BELLA: MAY BALAK BA SIYANG MASAMA?

173 8 1
                                    

This is for you. Dahil binasa mo ang story ko. :D

---------------------------------------------------------------------

A/N: Guys, for you to know more about Kirstein, I made a P.O.V. of Bella best. :)

---------------------------------------------------------------------

CHAPTER 12

BELLA: MAY BALAK BA SIYANG MASAMA?

Bella's P.O.V.

Hi. Ako nga pala si Bellatrix Neviller, ang dakilang bestfriend ni Kirstein. Ampanget ng pangalan ko noh? Parang mangkukulam lang. Adik kasi'ng mga magulang ko, fan masyado ni Harry Potter. Eh sana Hermione nalang yung ipinangalan sakin, at least maganda. Pero ang Bellatrix? Ka-imbey! Ang bruhang tagasunod ni Voldemort. Wushu! Yaan na nga lang natin.

AB Political Science ang kinuha ko at second year na din ako pero irregular student. Langya kasing mga magulang kong yan talaga, pinag-aral ako sa ibang school tapos yun pala, ililipat lang din ako sa LLU. Yan tuloy, nahuli ako sa pagkuha ng mga subjects. 

Bestfriend kami ni Kirstein since high school. Nung time na bago lang kami pareho sa school na pinasukan namin, naging magkakilala kami. At dahil pareho kaming kalog, ayun, nagkasundo ang mga lukaret. Magkakilala din ang mga parents namin. Hmm..about the parents thingy, hindi na muna ako magkukwento. 

Anyway, ide-describe ko muna ang sarili ko sainyo. Magkasing-height lang kami ni Kirstein, maputi din, matangos ang ilong, matalino 'daw' at maganda. Oo, maganda ako. Kung si Kirstein eh sinasabing cute lang siya, ako hindi. MAGANDA AKO, gets niyo? xD

Ewan ko ba dyan kay Kirstein kung bakit ayaw niyang aminin sa sarili niyang maganda siya. Ang totoo niyan, cute siya pero maganda pa. Alam niyo yun? Pag kasi nakaayos siya, dun siya lalong gumaganda. Pero pag hindi nag-aayos yan, cute lang siya. Yung mata niya kasi, parang nakatawa lagi. Aba'y teka, mamaya na si Kirstein, ako muna.

So ayun nga, MAGANDA ako. haha.. Pinagdiinan eh noh. Oo, maganda talaga ako (paulit-ulit?) pero walang boyfriend. Sad story itey. Hindi ko alam kung choosy ako oh choosy yung mga lalaki. Sa ganda kong to walang pumapatol? mehehe.. Ang totoo niyan, may inaantay ako. Marami akong makukulit na suitors pero ayaw ko sa kanila. Mga mukhang syokoy! Yuck!

Katapos lang namin mag-exam kanina at nakita ko si Kirstein. Mukhang badtrip. Bakit kaya?

"Ui friend, ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ko dito. Nakabusangot yung mukha niya.

"Bakit, anong mali sa mukha ko?" Badtrip nga. Siguro meron to.

"Ay meron ka te? Parang badtrip ka ata ah.." pero di siya sumagot at dire-diretso sa canteen. Uulitin ko, badtrip nga. Minsan lang to mabadtrip kaya ilag din ako. May mood swing pa to. Pero tinanong ko pa din.

"Hoy Kirstein, magkwento ka naman. Ano na naman bang problema mo? Si Blaize ba?" tanong ko dito. Kasi malamang si Blaize yang gumugulo sa utak niyan. Lagi naman eh..Ang hirap talaga pag may crush. Buti nalang ako...wala. Charot! hehe

"Anong Blaize? badtrip lang, siya agad?" himala? hindi daw si Blaize? Eh sino kaya?

"Eh sino?"

"Wala." sagot nito. Hindi ako naniniwala.

"Wehhh?? Dalii na kase best." pamimilit ko pa. May tinatago sakin ang bruhang to eh.

"Gutom ako kaya pwede ba pakainin mo muna ako?" sabi niya sakin.

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon