TYPE>>>Flashback>>>FLOWERS

133 7 2
                                    

Chapter 22 ---TYPE>>>Flashback>>>FLOWERS

Thorn's P.O.V

"Oh pre, balita namin nagkasakit ka. Kamusta?" wika ni Liam at umakbay sakin habang tinapik-tapik ang balikat ko.

Pumunta sila dito sa condo. Ewan ko ba sa mga to kung bakit naisipang magsipuntahan dito. Though, welcome naman sila dito.

"Okey ka na pre?" tanong ni Liam.

Di ako sumagot bagkus ay nagsalin ng tubig sa baso. Dalawang araw na ang lumipas simula ng magkasakit ako. Buti nalang kinaumagahan nun eh maayos na ang pakiramdam ko. Wala lang ako sa mood pumasok ng school kaya nagpasya akong mag-stay nalang dito sa condo.

"Naks, sino naglinis ng unit mo pre? Linis ah!" si Ray na noo'y pinapakialaman ang mga gamit ko sa closet. Sinipat-sipat nito ang mga long sleeves na nakapaloob dun. Pakialamero talaga kahit kelan. Pero sino nga bang nag-ayos nito? Wala naman akong natatandaang pinalinis ko to eh. Paggising ko nalang nung isang araw, hindi na makalat. 

"Uy ayos to ah. San mo to nabili pre?" nakita kong hawak-hawak nito ang sweater na binili ni Mommy sa Switzerland.

"Bitawan mo nga yan." at inagaw dito ang mga ginulong damit.

"Meron ka pre? Sungit mo eh." si Ray na noo'y binuksan ang aircon. Tumapat pa talaga ito doon.

"Oi Ray, tabi ka nga dyan!" at binato ni Zen ng unan si Ray. Gumanti din ito at nagsibatuhan sila sa loob. Parang mga bata lang ang mga p*tcha. 

"Tumigil nga kayo. Ang gulo niyo." at chineck ang cellphone sa bulsa. Ba't di man lang nagtext ang babaeng yun? Matawagan nga mamaya. 

"Ibato mo sakin Liam! Akin na! Akin na!"

"Aray!"

Hindi pa rin ito nagsipagtigil bagkus ay naghampasan ng mga unan. Sisipain ko talaga ang mga to palabas eh.

"Hindi ba kayo titigil?" at aambahan ko na sana isa-isa ng suntok.

"Oi Zen, tigil na!" 

 Agad namang nagsipagtigil ang mga to at umayos ng upo.

 "Init ng ulo pre ah. Chill." si Rex habang binubuklat ang mga librong nakapatong sa mesa ko. Booklover ako, di lang halata.

"Tss.."

"May problema ba?" tanong ni Tim na noo'y hawak ang gitara ko. Teka, gitara ko?

"San mo nakuha yan?" at inagaw dito ang gitara. Sinisipat-sipat ko iyon. Lntek na yan, matagal ko na 'tong hinahanap ah..

"Malamang dito sa condo mo. Tungeks!" at inagaw iyon ni Zen at nagsimulang i-strum iyon. 

"Ano naman to Bryce?" Napalingon naman ako sa kung ano ang tinatanong ni Rex at nakita kong may hawak itong kapirasong papel.

"Ano yan?"

"Love letter! Basahin mo pre!" wika ni Zen na parang nakakalokong tumingin pa sakin. Anong love letter?

"Relax. Eto na." at binasa nito ng malakas ang nakasulat doon.

"Nilinis ko na ang condo mo. Grabe, tao ba talaga ang tumitira----" ngunit inagaw ko ang papel dito. Lintek naman talaga oo, sino bang...

"Ano ba, ang KJ naman!!!" wika ni Liam at inagaw sa akin ang papel. Nakuha naman nito iyon.

"Ibalik mo sakin yan Liam!" pero hindi nito iyon ibinigay sa akin bagkus ay binasa din ng malakas.

"Grabe, tao ba talaga ang tumitira rito? pre! Ayos to ah! haha.. Siyanga pala, nakuha ko sa sulok yung gitara mo, ayos-ayos din ng gamit pag may time noh. Kainin mo nalang yung nakapatong dyan sa mesa mo at wag mo ring kakalimutang inumin yung gamot mo. Sige, mauuna na ako. Sa tingin ko naman eh hindi ka agad-agad mamatay. Alam mo na kung bakit. Haha...Laughtrip to pre!  Teka, Kirstein?" "

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon