"Wahahaha! Ang dami sa noo mo! Laki kasi ng space eh."
"Ay! Napa'no ka? Bakit ganyan?"
"Ay kadami naman!"
Ilan lang sa mga panunukso sa akin ng mga walanghiya kong kaklase dati na ngayon ay hindi na dahil lumipat na silang school kasi Senior High na kami na buti na lang kasi baka pagtripan nila ako at matikman pa nila ang malupit kong galit na walang dudang kagagawan ng isang Yokai. *hinga hinga... baho*
Kung inaakala mong makakarinig ka ng pag-iinarte ko tungkol sa mga tigyawat ko, well, I'm sorry but, you expected again. Assuming ka eh.
At kung maselan ka naman at pandidirihan ako dahil feeling mo makinis 'yang mukha mo, lumayas ka dito. 'Wag kang magmayabang. May kulangot ka din, uy!
Nitong bakasyon lang ng taong 2016 nagsimula 'tong tigyawat ko na nag-feeling Alexander the Great sa pananakop sa nananahimik kong mukha. Sarap lang manapak. Kainis eh. Syempre! Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi naman kasi talaga ako tinitigyawat. Bihira lang. Isa-isa ba. Kaya mahirap para sa akin na tanggapin ang kinahantungan ng mukha ko. But as time goes by, natanggap ko na. Naka-move on din. Ikaw na lang hindi. Well, that won't make me less of a person. Pero 'yung mga tao sa paligid ko, ang tingin 'ata sa akin, nasabugan ng granada 'yung mukha. Ayan! Ganyan kasi ka-OA mga tao. Napatid lang, nadapa na daw, nasubasob na, una mukha. Okey, enough of that. So ayun. It's not that bad, actually. May maliliit lang akong tigyawat pero hindi baku-bako ang mukha ko tulad ng iba. Ewan ko lang kung bakit mas matindi pa ang reaction ng iba kesa sa mismong may mukha. Ine-expect yata nilang lalabas pa kami sa TV ng nanay ko habang nagsasalita siya ng, "Nawalan din ako ng anak. Masakit makitang 'yung anak mo, hindi mo mapatahan dahil umiiyak sa dami ng tigyawat eh totoo naman," habang ako nasa likod, nanonood with matching teary-eyes and runny nose. Oo, tumatakbong ilong dahil ganyan ka kapilosopo, siraulo. Ako lang pilosopo dito.
Nasanay na din akong naririnig silang pinagtitripan ako na kesyo daw late umepal 'yung puberty ko. Eh paki ba nila? Hindi naman nagbago ang mukha ko. Magulat sila kung maging baby ulit ako dahil ibang usapan na 'yun.
Kaya para sa mga taong pinoproblema ang mga mukha nilang may mga naghihimagsik na tigyawat, 'wag kang mag-inarte. Hindi ka pa mamamatay, siraulo. Mawawala din 'yan. Kung 'yung ngang mukha, kumukupas, 'yang tigyawat mo pa kaya na germs lang? Ligo ka din kasi minsan. Mwehehehe. Sabi nga ng karamihan dahil bitter sila na hindi ko naman malaman kung bakit pero mukhang gusto lang nila makiuso at magpapansin, "Walang poreber."
Kung magmumukmok ka lang sa sulok at papansinin 'yang tigidigs mo, dadami lalo 'yan. At please, utang na loob, it's not the end of your world kung iniisip mong ikaw na ang pinakamalas na tao dahil feeling mo 'di ka mahal ng Diyos dahil tinubuan ka ng lintik na tigyawat, mag-isip-isip ka din. Hindi 'yan ang dapat pumigil sa 'yo. Ang dami-daming opportunities, chances. Ang dami-dami mong pangarap pero hahayaan mo lang na ang maliliit na tigyawat ang pipigil sa 'yo? Alam mo tawag d'yan? O. A. That's it.
Matulog ka kasing maaga para ma-relax pati mukha mo kesa nagpupuyat ka sa mga bagay na walang kwenta. Maliban na lang kung importante talaga 'yan.
~~~~~
(9:03 ng gabi, ika-14 ng Hulyo, taong DALAWANG LIBO'T LABINGANIM, Huwebes)
![](https://img.wattpad.com/cover/74907844-288-k669137.jpg)
BINABASA MO ANG
The Philosophies of a Corn
AcakMga kwento, opinyon, realisasyon at mga korning hirit na produkto sa mga panahong hindi pa dinadalaw ng antok ang may-akda o 'di kaya'y bigla lang tinamaan ng kung ano at nangati ang kamay dahilan upang makalikha ng ganito. (Hindi kasi naliligo mins...