Naalala ko 'yung isang pangyayari na naglalakad kami ng nanay ko papuntang palengke. Gabi na kasi 'yun tapos ginagawa pa 'yung daan. Tapos akala ko 'yung tatapakan namin, bagong semento pa. AKALA KO, AKALA. Kaya ayun, lumipat akong dadaanan pero tinangka pa 'kong pigilan ng nanay ko pero too late. Pagtapak ko dun sa kabilang side, lumubog paa ko hanggang kalahati ng binti. Pucha lang. Nakakahiya. Ini-imagine ko 'yung naramdaman ng mga nagsemento nun. Ewan ko kung sinumpa nila 'ko that time.
(Paalala: Pasintabi sa mga kumakain. Sadyang may pagkasalahula ang mga susunod na salita.)
E-ehem. Bigla lang pumasok 'tong realisasyong 'to habang ginagawa ko 'yung bagay na 'yun.
Me sipon kasi ako eh tapos nakatapat ako sa electric fan kaya medyo natuyo 'ata. Dala ng pagkakaroon ng malikot na kamay, naisipan kong kalikutin 'yung ilong ko at alisin 'yung namuong sipon. Hindi naman 'yung tipong suksok talaga ng daliri. Pakonti-konti lang. Nekekeheye eh. Tapos me nakapa akong nakalawit. Ay pucha! Ayun! Kapang konti, hilang konti. Shet! Nakadikit sa buhok ng ilong ko! Ang sakit neto 'pag nagkataon. Kaya ko pa ba? 'Wag na lang kaya?
Decide, decide. Ah! It's now or neberrr! Wan, tu, tri... Hila!
Pucha! Naluha ako dun, tsong! Me mga limang buhok din akong natanggal. Ang sakeeet!
Well, gano'n nga yata talaga pagdating sa pagkuha ng mga bagay. May konting sakit. Pa'no kung hinayaan ko na lang 'yung kulangot na 'yun na manatiling nakalawit? Maiirita lang ilong ko o kaya, may makakakita pa nun. Nakakahiya sa part ko. Masakit nga siya kunin pero, at least, nakuha mo. Natapos na din 'yung hirap. Ika nga sa commercial, "You have to endure the peeeyn."
Pain makes an achivement more valuable to the achiever. It adds more worth. (Shet! Ang deep!)
~~~~~
(06:56 ng gabi, ika-30 ng Enero, taong DALAWANG LIBO'T LABINGPITO, Lunes)
![](https://img.wattpad.com/cover/74907844-288-k669137.jpg)
BINABASA MO ANG
The Philosophies of a Corn
De TodoMga kwento, opinyon, realisasyon at mga korning hirit na produkto sa mga panahong hindi pa dinadalaw ng antok ang may-akda o 'di kaya'y bigla lang tinamaan ng kung ano at nangati ang kamay dahilan upang makalikha ng ganito. (Hindi kasi naliligo mins...