DINNER with THEM

159 6 4
                                    

Dahil binabasa mo to. :D Thank you sayo. <3

---------------------------------------------------------------------

CHAPTER 13

-- DINNER with THEM--

Kirstein's P.O.V

Sheet. Nakakakaba naman ang ganito. Magdidinner kami ni Blaize my loves? IGZOITED!!! ^__^

Mamayang 7pm niya pa ako susunduin pero 5pm palang ay nakaayos na ako. Pumunta dito si Bella sa bahay para tulungan  ako sa susuotin ko. Balak ko pa sanang magpatahi para bongga kaso kulang sa time eh. Nuh ba kayo, minsan na nga lang ayain, lubusin na! Nyahaha

Kaso sabi ni Bella, just be myself nalang daw. Simple dress lang daw dapat yung isuot ko kaya pumili nalang kami dun sa closet. Napili namin ni Bella best yung pink dress na bare back ng onti. Hindi naman siya daring pero hindi rin naman ganun ka-simple pero napaka-elegant tingnan.

Ano kayang gagawin namin ni Blaize my loves dun? Yiieee! Nakakakilig naman! Siguro gusto niya na din ako. Eeee....

Sumulyap ulit ako sa salamin at nakita ko ang repleksyon ko. Parang napagtanto ko, ANG GANDA KO PALA?!

6pm.

Antagal naman niya. 

6:50pm.

"Beep*

*Beep*

Ai palaka!

Nabitawan ko ang hairbrush dahil sa gulat. Shemay! Andyan na ang prince charming ko! :D 

Saglit lang Blaize my loves, your princess is coming! :> Lalalalala--love. <3

Dali-dali akong bumaba at nakita kong pinagbuksan ito ni yaya Maring.

"Thanks yaya."

"Ingat ka anak." Anak ang tawag niya saken. Parang siya na kasi yung tumayong magulang saken dahil---

"Hey!" bati sakin ni Blaize. As usual, dala-dala niya pa rin yung mapamatay niyang ngiti. Brrr...Kakilig!

"Oh hi." Then I stepped outside. Parang bigla naman itong napahinto pagkakita sakin.

"hmm...Let's go?" aya ko dito.

"A-ah..sure! let's go." parang nabigla ito kaya dali-dali niya akong pinagbuksan ng pinto. 

Pagkatapos niya akong pagbuksan at isara ang pinto  ay umikot ito sa kabilang side. Pumasok na ito ng kotse pero hindi niya pa ito pinaandar agad. Tinitigan niya ako. Shet ang titig na yan! Wag ngayon, baka himatayin ako! xD

Maya-maya'y bigla siyang lumapit sakin.

Omaygad. Anong gagawin niya? Hahalikan niya ba ako? Gosh...Anlapit na niya..Tsaka...

Ambango niya....

Dugdug..

Dugdug..

Napapikit ako. Eto na ba yung wish ko? Yung first kiss ko? namannnn...

"You're beautiful." rinig kong sabi niya.

Kakadiscover ko nga lang din kanina Blaize my loves eh..hihi..

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon