"Bawal magkagusto, Taken na ko."- Kirstein

72 4 0
                                    

KIRSTEIN'S P.O.V

"Heyya girl!" tawag ng isang babae sakin mula sa kumpol nito. Limang babae ang nakatingin sa akin at halos ay nakangiti. 

Tumingin naman ako sa likuran at gilid ko ngunit wala akong nakitang ibang tao. Ako bang tinutukoy nila?  

Itinuro ko ang sarili ko. 

"Yes, you!"  

At lumapit ang mga ito saka nakangiting nakipag-beso beso. Teka. teka... 

Naguguluhang inilayo ko ang sarili ko sa mga ito. Baka mamaya may mga germs palang mga mukha nito. hehe..joke.  

"Ahmm..magkakakilala ba tayo?" 

Umiling naman ang mga ito. "Nope. But we, kilala ka namin. Can we friends Kirstein?" sabay-sabay na wika ng mga babae. Agaw-pansin tuloy kami sa second floor. 

Alanganin naman akong napangiti. "Sorry, hehe..pero...hindi ko kasi kayo kilala eh..sige, mauna na ako sainyo." At nakayukong tinungo ang hagdanan papuntang third floor. Bigla akong napaisip. Ano bang meron? 

Bigla namang nagsipag-unahan ito papunta sakin at hinarang ako.  

"It's okay girl! Basta friends na tayo ha!" wika ni girl 1. 

Umeksena naman si girl 2: "Amin ng bag mo, kami na ang magdadala!" at hinablot nito ang bag ko. 

"Saglit lang! Ako ng baha--" 

"Wow! Mamahalin tong bag mo ha!" ani girl 3. 

Hindi pa ako nagsasalita ay nasalita na naman yung isa pa. 

Girl 4: "May party sa bahay mamaya, sama ka huh? This is your invitation!" sabay abot sakin ng maliit na card.  

"Ha?" naguguluhang wika ko habang nasa kamay ang card. 

"Sige, let's see each other later! Bye!" at biglang tumalikod ang mga babae sakin.

Anong meron?

"Kirstein!" napalingon naman ako buhat sa may likuran ko. Kumakaway sakin ang isang babae habang tumatakbo palapit sakin. 

"Do you still remember me? I'm Cindy! The one you met yesterday!" anito sa masiglang boses saka nakipag-beso-beso sakin.  

Parang biglang tumaas ang presyon ko ng maalala ito. How can I forget HER?

FLASHBACK

"She's Kirstein, my girlfriend."

Nakita ko ang paglaki ng mata ni Cindy dahil sa sinabi ni Thorn. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Syet lang po di ba?

And you know what? Langya oh. After his introduction, I felt a bombshell was dropped in front of me. I just stood there. Yeah, I was struck. I told him not to tell anyone about the girlfriend thing pero ipinakilala niya ko. At TAKE NOTE: Sa isa sa mga naging ex niya who is also our schoolmate. Puteks lang di ba.

"O-ohh..r-really? Hi, I'm Cindy! Nice to meet you Kirstein!" at plastik na nakipagbeso-beso ito. Alam kong plastik kasi yung mukha niya parang hindi convinced. Siguro hindi masikmura na ang isang tulad ko ang ipinalit sa kanya. Hmp. 

END OF FLASHBACK

So, who would fail to remember such an artificial creature? Aish. Sabi ko na nga, nawawalan ako ng manners dahil sa Thorn na yan eh!

"Ohh.." Nakita nito ang hawak kong pink na papel. Yung inabot sakin nung mga FC's (Feeling Close) kanina. "May nagbigay na pala sayo ng invitation. It's a party of Fashionista girls. I'll be waiting for you there, okay? Thorn will surely come too. Gotta go dear!" at tumalikod na sakin saka naglakad palayo.

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon