Yo, it's been a while. At bilang panahon naman ng Kapaskuhan, kayo ay reregaluhan ko ng isang katotohanang walang maaaring magkaila. At ang katotohanang ito ay...
Alam 'nyo bang nung bata ako napakakyut ko?
Sa sobrang kyut ko, trip akong pagtripan ng mga kamag-anak ko lalo na sa panig ng nanay ko sa puntong 'yung asawa ng pinsan ng tatay ni aking inay eh pinainom raw ako ng beer at age 2.
*hah, haaah, hinga muna*
Pero 'wag kayong mag-alala, 'di ko lumaking lashenggero. Gud boi, gud boi. Eniwey, ang kakyutan ko naman na 'yun eh nung bata pa lang ako.
Ngayon kasi mas kyut na ako.
At pakiramdam ko rin eh nekekeheye sa isang bago kong reader kasi nagtanong siya kung late na raw ba siya para dito sa akdang 'to dahil nagsisimula palang siyang basahin 'to at nandun palang siya sa mga entries ko from 2016. (Ang tanda ko na *hikbi*)
Salamat, dear readers TheBlueHarmony at Elieyhen sa pag-follow, pagbabasa at pagboto nito. At sa akin iba pang readers. Ay feel so significant na.
~~~~~
Sa 'di inaasahang pagkakataon, hindi ako nakapunta mismo sa simbahan nung simula at ilan pang sumunod na mga araw ng Simbang Gabi dahil sa bigla akong nagkaubo at sipon. Ang nangyari, nauwi kami sa misa sa radyo tsaka livestream sa peysbuk, though iba pa rin talaga 'yung nandun ka mismo sa lugar, eh kaso nga, since pandemic at may banta pa rin ng virus, we cannot put ourselves to greater risks, ika nga. At mahirap na, syempre. Kakahiya naman kung may mahawa. Nabuo naman namin 'yung misa. Wehe.
Isa sa tumatak sa akin 'yung misa ng isang pari ('di ko na maalala pang-ilang araw) kasi nakakatawa 'yung homilya niya.
Ito ay kwento tungkol sa isang misteryosong regalo na nababalot sa isang makapangyarihang gift wrapper.
So si Father eh dumating raw sa punto naospital siya (years ago bago pa nagka-pandemic) at siguro, bilang nagustuhan siya ng tao dun sa lugar kung saan siya nadestino, agad siyang inalala nung mga tao dun at binibigyan-bigyan siya ng mga pagkain. At sabi raw sa kanya, 'wag mahihiyang humingi sa kanila kasi para naman sa ikabubuti ng kalusugan niya 'yun. Bilang si Father eh naniniwala yata sa phrase na "grab the chance while it's still there", lakas-loob siyang nag-request ng paborito niyang fruitcake.
Oportunista si Father. Dejk lang. Baka awayin 'nyo ako.
Sa puntong 'yon ng kwento, isang ideya ang pumasok sa isip ko na ni minsan sa tanang buhay ko ay hindi ko naisip.
Magpari na din kaya ako?
Joke lang ulit. Baka bigwasan 'nyo ako.
So going back... Nakasanayan na tuloy ni Father na binibigyan siya ng fruitcake, especially ng ilang paticular na tao na kapag nakita niya na 'yung mga 'yon na may hawak na kahon, automatic fruitcake laman no'n. Wala nang pagdududa. FRUITCAKE LAMAN.
Tapos si Father eh minsang naanyayahang mag-bless ng isang office ng business ng mag-asawang nabibilang sa grupo nung mga taong nagbibigay ng fruitcake. Bilang pasalamat sa pagbe-bless ni Father, binigyan siyang pera. At dito na rin papasok ang bida ng ating kwento--ang misteryosong regalo na nababalot sa isang mahiwagang gift wrapper. Nakabalot raw sa gold. Trip ko lang tawaging mahiwaga. Wehe.
Umandar ang deduction powers ni Father. Galing sa mga taong 'yon + kahon = FRUITCAKE.
Tiwala sa kanyang amazing deduction skills, at sa pagiging totoo na rin nang aminin niyang naging madamot raw siya nung pagkakataon na 'yon, agad nilagay ni Father sa ref niya 'yung regalo. Syempre, espesyal na fruitcake 'yon, nakabalot pa sa gold wrapper. Walang bukas-bukas, lagay agad sa ref.
BINABASA MO ANG
The Philosophies of a Corn
De TodoMga kwento, opinyon, realisasyon at mga korning hirit na produkto sa mga panahong hindi pa dinadalaw ng antok ang may-akda o 'di kaya'y bigla lang tinamaan ng kung ano at nangati ang kamay dahilan upang makalikha ng ganito. (Hindi kasi naliligo mins...