Forgiveness? A BIG NO.

124 7 2
                                    

CHAPTER 21

Kirstein's P.O.V

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Grabe, 5:30 na pala. Wooop!

Good morning to myself! hihi..

Ang bilis lang ng oras. Inabot ko iyon mula sa side table at pinatay. Nag-inat muna ako at saka bumangon at kapagdaka'y tumayo na para mag-ayos. This day is such a special one.

Paglakad ko para pumunta sana ng banyo ay nagulat ako pagkakita sa sarili ko sa salamin. Mataman kong tinitigan ang sarili ko particularly yung mukha ko. There's something na kakaiba sa mukha ko eh. I just can't figure out what is it.

I look at the mirror one more time at napangiti ako upon realizing what's with my face.

.

.

.

.

Ang ganda ko talaga! haha.. At ngumiti ulit sa repleksyon ng salamin. Ang kapal ko talaga eh noh? Pasensya kayo, inlove na ata ako!

Maya-maya pa'y dumako ang paningin ko sa may gilid ng dresser. Nakapatong dito ang flowers na ibinigay ni Blaizey my lovey doves sa akin kahapon. Inilagay ko agad iyon sa vase na may tubig para wag mamatay. Sa isiping iyon  ay sumilay na naman ang ngiti sa labi ko. Leshe. Nababaliw na ata ako. 

Oo nga pala. Kumain kami kahapon sa restaurant. Ewan ko ba dun kay my lovey doves, nag-start na atang manligaw eh. hihi.. Ayun, maraming inorder. Ewan ko kung talagang gutom lang siya o ipinapahalatang PG ako. Waa! sana hindi. xD Tapos ayun, pagkatapos naming kumain eh inihatid niya pa ako sa bahay. And guess what? Matagal siyang nag-stay dito sa bahay! OMG! As in, Omaygad talaga! Around 7pm na siyang umalis at sinabihan akong susunduin niya raw ako today. Kaya, nag-alarm ako ng maaga para naman wag siyang mainip sakin. haha..Malapit na talagang maging kami! Sabi sainyo eh! TIWALA LANG MGA MARS!

Agad akong nagtungo sa banyo at naligo. Pagkaligo ko ay pumili ako ng magandang damit. Syempre naman, makakasama ko si lovey ko noh. hihi..Pinili ko ang pink na dress na above the knee. Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin ay..

AKO NA ANG MAGANDA. haha..charot! xD

Dali-dali akong bumaba para kumain ng agahan. Sakto naman na nakapaghanda na si yaya ng breakfast.

"Oh anak, kain ka na." 

"Opo yaya." at dumulog na sa mesa. Excited ako para sa araw na to! Kelangan kong kumain ng marami. hehe.. Teka, ba't andami ng pagkain? 

"Yaya, ba't po parang sobrang dami naman ng pagkain?" Pati ba naman si Yaya, PG ang tingin saken? huhubels na talaga ito! T___T

"Ah wala anak. Ano ka ba, dinamihan ko lang yan para marami kang makain. Tsaka kelangan mo yan para sa date mo ngayon di ba?" at kumindat ito sa akin. Hala? Anyari kay yaya? Na-inlove na din katulad ko? Pero sige na, forgiven na nga siya sa pagpapakitang PG much ako. hehe..

"Kain na rin po kayo 'ya." 

"Sige lang anak, mamaya na ako kakain." 

"ah sige po." at sumubo na ulit.

"Oh dahan-dahan lang nak." wika ni yaya ng makita ang pagmamadali ko sa pagkain.

"Hehe..pasensya na po, excited lang." at agad na nagsubo. Ako na talaga ang PG! haha..Oi ha, hindi noh. Slight lang ang paga-PG ko. xD At saka, nagmamadali lang ako noh.

*Ding dong*

"Oh ako na ang magbubukas anak. Kain ka lang jan." at agad-agad na tumalima ito papuntang gate. Parang si Yaya pa ata ang excited ah?

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon