Sino?!

71 10 9
                                    

PASINTABI, medyo mabaho ang part na 'to. Mwahaha! Raaak! Headbang tayo d'yan.

~~~~~

May mga tanong na kahit alam na ang sagot, itatanong pa rin para sa bibig mismo ng may sala magmula ang sagot.

Ito ang tanong na...


"PUCHA! SINO'NG UMUTOT?!!"

Aamin ka ba? Syempre hindi! Nakakahiya eh! Sino ba namang magmamalaki at sasabihing, "Oooy! Umutot ako! Mamatay ka sa inggit!"?!

Kung tutuusin, natural lang na umutot at ewan ko lang kung bakit may mga taong kung makahusga sa mga taong aksidente at 'di napigilang umutot, wagas. Kala mo hindi sila umuutot.

'Yan! Gan'yan ka-judgmental ang mga tao. Hindi na ako nagtataka kung bakit may mga taong pilit na itinatago ang sariling baho nila kahit toxic 'yun sa katawan. Sobrang mandiri ang karamihan sa atin na akala perpekto sila, mukha namang palaka!

Katulad lang 'yan ng pag-amin mo ng isang kasalanan/sikreto sa taong akala mo iintindi sa 'yo pero huhusgahan ka lang pala. Mas malala naman pala sila kesa sa 'yo! Gan'yang mga pangyayari ang nag-uudyok sa iba na magtago sa malaking maskara. Sa pag-amin mo na ikaw 'yung umutot, pandidirihin ka nila kahit sinabi mong hindi mo sinasadya. Akala mo naman sila kung makapagsalita, kahit kailan hindi umuutot at kailanman hindi uutot. Hoy! Para kaya sa kanilang kaalaman, maganda ang pag-utot. Para another way of releasing stress.

PERO! Gayunpaman, 'wag mong masyadong itatago ang baho mo. Mahirap. Masakit sa puwet kapag pinipigilan ang utot. Kailangan mo ding maglabas ng kahit katiting na masamang hangin to free yourself from all the shitting toxic. At wala ka na dapat pake kung maamoy man nila 'yun dahil sila din, naglalabas nun. Baka mas mabaho pa.

~~~~~

(9:25 ng gabi, ikawalo ng Hulyo, taong DALAWANG LIBO'T LABINGANIM, Biyernes)

The Philosophies of a CornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon