RESPEK!

77 13 10
                                    

Matapos ang matagal-tagal na pananahimik, nandito na naman ako para guluhin ang mga buhay n'yo! MWAHAHAHAHA!





Ang totoo lang kasi n'yan, nagpakabuti akong mag-aaral.

E-ehem!




Napag-alaman kong pinagbabasa pala ng ilan sa mga kaibigan ko ang gawa ko.





NAKAKAHIYA.

Pa'no 'yun?! Malalaman nilang kapag nakatalikod pala sila, kung anu-ano ang pinagsasasabi ko sa kanila?! Kawawa pa naman ako kapag nabugbog ako.

Okay, moving on... (Na dapat matagal mo nang ginawa).

Nagbalik kasi talaga ako para maglabas ng angst eh. Pagpasensyahan n'yo nawa ako.








PUNYETA!


Sabi sa inyo, galit ako eh.

Pa'no ba naman kasi, may isang tindera dun sa canteen sa school namin na sobrang sungit 'kala mo siya may-ari nun. 'Yung tipo bang matino kang magtatanong tapos susungitan ka? Wala lang, masarap lang lagyang wasabi mata at bibig niya. Nabansagan tuloy siyang "Punyeta Girl" ng ibang Senior High. Dapat nga "Manang Punyeta" kasi matanda na siya. Mga 50 na siguro. At dahil dun, na-awardan siya ng kawalangyaan ng isang kong kaklase dati na schoolmate ko na ngayon. (Nagkaiba kami ng section.) Itago natin siya sa ngalang "Ramiro".

Eksena- pangyayari ayon sa kaibigan kong si Po na kaklase ni Ramiro ngayon (kung naguguluhan kayo sa relasyon namin bilang mag-aaral, 'wag na kayo mamroblema dahil walang kinalaman 'yun sa kwentong 'to.)

Ramiro: Pagbilan ngang bond paper--ay oslo pala--ay hinde! Bond paper pala. (Abnormal kasi talaga 'to eh.)

P. Girl: Ano ba talaga?!! PUNYETA!

(Syempre, si Ramiro, bilang isang mabuting mag-aaral...)

Ramiro: PUNYETA ka rin!

P. Girl: (nabigla 'ata kaya kunyari natawa na lang) Ano nga ulit sa 'yo?

At magmula nun, BOSS na tawag niya kay Ramiro.



My point is, naiinis ako sa kanya. Ang sungit niya kasi. Hindi ko siya minamaliit at ayoko siyang maliitin--kahit maliit naman talaga siya. Sana man lang, ayusin niya trabaho niya. May mga pagkakataong nakaka-stress kaming mga estudyante kapag bibili kaming supplies pero kailangan kasi namin. May hinahabol kami. Oo, natuwa ako sa ginawa ni Ramiro pero alam ko namang foul 'yun. Mali 'yun. Nawalan siya ng respeto sa matanda. But on the other hand, mapapaisip ka din, bakit siya hindi din naman kami galangin kahit paano? Oo, pasaway kami pero sana 'wag ganun. I am saying this hindi lang sa mga tinderang masungit d'yan kundi sa lahat. Respect? 'Wag kang maghahangad n'yan kung hindi mo kayang ibigay sa iba. Hindi lang matanda ang nirerespeto. L-A-H-A-T. Ultimo aso na nga, kailangan din ng paggalang. I hope people will act as PEOPLE. As a RIGHTEOUS HUMAN BEING. Magagalit tayo kapag "nayurakan" ang pagkatao natin, pero ikaw ba? Naisipan mo ba huminto at mag-isip-isip kung hindi ka din ba naging gano'n? Ngayon, kung minaliit ka ng walang dahilan, then you have the right to complain. Pero kung hindi, SHUT UP.

~~~~~

(8:22 ng gabi, ika-9 ng Nobyembre, taong DALAWANG LIBO'T LABINGANIM, Miyerkules)

~~~~~

Sa mga "palowerss" ko--ganda namang isipin no'n--pwede ko bang malaman ang facebook acounts n'yo? If it's okay. 'Ala lang. Just wanna get in touch with you at para tanungin kung sigurado na ba kayo sa desisyon n'yong pag-click sa "follow" button. Baka kasi naduling lang kayo. Hahaha!

By the way, my facebook is "Pilosopong Mais". Kung ano profile at cover ko sa Wattpad, ganun din sa facebook. (I'm telling you this if ever you are interested. SALAMAT!)

Kunyari peymuss ako. Mwehehe!

The Philosophies of a CornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon