'Di ko Ma-gets

55 10 5
                                    

Siraulo sila Po tsaka 'yung mga dati naming kaklase. Bale, silang tatlo--si Po, Lilet at 'yung isang papangalanan kong Aringgingging--tapos, ako. (Hindi ko na nga kasi sila kaklase dahil nagkahiwa-hiwalay na kami.) Pucha, 'kala ko hihimatayin na 'ko. Pinatakbo ako ng mga gunggong. Ayaw daw kasi nila makasabay maglakad pauwi 'yung kaklase nila tapos sabi nila, kunyari daw naghahabulan kami para hindi halata tapos 'yun. Nakita na lang namin 'yung kaklase nilang nakasakay sa tricycle habang matawa-tawa at parang may tanong sa mukha niya na, "Napapa'no kayo?" Ang sarap lang nilang ihagis papuntang Pluto. Isipin n'yo, kung mamamatay kami due to exhaustion o kaya due to tiredness, nakakatangang malaman na dahil lang 'yun sa pag-iwas sa kaklase nila. Idadamay pa nila 'ko! Idadamay pa nila ang payat kong katawan. Magmumulto 'ko 'pag nagkataon. I will seek justice, langhiya!




Hindi ko talaga magets sa mga palabas na kapag me babaeng warrior, kelangan mukhang magko-cover sa FHM 'yung armor nila. Mukhang gago lang. Oh, eh ano pang silbi nung panangga nila kung labas sikmura, hinaharap tsaka pwet nila? Eh pa'no 'pag nasugat sila? Patay agad. 'Pag sinaksak dede nila, wala na. Hindi naman na maa-appreciate ng kalaban nila 'yung katawan nila dahil makikipagbugbugan lang naman sila. Naalala ko lang. Nakita ko kasi mga characters sa Encantado--este Encantadia. Hindi ko talaga ma-gets. Explain n'yo nga.

~~~~~

(05:42 ng hapon, ika-28 ng Enero, taong DALAWANG LIBO'T LABINGPITO, Sabado)

The Philosophies of a CornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon