I MISS YOU!

165 5 2
                                    

CHAPTER 14

I MISS YOU !

Kirstein's P.O.V

"Jeddy?"

Kinusot-kusot ko ang mata ko para maaninag kung sino ang nasa kwarto ko. Nakatalikod ang lalaki at pakiramdam ko'y si Jeddy talaga yun!

"Jed?" tawag ko ulit. Hindi ito lumilingon sa kinaroonan ko. May pinagkakaabalahan itong tingnan sa may dresser ko. Maya-maya'y bigla itong humarap sa akin kaya napabalikwas ako.

"JEDDY!! OMG! ANONG GINAGAWA MO RITO?!" sigaw ko, umaapaw ang kasiyahan. Antagal na kaya naming hindi nagkikita. Kasi naman antagal niyang hindi tumatawag samin ni Bella best.

Anong ginagawa ng baklitang to dito sa kwarto ko? Nasa States siya di ba?

Ngumiti ito sa akin kaya hindi ko na napigilang tumakbo at yakapin siya. 

"GRABEEEE!!! I MISS YOU SO MUCH!" sigaw ko pa habang yakap-yakap ito. Grabe!!! Namiss ko siya sobra!

"L-luka! B-bitawan mo ako! Aaaakk..aakkk..."

Agad-agad naman akong kumalas sa pagkakayakap dito. Tiningnan ko siya at nakita kong hiningal siya. Haha. Nasakal ko ata! Aba'y sorry naman!

"Hala, sorry Jeddy! Namiss lang kasi kita! Sooobbraaa!!!" at akmang yayakap na naman sana dito kaso bigla niya akong nahawakan sa magkabilang balikat at pinanlakihan ng mata.

"Wag mo na akong yayakapin okey?! Papatayin mo ko Kristina! Sira ang beauty ko sayo!" sigaw nito saka umikot at naupo sa kama ko. Kristina ang mahilig niyang itawag sakin.

Napangiti ako sa sinabi niya. Pero bakit nga ba siya nandito?

"Teka nga, bakit andito ka?" pagharap ko dito. 

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ah..so bawal na ako dito? Kaloka kang babae ka." saka inilabas nito ang cellphone at pinindot iyon.

"Hala, shunga lang? Nagtatanong lang ako. Eh di ba nga bakla nasa States ka?" sabi ko dito at tumabing naupo sa kama.

"Kakauwi ko lang." tipid na sagot nito habang hawak pa rin ang cellphone.

"Aahh.." saka napatango-tango.

Tinitigan ko si Jed. Anlaki ng ipinagbago niya. Napaka-lalaki niyang tingnan. Shets. Kamukha niya si Chanyeol! Ang gwapo niya pa rin. Naku talaga...muntik ko na nga tong maging crush dati, kundi nga lang nagsalita. Hayy..buhay, sayang! :3

"Hoy, anetch na titig yan? Wag mo akiz pagtangkaan ng masama. Brrr..tumitindig balahibo ko sayo."

"Grabe naman..Pero Jeddy alam mo, gumwapo ka pa lalo."sabi ko dito saka pa-sweet na niyakap ang braso nito. Bigla naman nitong pinalo ang kamay ko at nagsisigaw.

"Rape! Ayay! Bitaw!" saka nagpapanic na tumayo sa pagkakaupo nito.

"ANG OA NAMAN NETO!" at umirap dito.

"HEH! Magbihis ka na, aalis tayo." sabi nito na pinapagpag pa ang braso niya. Kalurkey na bakla to. Buti nalang nakalimutan niya na yung ibang gay words. Grabe, dati halos hindi na namin maintindihan ang mga wordings niyan ni Jed, buti nga ngayon okay na. Maganda ang resulta ng pagpunta niya sa States. Hehe..

"Wait, where are we going?" takang tanong ko pagkaalala nung sinabi niya.

"Shopping. Ano pa nga ba?" arte nitong sagot.

"Shopping?! Yay! Sige wait mo ko. I'll fix myself!" kaya dali-dali akong naghalungkat ng damit sa loob ng walk-in closet ko.

Pagkatapos kong makahanap ng damit ay naligo na ako. Mabilis lang ang ginawa kong pagkilos kase ayokong mainip ang baklang to. 

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon