"Fiancée?"

73 3 0
                                    

THORN'S P.O.V

"Bakit dito?" tanong ni Kirstein.

Dinala ko siya sa mall. May bibilhin ako eh bakit ba.

"Baket, di ka pa ba nakakapasok dito?"

Pinukol naman ako nito ng nakamamatay niyang tingin kaya't mapang-asar na ngumiti ako dito. "Joke." sabay may inabot dito. "Oh."

"Ano to?"

Binigyan ko lang naman siya ng isa pang shades. Sabi niya kasi kanina baka may makakilala sa kanya at patayin siya. Ang brutal din pala ng babaeng to.

"Shades. Ano pa nga ba?"

"Eh ano namang gagawin ko dito?" parang blankong tanong pa rin nito.

"Andami mong sinasabi. Can you just wear that stuff?" at binuksan na ang pinto ng sasakyan.

Pagbubuksan ko na sana ito kaya lang ay nakita kong bumaba na rin ito. Di bale na nga.

"Anong gagawin natin dito?" usisa nito habang nakatingin sa building. Napangiti ako pagkakita rito. Isinuot na kasi nito yung shades at hanep, bumagay.

"Stop asking questions, okay?" at nagsimula ng humakbang papasok.

Narinig ko ang pagbulong-bulong nito.

"Para kang bubuyog dyan. Tumigil ka sa kaka-bulong."

"Pshh.." rinig ko ngunit sumunod nalang ito sakin.

"Wag ka sa likod ko. Para kang maid na bumubuntot sa amo."

"Tse!" at binilisan nito ang paglalakad dahilan para mauna ito sakin sa paglalakad.

"Hoy, wag ka ngang maglakad ng mabilis dyan." wika ko rito at sinabayan ito sa paglalakad.

Tahimik naman ito habang naglalakad kami.

"There." turo ko sa jewelry shop. Birthday ni mommy next week. I want to buy her a present.

"Anong bibilhin mo dyan?"

"Appliances." pilosopong tugon ako. Malamang alahas, burloloy. Jewelry shop nga di ba.

"Pilosopo." at inirapan ako nito at naglakad papunta sa tinuro kong shop. Sinundan ko naman ito.

"Ma'am, sir, how can I help you?" nakangiting tanong nung babae sa shop.

"Necklace." sagot ko.  

"Okay sir. Wait for a while." 

"Sure." 

Nang lingunin ko si Kirstein ay tahimik pa rin na tumitingin ito sa mga kwintas na naka-display.

Nakita kong bumadha sa mukha nito ang kasiyahan ng makita ang isa sa mga kwintas. Parang may natipuhan ito. Palihim ko namang sinulyapan kung ano yun. Kwintas na may pendant na B.

HIndi ko nalang ito pinansin. Maya-maya pa'y lumabas na ang babae na may dala-dalang kahon.

"Sir, eto po ung latest collection namin." At inilapag nito ang mga kahon. Sinipat ko naman isa-isa yun.

"Para po ba kanino, para po ba sa girlfriend niyo?" nakangiting wika ng babae habang nakatingin kay Kirstein.

Bigla namang napaubo si Kirstein sa narinig. Kapagdaka'y nakangiting nagsalita.

"Sorry miss, I'm not his girlfriend." at inirapan na naman ako.

Natawa naman ako. "Oo miss, hindi ko siya girlfriend. She's my fiancée." pang-aasar ko pa at inakbayan ito. 

"Fiancée?" halos di na maipinta ang mukha nito.

Nag-wink nalang ako dito na ikinasama pa ng mukha nito.

"Wow, answeet niyo naman pong couples. Bagay po kayo." parang kinikilig na wika ng babae.

"Ano ba?!" mahinang wika nito at siniko ako sa may tiyan.

"Aww.." lihim akong napa-aray. Hindi lang pala to brutal, mapanakit din. Anong klaseng babae ba to. Babae nga ba to?

"Answeet-sweet talaga ng honey ko." at pinisil-pisil ko ang pisngi nito. 

Nakita ko sa mga mata nito na parang gusto na akong ibaon sa lupa. Oooppss..as if matatakot ako.

Parang hihimatayin naman sa kilig ang babae habang pinapanood kami.

"Sige miss, we'll buy this one." wika ko sa babae na hindi pa rin matanggal ang kilig sa mukha. 

"Ok po sir." at kinuha nito iyon upang ilagay sa kahon. 

"Ah miss, eto din, i'll buy this too." at iniabot dito ang isa pang kahon. 

Pagkabayad ay inakay ko na si Kirstein paalis sa jewelry shop.

"Thank you sir. Balik po kayo." Nakangiting tumango naman kami dito.

"Hoy, for your information, wala tayong relasyon. Lahat ito, pagpapanggap lang okay?!" singhal nito sakin ng makaalis na kami sa jewelry store.

"For you." bulong ko.

"Ano?"

"Wala. Tara."

"Where?"

"Kakain."

"Wag na, uuwi na ko."

"No. Sasamahan mo ako." matigas at punum-puno ng kapangyarihang utos ko. Wala naman itong nagawa kundi ang sumunod.

*************** 

Pagka-order ko ay hindi pa rin ito umiimik. Ni hindi nito ginagalaw ang pagkain. 

"Kakain ka ba o susubuan pa kita?"  

Umingos naman ito at sinamaan na naman ako ng tingin. "Busog pa ko." 

"Ayaw mo talaga?" parang nagbabantang sabi ko rito at akmang kukunin ang kutsara nito. 

"OO NA!" at kinuha agad ang kutsara't tinidor. Good. Takot din pala eh.

"Babe!"

Nakita kong kumakaway ang isang babae. Si Cindy. Ex-girlfriend ko. Babe pa rin ang tawag niya sakin kahit wala na kami. I told her to call me by my name but she's hard-headed. Gusto niya pa raw na maging kami but I told her, wala na. Ang kulit pa rin kaya pinapabayaan ko nalang.  

Nakangiting lumapit ito samin.

"Hi babe!" at nakipag-beso-beso ito.

"Hi." kaswal na bati ko rito at pasimpleng tumingin kay Kirstein na nakayuko.

Napatingin naman ito sa kasama ko. "Who is she?" Parang may bahid ng inis sa tono nito. Lahat nalang ng kasama kong babae ay pinag-iisipan nito ng masama. Tsk. Di ko nga alam kung bakit pinatulan ko to noon eh. 

Napaangat naman ng paningin si Kirstein at alangang tumayo saka pilit na ngumiti rito. 

"Hi." at inabot ang kamay. "I'm---"

Ngunit naputol ang sasabihin nito ng agad akong tumayo at hapitin ito sa beywang.

"She's Kirstein...my girlfriend."

***************

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon