Kaway-kaway daw d'yan sa mga HisFic writers. Kaway-kaway sa mga writers na gumagawa ng kwento may kinalaman sa kung anumang pagka-Pilipino!
Hipokrito naman akong matuturing kung sasabihin kong kahit kelan hindi ako nahilig sa foreign works. Peburit ko kaya 'yung Harry Potter kahit konti palang napanuod ko at binabasa ko na lang dito sa app sa cp ko lahat. Peburit ko din kaya 'yung Greek Mythology. Astig kaya 'yun! Peburit ko din 'yung mga gawa ni Lolo Shakespeare tsaka Lolo Hugo. Mayghad! The Twelfth Night at Les Miserables nila! Ibang klase! Malufffet! Hayufff! Kabilang ako dun sa mga kabataang mas trip ang literature ng ibang bansa kesa sa sariling bayan. Nakakahiya pero totoo. Disappointed din ako sa sarili ko. Kokonti lang 'yung alam kong malalalim na Filipino words. Hindi ko 'to sinasabi para magmukhang matalino dahil may alam ako sa foreign literature, kung hindi para ipakitang nahihiya ako sa sitwasyon ko. Ibang bansa alam ko, sa bayan ko hindi?! Tulad lang ng taong walang common sense ang lagay ko. Madami ang katulad ko. Well, aminin na din naman natin, advantage 'yun eh. Pero ang nakakalungkot lang, ang mas trip ng karamihan ngayon ay 'yung mga mababaw at cliché na istorya na title palang, alam mo na mangyayari.
Oops! 'Wag kang mao-offend dahil 'pag na-offend ka, gan'yan ka.
Hindi ako magaling. Hindi ako mahusay na manunulat pero hindi ako bulag sa katotohanang gano'n na ang umiikot sa kaisipan ng karamihan. Karamihan sa kabataan.
Madalas akong lumibot-libot sa mundo ng Wattpad. Naghahanap lang ng kakaiba pero sumasakit lang mata ko. Sawang-sawang ako sa mga kwentong jusko! Paulit-ulit. Sasakit muna mata ko bago talaga ako makahanap ng trip ko talaga. Ayun nga, hinahanap ko dito 'yung mga classic na kwento pero bihira lang. Buti nga ngayon, nauntog na ako at nagising na maganda pala 'yung mga kwentong may halong kasaysayan natin o 'yung may pagka-journalism. Mga dagli, editoryal chuchu. What makes me feel more disapponted ay 'yung konti lang 'yung nakakapansin sa mga kwentong worth reading (Langya! Lakas maka-conyo). Karamihan ng mga makikita mo ay 'yung pati title hindi mo maiintindihan kasi nasa ibang lenggwahe. Korean, Japanese. Gano'n. Tuwang-tuwa na ako kapag may nakikitang akong kwentong may kinalaman sa Pilipinas na nakakasabay sa mga cliché na 'yan.
Ang dami nating alam sa mga ganung kwento pero 'yung Noli at El Fili, tinatamad tayo (Oo na! Kasama na 'ko!) na basahin. Kasi mahaba eh! 'Di ba? Pero siguro kung ako si Rizal, babangon ako sa kinahihimlayan ko. Susugurin ko kayo sabay sampal ng libro! Pampamilyang sampal pa! May nanay, may tatay, may ate, may kuya, may bunso at may lolo't lola pa para intense!
Kelan ko lang napagtanto 'to, maganda pala talaga 'yung literatura at kasaysayan natin. Sayang nga lang dahil matagal pa bago ko siya na-appreciate. Well, para sa akin, hindi pa naman siguro huli ang lahat. Pero ikaw! Oo ikaw! Kung hindi ka pa nauuntog, sana mauntog ka. Mwahaha! *thunder and lightning* Ma-appreciate mo sana sila bago pa sila tuluyang mawala. Bigyan mo sila ng konting panahon at pansin kung hindi mo talaga maiaalis 'yang pagkahilig mo sa ibang klase ng mga kwento. Maganda sila. Maganda kahit konti palang ang nababasa ko at kakasimula ko palang sa pag-explore.
Sabi nga daw, 'di ba, malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay kapag nawala na ito. (Hindi 'yan hugot! Tumigil ka!)
~~~~~
(4:22 ng hapon, ikaanim ng Hulyo, taong DALAWANG LIBO'T LABINGANIM, Miyerkules)

BINABASA MO ANG
The Philosophies of a Corn
DiversosMga kwento, opinyon, realisasyon at mga korning hirit na produkto sa mga panahong hindi pa dinadalaw ng antok ang may-akda o 'di kaya'y bigla lang tinamaan ng kung ano at nangati ang kamay dahilan upang makalikha ng ganito. (Hindi kasi naliligo mins...