maiinlove na siya saken! Huwaw talaga! Pak na Pak!

Pero wala eh…wala eh! Ibang-iba yung nangyari. Tsk.

Pero hindi talaga magtatagal at magiging kami na! Wah! Haha..TIWALA lang Kirstein. ^__^ DREAMS DO COME TRUE, RIGHT? xD

kaya DREAM ON! :D

Riiiinnggggg!!!

Okey, time na, sumisimbolo lamang na itigil ko na ang pagpapantasya sa lovey dovey ko. Mwahaha..Tama na ang sobrang pagkakilig. Baka mamaya wala na kong ibang maisip kundi siya. Psshh..Sino bang niloloko ko? Siya lang naman talaga kasi eeee! xD *with matching pikit-pikit ng mata*

Niligpit ko na ang mga gamit ko saka tumayo na sa upuan. Pupunta na ko sa classroom. Room 402 pala ko ngayon kaya umakyat ako sa hagdanan. Ayokong gumamit ng elevator, masyadong mahihiluhin ako eh.

 Habang naglalakad ako sa corridor eh may napansin ako.

 O__O

Ang ganda....

KO??

Hindi ako, syempre! adik!

Ang ganda naman ni ate! Sana ganyan din ako kaganda. ^____^

Pagkakita ko dun sa babae. Nakatayo siya sa may pintuan ng classroom at tingin ko may kausap sa phone. Actually, naka-side view lang siya kaya di ko masyadong makita yung mukha niya. Pero base sa kilos niya, ang ganda niya. Parang artista lang.

Maya-maya’y narinig ko siyang sumigaw. Hindi ako nag-i-eavesdrop ah… sadyang narinig ko lang talaga.

“No! You loser. Go to hell!” saka pindot ng cellphone niya. Ay katakot naman ni ateng! Mabilisan na ngang paglalakad baka mamaya mapagbuntunan pa ko nito.

Lumabas yung babae sa room at mukhang pupunta sa may gilid ng hallway. Yung mukha niya parang kakainin ka ng buhay. Waaaa!!! Katakot. Dun nalang kaya ako sa kabilang dulo dumaan? Takot much akish!

Binilisan ko nalang ang paglalakad ng di tumitingin sa kanya. Yes, buti nalang nakalagpas na ko!

Mga isang metro na ata ang layo ko sa kanya ng…

 "Ouch!! Ouch!! Yung buhok ko!” hala ka, sinasabunutan ako! May multooooo!!!!

 L*ntek na multong to! Guluhin mo na lahat-lahat pati buhay ko, wag lang ang buhok ko!

“YOU B*TCH! We meet again!” sigaw nung babae. Hindi pala multo??

Sino ba ‘tong bruhang to at parang kilala ako? Di ko naman makita kung sino kase nakatalikod ako at hawak niya ang buhok ko.

“Aw-ww sino ka ba? Di kita kilala!” habang pinipilit kong tanggalin yung kamay niyang nakahawak sa buhok ko.

Hinila niya pa ang buhok ko kaya napa-aray talaga ako. Aruy ko po!! Ayoko na! Hanshakeettt…

“Alisin mong kamay mo sa buhok ko!”

“Walanghiya kang babae ka. Malandi!” saka binitawan ang buhok ko. May tulak pa yun pero okey lang. Hay salamat naman at binitiwan niya na. *relieved*

Kaso pagharap ko…

*Pak*

*Pak*

SINAMPAL NIYA ANG CUTE FES KO!!

Iiyak na ko! Uwaaaaaaaa!!! Pero pansin ko parang familiar yung mukha niya.

“That’s not enough for taking away my boyfriend!” pinagtitinginan na kami nung mga estudyante pero sige pa rin siya sa kakasigaw saken. Palaban ako oo, pero pag naunahan ako ng takot, wala na.

Sino nga ba ‘tong babaeng to?

At saka ano daw?

Biglang nanlaki ang mata ko. Ganito --->   O___O

ANONG BOYFRIEND?? Ako mang-aagaw?? NEVAAAA!

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon