THORN: I GET WHAT I WANT.

168 4 0
                                    

 CHAPTER 15

 ---THORN: I GET WHAT I WANT--

Thorn's P.O.V

"Dude, si girlfriend yun 'di ba?" tanong sakin ni Liam.

Binatukan naman ito ni Rex.

"Ugok! Ilang ulit ko bang sasabihin sayong wag mo siyang tatawaging girlfriend ha?"

Napakamot nalang ng ulo si Liam at bumaling ulit sakin.

"Pero dude, si girl- ay Kirstein pala yun di ba?" sabay turo sa dalawang babaeng nagmamadaling tumakbo paakyat ng hagdanan.

Tss.. Oo. Siya nga yun. I could recognize even if her back is turned from me.

"Bakit may kayakap siya kaninang lalaki? Akala ko ba girlfriend mo na yun?" si Zen.

"Wala ka pala eh!" at nagtawanan ang mga g*go.

I gave them a fckin-shut-your-mouth look at tumigil naman ang mga ito.

I can't help but think.

Bakit may kayakap siyang lalaki kanina? Hindi naman pwedeng boyfriend niya yun dahil kung oo man, hindi na dapat ito pumayag sa suhestiyon ko. Pakshet lang.

"Pano yun pre, tinu-two time ka ba ng girlfriend mo? haha.." sinapok ko naman ang nagsalitang si Ray. Napakamot nalang ito ng ulo.

Ako? Tinu-two time? Haha.. Damn them. Walang sinuman ang pwedeng gumawa sakin nun.

Hindi ako nagsalita bagkus ay kinuha ko ang cellphone ko at di-nial ang no. ni Kirstein. Where did I get her number? Simple. Marami akong koneksyon.

Sinagot naman ito ng nasa kabilang linya.

"Hello?"

"Meet me at the canteen."

"What? Sino ka ba? Angas mo ah!" sigaw nito. Angas? Parang siya pa nga ata ang maangas eh.

"I said meet me at the canteen. Or else, pagsisisihan mo ito buong buhay mo."

"Hoy wait! Ikaw ba si T--"

"I'm your boyfriend and you're my girlfriend. Bye."

"What?! Your my---?" hindi ko na ito pinatapos at pinatay ko na ang cellphone. Didn't she save my number? She's really different compared to the girls I met before.Hmm... 

I think.....

I'm beginning to like her.

 Kirstein's P.O.V

"Bella best! What  now?! Anong gagawin ko?!" nagpapadyak at mangiyak-ngiyak na wika ko kay Bella na noon ay nag-iisip ng malalim. Kakaakyat lang namin ng hagdanan at nagtago sa sulok. Naguguluhan man ay sumunod din si Bella best sakin. At ayun nga, nakausap ko ang damuhong Thorn na yun. 

Kakababa ko lang ng cellphone at kabado. Inantay ko ang magiging sagot ni Bella at makalipas ang ilang minuto ay nagsalita ito.

"Puntahan mo." tahimik na sagot nito na hindi nakatingin sa akin.

"Ha? Bakit ko siya pupuntahan? Bella best! help me get out of this!" naiiyak kong sabi dito. Natatakot ako sa maaaring gawin ng Thorn na yun. Nalaman kong si Thorn yung tumawag sakin dahil nakita ko sa received calls ko nung tawagan ako nito nung isang gabi. Waa!! Why me?

"Puntahan mo lang. Malamang na hindi ka naman nun papatayin Kirstein. He's a good man."

Good man?

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon