PARTY: Yes or No?

124 4 2
                                    

KIRSTEIN'S P.O.V

Agad akong umuwi sa bahay para makapagbihis. Tinawagan ko si Jeddy kanina at magkikita kami ngayon. Kelangan ko ng mahihingan ng advice, whether to go or or not to go to that..argh! party..  

Palabas na ko ng bahay ng masilip ko ang kotse ni Jeddy sa labas. Ba't di man lang ito nagpasabing susunduin ako? Adik talaga to. Natatawang tinungo ko ang gate at binuksan iyon.

"Hoy Jeddy, ba't di ka pum---B-Bella?" Si Bella best ba tong nakikita ko ngayon? Nasa labas ito ng kotse at kausap si Jeddy. Napalingon ito ng tawagin ko ang pangalan nito.

"Hi friend." parang asiwang bati nito. 

Agad naman akong lumapit at tuwang-tuwang niyakap ito. 

"BELLA BEST?? WAAA!!! IKAW NGA!" Hindi ko mapigilang mapaiyak. "Nakakainis ka!"  

"I'm sorry friend..." naiiyak na din na wika nito habang nakayakap pa rin sakin. 

"Sorry din! Namiss kita sobra!"  

"I miss you more friend..." at naramdaman kong nanginginig ang katawan nito dahil sa pag-iyak. 

"Shh..wag ka nang umiyak Bella best." natawang wika ko kahit may luhang dumadaloy sa pisngi ko. Ka-dramahan talaga naming magbestfriend! 

"Sorry talaga friend.." mahigpit pa rin ang yakap na wika nito. 

"Ano ka ba, ako ang dapat na mag-sorry sayo!" at gumanti rin ng mahigpit na yakap dito. Mabuti nalang at maayos na kami ng bestfriend ko. At least, hindi na ako nag-iisa  ngayon.

"Ehemm..." 

Napatigil kami sa pagdadrama ni Bella best ng may biglang tumikhim. Sabay kaming napalingon at nakita namin ang mukha ni Jeddy. Pokerface itong nakatingin samin. 

"Sige lang, magdrama lang kayong mga gerlalush dyan. WAG NIYO KONG PANSININ! HMP!" At inekis nito ang dalawang kamay sabay irap samin. 

"JEDDY?!" Sabay naming sigaw ni Bella best kaya't nagkatinginan na naman kaming dalawa sabay tawa. 

"Psh..OP na ko!" ani Jeddy. Agad naman namin itong tinabihan and we clung our arms on him. 

"Wag ng emo Jeds, okay?" wika ni Bella best. 

"Korek! Ang mahalaga, bati na kami ni Bella best!" segunda ko naman. 

"Whatever." kunwari'y asar ito ngunit hindi rin maitatago ang tuwa sa mga mata. "So, san tayo?"  

"Ha?" Tumingin ako kay Bella. "San ba tayo Bella?" 

Napatingin naman ito kay Jeddy. "San ba tayo Jeddy?" 

Napa-roll nalang ito ng mata. "Ang sarap niyong ahitan ng mga kilay! Gosh. Ako na nga lang ang bahala!"  

Nagkatawanan nalang kaming dalawa ni Bella sa inasal ni Jeddy. Kahit kelan talaga, ang bakla ng bruha!

-----

Dumiretso kami sa Luke's Restaurant at dun ko na nga ikinwento sa kanila yung tungkol sa party mamayang 7pm. 

"So, pupunta ka pa rin?" sa mukha ni Jeddy ay halatang hindi ito convince sa ikinwento ko. 

"I already said yes to them. Pano na yun?" problemadong wika ko. Dapat kasi hindi ako nagpadala sa paghawak-hawak ng kamay ni my loves eh! Pero you know, mahirap irresist yung mga ganung karisma eh...You can't blame me. 

"Ano ba'ng main problem friend?" tanong ni Bella. 

Main problem? 

Naisabunot ko ang dalawang kamay sa buhok ko. "My problem is, may nakakaalam na girlfriend ako ni Thorn! At base dun sa nagbigay sakin ng invitation, pupunta din daw pala siya. So, paano yun, what about my loves? Nanliligaw siya sakin!" at naitakip ang palad sa mukha. Sabihin niyo nga sakin, ba't ko ba kasi nakilala ang Thorn na yun? Grrrr.. 

Tiningnan ko ang ang dalawa kong kaibigan at seryoso itong...kumakain? Fudge naman oh!" 

"Wui! Guys, help me naman oh!" Ang mga 'to, nagdadrama ako tapos hindi pala ako pinapakinggan? 

Inabot ni Jeddy ang tissue at pinunasan ang labi. Kapagdaka'y nagsalita. "Kirstein dear, so easy. Don't go." anito saka ininom ang milk shake. 

"Don't go?"  

Tumango naman ito. 

"Pero, nangako ako Jeddy!" Ano nalang ang sasabihin nila Jaycee sakin? 

"Hindi ka nangako. You just said yes." 

"Aish! Parehas lang yun!" Baka mamaya hindi na nila ako pansinin. Tapos mapurnada pa ang paglalapit naming dalawa ng my loves ko. Baka mag-gone with the wind nalang ang pag-asa kong maging kami? Waaa naman. ayokooo!

"No it's not. You didn't utter the word promise to them right? Stop being a drama queen." 

Drama queen? I'm just saying my perspective here! 

"What do you think Bella best?" baling ko rito. Kasalukuyang nakatuon ang paningin nito sa hawak na libro. Teka, ba't may dala-dala siyang libro? Hanggang dito ba naman pag-aaral pa rin ang inaatupag nito? 

"Bella best!" 

Nagulat naman ito kaya agad na naitiklop ang hawak na libro. "Oh, baket?" 

"Pupunta ba ako o hindi?" tanong ko.  

"Pumunta ka." walang ka-hirap hirap na wika nito saka binuklat ulit ang libro.  

"Bakit naman ako pupunta?" I asked para tingnan kung ano ang point niya sa suggestiong binigay niya. 

Tumingin naman ito sakin saka nagsalita. "You must go. Ang sabi mo, your loves is there as well as si Thorn. Take hold of the chance friend." At ipinagpatuloy ang pagbabasa. 

Chance? 

"Tsaka, dapat mo ng itigil yang kalokohan ng Thorn na yan. Dapat sagutin mo na si Blaize once na magtapat na siya sayo. Solve ang problema!" patuloy pa rin ni Bella best. 

Hmmm.... Kung pupunta ako, hindi imposibleng malaman ng lahat na girlfriend ako ng Thorn na yun. But, on the other side, kung pupunta ako, I think, it's the right time for me to tell Thorn na itigil na namin ang kalokohan niya. In that way, free na ako sa kanya at pwede na akong magfocus kay Blaize my-loves. Magiging kami and soon... we will live happily ever after! hihihi.. 

"Aray ko! Ano ba Jeddy!" Istorbo talaga to eh noh. Nangangarap yung tao, umeeksena! 

"Ano ba kasing ngini-ngiti mo dyan? Ano, susundin mo ba ang sinabi ko o hindi?"

Pupunta nga ba ako o hindi? Isip Kirstein, isip. 

"Pupunta siya." ani Bella. 

"Hindi." si Jeddy. 

"Yes." si Bella. 

"I said no." 

"Oo nga!" 

"Hindi!" 

Aish naman! Pano ko makakapag-isip sa dalawang to, ang ingay to the highest peak of Mount Mayon! 

"Stop!" sabay kumpas ko ng kamay ko. 

Sabay naman itong napatingin sakin. "OH, ANO?" wika ng dalawa. 

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. 

"I've decided."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon