(Ang update na ito ay isa lang sa kadramahan ko sa buhay. Bahala ka kung iiyak ka o kung maiirita ka. Gudlak!)
Ngayon ko lang napagtanto, NAKAISANG TAON NA PALA SI MAIS! Angaaas!
Akala ko, matatapos kaagad 'tong gawang 'to kasi, wala naman talaga akong maibahagi no'ng simula palang dahil nabuo lang naman ito mula sa pagkabagot at sobra pagkasabik ng mga daliri na tumipa ng letra,as in wala lang talaga 'to. Naisip ko lang subukan kung ano mangyayari kapag gumawa ako tapos tapos na. 'Yun na 'yun. Pero salamat doon sa isang mambabasa na nagbigay ng dahilan at nagbigay direksyon sa akin. Nagbigay direksyon?!! Teka, do I sound like I'm repenting? Mwaha! Pakiramdam ko tuloy, adik ako na nagbabagong buhay. Tares, kadrama.
Naiinis nga ako sa sarili ko kasi nalilimutan ko siyang i-special mention kasi ewan ko. Basta, malilimutin akong konti eh.
To @SarhentoEksdi (oo, ikaw, kung nababasa mo man), SALAMAT. Iyak tayo para intense.
Hindi ko alam kung siya ang una ko talagang reader pero gusto ko lang magpasalamat kasi, siya ang unang nagkomento sa ilan sa mga updates ko at bumoto na rin.
Sa ibang mambabasa, pasensya kung hindi ko kayo nabanggit o nabigyan man lang ng acknowledgement pero SALAMAT din. Doon din sa isa sa iniidolo kong author sa Wattpad na nagulat ako at nag-follow at nagbasa din nito. Nagwala hormones ko dahil do'n, dahil sa inyo. Sobrang kaligayahan. Hwehwe. (@EmpanadaMan at @tuldok-kuwit!)
At doon ako lalong natuwang ipagpatuloy 'to. Nasabi ko na lang, "Ay pucha! May nagbabasa! Angaaas!" Gano'n! Hindi pa ako pwedeng tumigil hangga't hindi pa ako nakakapaghasik ng kamaisan! Nagkaroon ng kongkretong direksyon si Mais.
Sa mga mambabasa pa d'yan ng ibang kwento, patuloy lang kayo sa pagbasa. Hindi lang sarili n'yo ang natutulungan n'yo. You are also inspiring someone without you knowing it. At iyon ang isa sa pinakamalupit na bagay na pwede mong gawin sa iba. Para naman may dulot tayo, 'di ba? You'll never know who you are inspiring. Cooool...!
Baka hindi mo namamalayan na sa bawat pagbasa mo, madadagdagan ng reads o kaya sa pagboto mo ay binigyan mo ng pag-asa 'yung author na 'yon. Pinaramdam mo sa kanya na may nakakaintindi sa nais niyang iparating sa mundo. Yes, numbers don't matter but somehow, mararamdaman ng taong 'yun na sobrang overwhelming ang makita na may tumatangkilik sa gawa niya. Mukhang tae man 'yon o ano.
At oo, emo nga ako. Taragis, naiinis kasi ako dun sa isang subj. namin na hindi ko na lang babanggitin. Kaya eto, nagpaka-emo na lang ako. Mwehe! At isa pang oo, alam kong walang direksyon na naman 'tong update ko. Kumbaga, walang "consistency". Shet! Ano 'yun?! Konsistensi?! Angaaas!
Bago ko pala tapusin ito, nais ko lang i-...uhh... ano bang tamang term? I-....advertise? Ah basta, ipakilala ang isa sa kaibigan ko na umeepal dito sa Wattpad. KisherBlast is the username. Formerly GinoongGinang. Bagong account niya. Kung maalala n'yo, siya gumawa ng matino-tinong cover nitong aking The Philosophies of a Corn. Gumagawa din siyang random tsaka may isa pa. Basta! Basahin n'yo na lang. 1 read, 1 prayer.
Sige. Ayun lang. Salamat sa pagsasayang ng oras. Wehehe!
(Kung may gusto kayong itanong sa akin kapag trip n'yo lang magtanong, ede magtanong kayo. May magagawa ba 'ko? Dis is a pri kawntri. Sige.)
~~~~~
(08:41 ng gabi, ikaapat ng Hulyo, taong DALAWANG LIBO'T LABINGPITO, Martes)

BINABASA MO ANG
The Philosophies of a Corn
De TodoMga kwento, opinyon, realisasyon at mga korning hirit na produkto sa mga panahong hindi pa dinadalaw ng antok ang may-akda o 'di kaya'y bigla lang tinamaan ng kung ano at nangati ang kamay dahilan upang makalikha ng ganito. (Hindi kasi naliligo mins...