THORN: YOU'RE INTERESTING

171 6 4
                                    

Para sayo Lexa. hihi.. thanks sa pag-support sa story ko. :D

CHAPTER 11 

THORN: YOU'RE INTERESTING

Kirstein's P.O.V.

Nakakabobo naman tong exam namin. Ano bang pakialam ko sa Government and Politics ng America? Kabadtrip! Linchak! Sarap mag-cutting. >_< 

Nagsipagtayuan na yung mga kaklase ko at nagpasa na nung mga papel nila. Shems! Di pa ko tapos sa essay na to. Ano ba kasing isasagot o dito eh wala naman ibang ginawa yung propesor namin kundi ang umupo sa klase at pag-report-in kami? Kaya nga kami nag-aaral para turuan nila hindi para gawin yung trabaho nila. Muntangang mga propesor na to. Binabayaran, hindi ginagawa ng maayos ang trabaho nila!

"Finished?" tanong nung propesor namin na nag-aayos na nung gamit niya. Siya kayang tapusin ko? Potek.

Grr...ansarap lamukusin ng papel na to! Pero pinigilan ko ang sarili ko, baka ma-singko pa ko nito. Tss. Inilibot ko  ang paningin ko sa kwarto at ako nalang pala yung nagsasagot. Kaya pala nag-iingay at nakikipaglandian na yung mga walang hiyang kaklase ko. Ay naman..

Pinasa ko na ang papel ko at lumabas na. Hayys..kauma-umaga, badtrip ako. Minsan lang ako mabadtrip. Siguro twice a year lang. Bipolar nga ata ako.

"Ui friend, ba't ganyan ang mukha mo?" salubong ni Bella best saken pagkalabas ko sa classroom. Tapos na din pala yung klase nila. 

"Bakit, anong mali sa mukha ko?" inis kong tanong dito. Naaasar ako, ewan ko kung bakit.

"Ay meron ka te? Parang badtrip ka ata ah.." Meron? Kakatapos ko lang noh. 

Hindi ko siya sinagot at dire-diretso lang na naglakad papuntang canteen. Gutom ako.

"Hoy Kirstein, magkwento ka naman. Ano na naman bang problema mo? Si Blaize ba?" tanong nito habang pumipili ako ng pagkain.

Tiningnan ko siya. "Anong Blaize? badtrip lang, siya agad?" saka kinuha na ang pagkain. Pero asan na kaya yun si Blaize my loves? Namimiss ko na siya. :(

Umupo kami dun sa may dulo nung canteen. Alam niyo na kung bakit.

"Eh sino?"

"Wala."

"Wehhh?? Dalii na kase best."

"Gutom ako kaya pwede ba pakainin mo muna ako?" mataray kong sabi dito.

Tumigil naman ito sa pagtatanong pero nakatitig saken habang kumakain ako.

"Ano?!" irita kong tanong dito. Alam ko, nagbabasa ng utak yan . 

"Hmmm..."

"Anong hmmm?" saka uminom ng juice.

"Hmmm..." yung tunog parang sa batang kalabaw.

'Ano ba Bellatrix?! Naging kalabaw ka na ba?anong hmm hmm ka jan?" saka ibinaba ang kutsara.

"Hulaan ko, wala kang maayos na tulog ngayon noh?" Tsk. nahulaan niya nga. Oo, wala akong maayos na tulog dahil sa...Ay bwiset! 

"Aist. Oo na."

"Bakit?"

"Hay wag mo ng itanong."

"Lalake?" Ang kulit naman.

"Oo na." sagot ko dito.

"Grabe! May bago ka na best?!" Makabago naman to parang everyday may ipinapakilala ako. Tsk.

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon