Mema 2.0

59 8 13
                                    

Isang eksena sa exam...

AKO: (Ayos! 'Di nakatingin si Ma'am.) *tingin sa katabi sabay bulong* Oy! Tanong mo nga kay (itago natin sa ngalang Dobby) Dobby kung ano 'yung isa pa sa characteristics na tinatanong.

*tawag ke Dobby tapos ipapakita ni Dobby papel pero hindi ko nabasa dahil malayo ako sa kanya*

AKO ULIT: Ano daw? 'Di ko mabasa. (Kala neto sa 'kin?! Me super sense of sight?)

*binulungan na lang ni Dobby 'yung katabi ko*

ANG KATABI NA ITATAGO SA NGALANG "TING-NAY": Reference...

AKO: Ano? Reference?

TING-NAY: Oo.

AKO: Teka, parang wala namang ganun dun ah? (sinulat ko na din kesa walang sagot)

TING-NAY: Ewan ko.

*maya-maya...*

TING-NAY: Oy! Relevance pala, hindi Reference. Hehehe~

AKO: *bura* Tares ka. Kukuha ka na lang ng impormasyon, mali pa! Saksakin kita eh.

The end... Ibinahagi ko lang. Gusto kong i-share eh!

*****

Dahil good mood 'yung teacher namin sa Soc. Sci., kinuha ko na 'yung oportunidad na itanong ang isang bagay na gusto kong malaman.

"Ma'am, me mga novel books po ba kayo?"

"Meron, marami. 'Yung iba pinahiram ko na. Bakit?"

"'Di po ba namimigay naman kayong lipstick tsaka damit? Eh libro po ba?" sabay tawa na akala mo ang bait ko.

At ang sagot niya...

"Loko, 'yung damit at lipstick ipapamigay ko. Pero 'yung libro, hindi!"

Grabe, mga tsong! Ang sakit no'n! Masakit pa ng malaman mong taken na pala 'yung krass mo. Wala kang pake kung OA ako. Sadyang nasaktan lang. Ahuhuhu! Meghad! Kinwento ko 'yun ke Po tapos sabi niya, nabilib daw siya. Kung siya din daw, ite-treasure niya 'yung libro niya. Sabi ko, "Eh hiram lang naman ah!" Pucha, maiiyak na yata ako nung mga oras na 'yun. Mayghad! PO! Heartbreak 'yun! Ipasagasa ko kaya siya?! Hindi man lang ako sinuportahan.

Aminin ko, hanga talaga ako sa sinabi ng guro namin. Ganun pala siya magpahalaga sa libro pero kahit na! Shet! Naeeyak aku.

Buti pa 'yung letsugas condom, planong ipamigay ng libre. Samantalang 'yung libro, ang mahal-mahal! (Sabi nga ni Po. Dinagdagan ko lang para intense 'yung salita.) Kung ano pa 'yung mga bagay na mahalaga, siya pang ang hirap makuha samantalang kapag hindi, ang daling ma-access, ang daling magkaroon. Nakakabusit lang. Kami nga, hanggang ngayon, wala pa kaming modules eh. Ang hirap din kaya na wala kayong masundang lesson o kaya dahilan para makapag-advance reading. Oy, hindi ako nerd ah! Mga walangya kayo. Baka akala n'yo. Aanin namin 'yung letsugas na condom na 'yun? Makakain ba 'yun?! I am not against DOH's campaign against HIV. Gets ko naman 'yung point, na symbol lang daw 'yung condom para mapigilan ng mga kabataan 'yung sarili nila. Pero, walangya! Ang dami kasing mahihilig sa panahon ngayon eh! Mainit na nga sa Pilipinas, parati pa sila nagpapainit! Parang mga gago lang. Kung sana 'yung iniisip ng DOH na iisipin ng mga kabataan eh ganun nga ang gagawin nila, eh kaso hindi. Simpleng lessons nga lang sa Science about reproductive health, naghihiyawan na. Kung anu-ano naiisip. Aminado naman akong nakikitawa ako. Oo na! Hindi na magmamalinis. Mwehehe~ Pero 'wag na nating pag-usapan 'yan.

'Kala ba nila kapag nakita ng mga kabataan 'yang condom na 'yan, hindi sasagi sa isip nila makipag-jugs?! Kalokohan! 'Kala naman nila safe 'yun. Eh me butas 'yun kahit na ilang milliliters lang. Mas malaki pa butas nun sa mga sperm cells, if only they know. Oh, eh 'di makaka-penetrate pa rin 'yun. Naiinis talaga ako. Sige, mamigay sila nun. Pero sana sigurado silang 'yung thinking na meron sila ay ganun din 'yung iba. Sakit lang sa kalooban na 'yung mga ganung bagay 'yung madali kang magkaroon samantalang kapag pumunta ka sa bookstore, maiiyak ka na lang sa gusto mong libro dahil ang mahal! Parang sa kanta, "Letting go is not an easy task..." Leshe! Taragis kasi. Ang dali-daling ma-access ng puchakang porn na 'yan! Kaya tuloy normal na maging malibog. What's happening to the society?! Kapag 'yung babae ngayon, high school na at wala pang boypren, parang matandang dalaga na. Tapos kapag lalaki walang gelpren, bakla. Upakan ko mga siraulong bastos na 'yan eh!

Nada-divert nga 'yung attention ng mga kabataan kaso sa ibang bagay naman sinasayang ng karamihan 'yung atensyon nila. Kung sanang hindi puro kalibugan, kalokohan, kajejehan at kaartehan 'yang mga nakikita nila, baka ang tatalino na natin.

Letsugas talagang condom issue 'yan. Nakakasakit ng damdamin! Sana lang effective 'yang style nilang 'yan. Sana nga totoong bumaba 'yung rating ng HIV cases at pre-marital sex.

~~~~~

(07:57 ng gabi, ika-24 ng Enero, taong DALAWANG LIBO'T LABINGPITO, Martes)

~~~~~

Sa mga nagpapa-add sa peysbuk account ko, pakilala naman kayo. Takot ako sa iskamer eh. Mwehehe! Hindi kasi ako makapag-message dito sa Wattpad dahil ayaw gumana ng message feature ko kasi daw kelangan ko pa i-activate account ko. Tinry ko naman kaso 'ala. Ewan ko. Ah basta! 'Wag na nating problemahin 'yun.

The Philosophies of a CornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon