Thorn: You ruined my life

177 9 1
                                    

CHAPTER 9

 THORN: YOU RUINED MY LIFE

"Talaga?!!!" sabi ko na eh. Ganito yung magiging reaksyon ni Bella best sa ikekwento ko sa kanya.  I nod victoriously.

"Buti nalang hindi niya na naalala yung pagka-PG mo! hahaha.." tawa nito. 

Tinaliman ko siya ng titig.

"Di ko na nga yun naaalala, ipinaalala mo pa! Kaibigan ka talaga eh noh!"

"Joke lang! Bruha na to. Oh ano na? Anong feeling? As in yakap--YOU AND BLAIZE??" hindi makapaniwalang bulalas nito at ipinagdikit pa ang dalawang hintuturo nito.

Napangiti na naman ako saka napansin na napalakas ata yung pagsasalita ni Bella." Tungeks! Wag ka ngang maingay jan. Feeling ko nga andami ko na agad haters eh. haha.." maka-haters naman ako noh. Feeling celebrity. hihi..

Lumapit siya saken saka bumulong. "Sige, kwento ka pa daliii..." excited na sabi nito. Umuuga-uga na nga yung inuupuan niya dahil sa sobrang gulo nito umupo. So ayun nga, kinwento ko na sa kanya. Tawa lang kami ng tawa at maihi-ihi na sa sobrang kilig.

Maya-maya pa'y biglang tumahimik ang paligid. Yung mga gerlalu nagsitigil sa kaka-tsismis. Tsk. Tsk. Lalaki to panigurado. Nagkatinginan kami ni Bella saka napangiti. Yung mga tingin na I-know-what-you're-thinking. haha..Pag kaibigan talaga kahit tinginan lang nagkakaintindihan. Hanep!

Pasimple kaming sumulyap sa may pinto. Inaantay kung sino ba yun.

Hmmm...Sino kaya yun? Baka si Blaize? Gosh..Ayos ba ang itsura ko?! Agad-agad kong kinuha ang salamin at suklay para makapag-retouch. Lip balm, lip balm where are you? Saka hinalungkat ang bag.

"Hi babe. Are you lookin' for me?" dinig kong sabi nung malanding si Sena. Porke't kasali sa cheerleading ng LLU. hayy kainis! Landi talaga ng babaeng to. Pilit ko paring hinahalukay ang bag ko para mahanap yung mahiwagang lip balm.

"Tss. Get out of my way." Ay hindi si Blaize? Wag na ngang magpaganda. Pero wow ah! Angas ni kuya.  May nalalaman pang-pa-get-out get-out of my way. Sino ba yun? Saka inangat ang ulo para makita ang nilalang na masungit. 

O___O

Ooohhhh...gwapo! ^__^ Pero...

"Ouch!" sigaw ni Sena. Nakita kong nakasiksik siya sa may corner nung classroom. Hala? Tinulak siya ni Kuya? Clap clap! mwahaha.. I'm bad. :>

"Come." saka ang napansin ko lang ay hatak-hatak na ko ni Kuyang gwapo. Napa"awww" naman yung mga classmate ko. HA??Antanga naman ng mga to..kinilig pa?

"Hoy wait kuya pogi! Hindi po kita kilala!" sigaw ko.

Pero di niya ko pinapansin. Nasa ground floor kase kame nung mga panahong yun kaya konti lang yung mga madadaanang classroom. Tinahak namin ang daan papuntang parking lot. Ano kayang gagawin namin dun? Sasakay sa kotse para magdate? Pero taken na ko kuya! Wah grabe! Lakas ng fighting spirit ko! haha..

"Kuya, bakit ba?!" Tsaka tumingin dito. 

"Here." wika nito.

 Anong here-here? Paglingon ko....

O_____0

May nakita akong limang lalaki. Hindi masyadong maliwanag sa parteng yun dahil konti lang ang mga ilaw. Oops wait, madilim. Wah! Bigla akong kinabahan. Baka gahasain ako?? Uwaaaahh!!! Magpapakamatay nalang ako! huhu..

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon