CHAPTER 4
- DON'T LOSE HOPE :3 -
Dinala ako ng mga paa ko sa tambayan namin ni Bella best, dun sa may puno. Sumalampak ako sa damuhan. Wala akong pakialam kung marumihan ang damit ko. Huhu talaga…T_T
"Oi ba’t ganyan ang mukha mo?” tanong saken ni Bella pagkakita sa mukha kong parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Alam na alam niya talagang dito ako pumunta.
Hindi ako kumibo. Parang nawalan ako ng enerhiya kanina sa canteen.
“Wui!” saka pinalo ako sa braso ng hindi ako tumingin dito.
“Aray! Ano ba Bella?!” asik ko.
“Para kang ewan jan. Eto salamin oh! Ampanget mo!” saka inabot sakin yung salamin.
Huhu..panget ba ako??
Wah! Nakakaiyak naman ! Ansakit naman nun! Sabihan ka ba naman na pangit ka ng kaibigan mo?! Bigti na friend! TT__TT
Napaiyak na ko.
“Hoy Kirstein, ba’t ka umiiyak?”
“huhuhu…”
“Uy friend baket?” saka lumapit saken.
“Panget ba ako?” tanong ko dito. Kung oo, walang-wala na talaga akong pag-asa kay Blaize lovey doves. Idagdag mo pa yung kanina. T__T
Napahagalpak naman ng tawa si Bella best sa tanong ko.
“Hahaha..Jino-joke lang kita noh. Haha..”
Kainis talaga to! Hmp. Tumigil na ko sa pag-iyak at pinahid ang luhang naglandas sa pisngi ko.
“Eh kasi naman, look at yourself, para kang lantang gulay.” pagtukoy nito sa mukha ko.
Ah yun pala yun.hehe..literal ko kasing naabsorb eh. Pero hindi naman kasi talaga ako maganda eh, alam kong cute lang ako. Kaya feeling ko tinamaan ako dun.
“Oh baket? May problema ba?” seryoso na siya.
“Wala.”
“Ano nga?” ang kulit naman nito eh! Baka maiyak ulit ako! Tears, STAY.
“Sige ka, ipagsisigawan kong crush mo si Blaize. Guys Attention!!!” at nag-wave ito ng kamay. Parang nakuha naman niya ang atensyon ng ilang estudyante at tumingin sa direksyon namin, “CRUSH NI KIRSTEIN KEITLIN SAMARA SI BL—“ at bigla kong natakpan ang bibig ni Bella.
“ANO BA BELLATRIX?!” saway ko dito. Shet. Namumuo ng luha ko. Ang iyakin ko pa naman. Kasi naman…huhu
“Anong ano ba??! Eh ikaw nga ang ayaw magsabi ng problema saken eh! Bestfriend mo ko di ba?” Oo nga..
Eh pero… kasee naman eeee..Pagtatawanan niya naman ko. :<
“Dali na..tungkol ba san yan?”
Tsk. Ayan na naman yung luha ko..
“Kay B-blaize.” Saka napaiyak na ko. Uwaaaaaa!!!
Napatayo siya bigla. “Friend, sinagot ka na niya?! GREAT!!!!!” sigaw nito na pumapalakpak.
“Uwaaaa!! “ iyak ko.
“Huy teka lang,bakit umiiyak ka friend??”
“Shunga! Anong sinagot-sagot ba kase ang sinasabi mo jan?” Hay kainis! Huhu..Ganun na ba talaga ako ka-desperada kay Blaize? :-((
“Eh binusted ka?”
“Tungek! Hindi.”
“Eh ano nga?”
“Wala na.”
“HA?? WHATT?? WALA NA AGAD KAYO? EH DI BA HINDI PA NAMAN KAYO?? HOY KIRSTEIN! KELAN PA NAGING KAYO AT HINDI KO ALAM??!” Aist.. Anlakas naman ng boses nito! Busalan ko kayang bibig nito?
“Can you please lower your voice?” ayan tuloy, umi-english na ko. Ganyan kasi ako pag naiinis na. Tsk.
“Walang kami. At tingin ko hinding-hindi na mangyayari yun.” Malungkot na pagpapatuloy ko. Tama naman eh. Wala na talaga.
“Ha? baket??”
“Mahabang kwento.”
“Eh di simulan mo na ngayon.” Saka umupo din sa damuhan.
Aist. Ano pa nga ba? Wala akong nagawa kundi ikwento sa kanya. At hindi nga ako nagkamali.
“Hahaha! Ang PG mo kase! Wahaha..” binatukan ko nga. PG daw? Correction. Na-tense lang ako.
“Ouchh naman .”
“Nagagawa mo pang tumawa dyan eh nasasaktan na nga yung tao. Ang sakit-sakit, alam mo yun?” masakit naman talaga. Sobrang crush ko siya as in lagi ko siyang napapanaginipan. Akala ko nga talaga may pag-asang maging kami eh..
“Eh adik ka din pala eh. Ang OA mo, alam mo yun?”
“Anong OA ka jan? Eh na-turn off na nga siya saken. Kaya wala na..” Hindi pa nga natu-turn-on eh, naturn-off agad. Tsk.
“Akala ko ba matalino ka? Ba’t mo iniisip na wala na agad? Aisshh..”
“Oo, matalino ako at alam ko na yun! pero wala na nga kasi! Turn-off na siya saken!”
Lumapit siya saken at pinitik yung tenga ko.
“Aray! Kainis ka talaga!” at hinimas ang tengang pinitik nito. Maka-pitik wagas.
“Alam mo Kirstein, hindi naman yun matu-turn off sayo. Kase ang sabi mo, tinulungan ka niya. Binigyan ka nga ng tubig di ba? Tsaka may pahagod-hagod effect pa pala sa likod mo. It means, nag-aalala yung tao sayo. At yung mga katulad ni Blaize eh hindi mag-iisip ng ganon.”
Feeling ko yung mukha ko naglalabas ng malaking WEHH –DI-NGA expression…
“Tsk. Tingnan mo to, ayaw pang maniwala saken.”
Sana nga hindi niya yun isipin. Hehe.. Teka, parang nakagaan yung sinabi ni Bella best saken ah? hihi
“Aist, tara na nga Bella best!” saka masayang hinila siya papuntang library. Wala pa naman kaming klase, mamaya pa.
“Eto talaga. Bipolar ka ba ha? Kanina ang lungkot-lungkot tapos ngayon ansaya-saya na?”
“Thanks Bella best! Gumaan yung pakiramdam ko sa sinabi mo eh.” Saka nginitian ito.
Tiningnan niya lang akong parang nanunuri. Hinila ko nalang siya papuntang library. Andami pang sasabihin nun eh.
Ang mahalaga, may pag-asa pa ko kay Blaize my lovey doves!
BINABASA MO ANG
You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)
Novela JuvenilA story that revolves on crush, love, hatred, family, friendship, rivalry and REVENGE.