Naalala ko 'yung ginawa ko nung Grade 3 ako na ininom ko 'yung buko juice na ipinabili ng teacher ko sa akin.
Hindi naman halatang nabawas. Konti lang ininom ko kasi.
MATAGAL AKONG NANAHIMIK!
Nasiraan ako ng selpon eh. Pasensya. Nais ko nga palang pasalamatan ang aking kaibigan na si Dobby sa pag-i-sponsor ng selpon. Arigatou!
~~~~~
Wala yata akong naaalalang pagkakataon na pumasok sa isip kong mangarap na maging teacher ng Kinder. Nung Grade 6 naranasan ko magbantay kasi buong kaengotan akong nag-volunteer na magbantay nung Teacher's Day celebration ng school namin kasi na-excite ako. Pero pucha! Pinagsisihan ko 'yon. Pinagsisihan ko, mga tsong. Matatae ako sa stress do'n. Kaya nga hindi ko maintindihan kung paanong napagtiya-tiyagaan ng mga teacher 'yung mga batang gano'ng edad. Halong bilib tsaka awa naramdaman ko nung makita ko kung pa'no magturo tsaka magpastol ng mga itik--este bata (activity sa school kelan lang kaya kami dinala sa mga ibang school, parang internship ba). Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko sa Universe para dalhin ako sa klase ng Kinder. Exaggeration pero, mga tsong, PANDEMONIUM! 'Yung tenga ko, aysos! Pasakit 'yung pagiging malaki niya kasi sagap na sagap 'yung ingay ng mga bata. Kaya napapabilib ako nung teacher nila na nagtuturo sa harap kasi ang tiyaga niya. Pa'no niya napagtitiisan talaga 'yung mga 'yon?
Pero salamat din sa experience ko do'n, tinamaan ako ng isang malupit na realisasyon.
Tingin ko alam ko na 'yung dahilan kung paano napagtitiisan ng mga teacher 'yung gano'ng gawain na paulit-ulit nilang ginagawa sa buhay nila. Para sa atin, mukhang nakakasawa pero sa kanila, hindi 'yon. Kasi meron sila ng tinatawag na "PASSION". ('Yung rarampa ka na may suot kang damit na hindi mo maintindihan 'yung style). 'Yung "pagmamahal" ba. At isa 'yon sa napakamisteryoso at napakaangas na bagay sa mundo. Misteryoso kasi hindi natin kailanman maiintindihan ang "pagmamahal" na meron sila sa bagay na pinili nilang pagbuhusan ng atensyon at panahon. At maangas kasi nakakagawa sila ng mga bagay na mapapaisip 'yung iba na, "Pa'no nila natatagalan 'to?"
Isipin 'nyo lang 'yung pari na ilang ulit kung magmisa sa isang araw na paulit-ulit sa sinasabi sa harap ng tao, tapos nun, puro luhod, puro dasal. Nakakatamad 'yon. Pero hindi tayo sila. Hindi natin maiintindihan kung pa'no nila natatagalan 'yung gano'n.
Katulad ng artists at writers na madalas sabihan ng weird, baliw. 'Yung mga musicians na kapag tumugtugtog lalo na kapag nasa peak na 'yung pakiramdam nila sa pagtugtog, nagmumukha na silang napo-possess. 'Yung mga dancer na paminsan-minsan may kakaibang galaw na masasabi nating medyo mukhang shunga. Pero sino ba 'yung mga nagsasabi no'n para sabihin ang mga tulad nila ng gano'n?
Hindi tayo sila. Hindi natin kailanman maiintindihan 'yung "passion", 'yung pagmamahal na binubuhos nila sa larangang pinili nila. Hindi natin maiintindihan ang pagmamahal ng isang manunulat sa mga salita, hindi natin maiintindihan ang pagmamahal ng isang pintor sa mga kulay, hindi natin maiintindihan ang pagmamahal ng isang mananayaw sa tugtugin, hindi natin maiintindihan ang pagmamahal ng isang musikero sa mga nota.
Walang makakaintindi do'n kasi kahit sila, hindi din nila maintindihan ang pag-ibig nila para sa bagay na 'yon. (Ako nga hindi ko maintindihan 'tong update ko.)
Mananatili lang 'yon na misteryo.
Kaya 'wag na nating pakelam. Epal eh, epal. 'Wag gano'n. Kahit nga 'yung jejemon dapat hindi binu-bully eh. Pakelam ba natin kung dun nila nahahanap "passion" nila? (Kahit na madalas mapanlait ako ng jeje. Pasensya, mga tsong.) Basta. Kanya-kanya kasi tayong perception eh.
Kanya-kanya tayong perception kaya nape-perceive ko ang sarili ko na isang henyo.
'Di ba? Ang henyo ko. Angas!
Pero seryoso, isa sa magagandang bagay ang "passion". Pucha. Napa-emo ako dahil dito. Lagi na tuloy ako tumititig sa mga tao sa ginagawa nila. Kung may passion ba dun o walan
~~~~~
(09:55 ng gabi, ika-27 ng Disyembre, Miyerkules, taong DALAWANG LIBO'T LABINGPITO)
(May page nga pala ako at ang mga ka-Gago ko. GAGOISM is the name. Konti palang laman kasi hindi namin maasikaso mag-post. Wehe. Pero pwede kayong magbahagi ng kagaguhan 'nyo dun "in a professional way". Bahala na kayo kung paano 'nyo gagawin 'yon. Angas. Maligayang Pasko nga pala at sana maligo kayo sa bagong taon. Wehe!)
BINABASA MO ANG
The Philosophies of a Corn
AlteleMga kwento, opinyon, realisasyon at mga korning hirit na produkto sa mga panahong hindi pa dinadalaw ng antok ang may-akda o 'di kaya'y bigla lang tinamaan ng kung ano at nangati ang kamay dahilan upang makalikha ng ganito. (Hindi kasi naliligo mins...