Isang masayang araw 'yun para sa 'kin, mga tsong. Ang ganda kasi ng sinabi ng nanay ko sa akin eh.
Our convo goes like this (Naks! Ingles 'yon):
MAMA: 'Nak, akala pala no'ng babaeng kausap ko kanina sa tindahan elementary ka palang?
AKO: (napahampas sa lamesa sabay tayo) 'Ma naman! Alam kong maliit ako! 'Di na kailangang pagdiinan.
MAMA: Teka lang. 'Di pa naman kasi tapos 'yung kwento eh. Gan'to usap namin.
(Ayon sa kwento ni Mama. Flashback...)
KWENTUHAN: 'Te, anong grade na 'yung anak mong 'yun?
MAMA: Grade 11 na. Senior High.
KWENTUHAN: Talaga? Akala ko kaka-graduate lang ng elementary.
MAMA: Ah, kasi maliit.
KWENTUHAN: Oo. At tsaka mukhang bata.
(End of flashback)
MAMA: Ayun sabi. React ka kasi agad eh!
AKO: Eh sorry naman, 'Ma. Pero salamat ah? Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yung 'maliit'.
MAMA: Eh totoo naman ah!
Sabi sa inyo, tapat nanay ko eh. Hindi nagsisinungaling. Kaya naniniwala wala ako do'n eh. (Subukan mong umangal, tatanggal kitang apdo, bitter! Biro lang. Brutal ulit 'yun.)
Siya 'yung hayagang nagsasabi sa akin na, "Ang tigas-tigas ng katawan mo!". Oh, 'di ba? Honest. Minsan, 'pag nahuhuli ako no'n na gumigiling mag-isa, sasabihin no'n, "Magdrawing ka na lang! Sakit mo sa mata."
Honest. Honest.
Kaya ikaw, 'pag sinabi ng nanay mong maganda/gwapo ka, maniwala ka na. 'Yun na nga lang nagsasabi sa 'yo, mag-iinarte ka pa ba? 'Wag nang pabebe. Masarap ka lang idukdok sa pader 'pag ganyan.
~~~~~
(9:06 ng gabi, ika-16 ng Hunyo, taong DALAWANG LIBO'T LABINGANIM)

BINABASA MO ANG
The Philosophies of a Corn
RandomMga kwento, opinyon, realisasyon at mga korning hirit na produkto sa mga panahong hindi pa dinadalaw ng antok ang may-akda o 'di kaya'y bigla lang tinamaan ng kung ano at nangati ang kamay dahilan upang makalikha ng ganito. (Hindi kasi naliligo mins...