Gusto kong maging writer.
Bakit? Wala lang. Para sumikat. Mwahahahaha! Biro lang.
Ah basta. Gusto ko lang maging writer kaya nga nagpapapansin ako dito eh. Hindi ko naman alam kung bakit. Well, actually, hindi naman talaga 'yun ang ultimate dream ko na katulad ng mga batang itatanong mo kung ano ang pangarap nila paglaki at walang pag-aalinlangang sasagutin na, "Gusto kong maging teacher!", "Gusto ko maging doktor!", "Gusto ko maging nurse!" pagkatapos ay pag-iigihan nila 'yun hanggang ma-achieve nila.
Parang ang sarap lang kasi talaga sa pakiramdam na tinatawag kang Writer, Author, Manunulat, ek ek ek. Pakiramdam ko ang tali-talino ko. Pero gaya nga ng sinabi ko, hindi ko naman talaga ultimate dream 'yan? Ano ba pangarap ko? Siguro sumisid sa loob ng isang black hole.
Para sa ating mga aspiring writers, isa sa unang ginagawa natin ay ang magbasa nang magbasa (kumain ka din ng papel para effective at humalo sa veins mo 'yang mga salita). Syempre! Ideas...
Mahilig ako magbasa pero hindi ng mga akda talaga. Minsan lang ako magbasa nun. Ang kadalasan ko kasing binabasa ay 'yung mga facts, history, about astronomy. Sabi ko pa nga dati, gusto ko maging scientist at unang Filipino astronaut sa space (kung wala pang nakakapuntang Pinoy dun). Pero nauntog na ako at naisip na masyadong wild 'yun. At natatakot din akong dumating sa puntong matutulad ako sa palabas na Armageddon! Jusko Lord! Pero syempre, tuloy pa rin ang pagbabasa.
Nitong Junior High lang ako nahilig sa literature at kung ano pang akda. Mga kwento ni Shakespeare, Greek Mythology (nasabi ko na 'to dati ah?). At syempre! BOB ONG. Kahit na isa pa lang sa gawa niya 'yung nabasa ko. Maganda naman talaga 'yung mga gawa niya eh. No doubt. Iniidolo ko nga siya eh. Pero parang ayoko nang ituloy. Hindi dahil sa hindi na ako natutuwa at hindi na ako nakaka-relate, kung hindi dahil ayokong matulad ako sa kadalasang kinahahantungan ng mga bata at nangangarap maging manunulat.
Ang tulayang magaya ang istilo ng iniidolo nila.
Naalala kong na-mention din yata ni Bob Ong ang problemang 'yan sa akda niyang Stainless Longanisa.
Medyo na-experience ko na 'yan dati. Mahilig din kasi ako magbasa ng mga literary folios na hinihiram ko sa pinsan ko. At medyo nagagaya ko 'yung style ng mga nagsusulat dun. Nung nakabasa ako ng gawa ni Bob Ong, nasabi kong gusto kong maging tulad niya. Famous but mysterious. Pero hindi 'yun ang nangyari. Nagmukhang ginaya ko lang siya and worse, nagmukha akong trying-hard sa panggagaya sa kanya. Pangit 'yung gawa ko. Walang kasusta-sustansya! Juskopo!
Isa sa malaking problemang kinakaharap ng karamihang bago sa pagsulat. 'Yung iba, aware dito at pilit gumagawa ng paraan para maiba sila, may ibang hindi alam na ganito sila at ang mas malala, ang mga nagmamaang-maangang nanggagaya lang sila.
Minsan, akala kasi natin, ayun na tayo pero hindi pala. We're portraying an ideal image not the actual one. Confusion ba.
'Di ba ang sarap sa pakiramdam na nakilala ka sa pagiging kakaiba mo kesa sa kinabiliban ka pero ang dahilan lang naman nun ay ginaya mo ang isang sikat? Oo, mas magandang magmukhang alien paminsan-minsan.
Hindi ko din naman sinasabing itigil mo ang pagbabasa sa mga gawa ng idol mo. Dapat lang kaya mong i-distinguish kung istilo mo pa ba ang nangingibabaw o ang istilo na niya?
Gan'yan din ang kadalasan kong napapansin dito sa Wattpad kaya laganap ang mga cliché na kwento, at ang mga kakaiba ay normal lang. Hindi porket napasikat niya 'yun, ikaw din, gano'n. Hindi lahat ng nagluluto ng adobo, pare-parehong masasarap at pare-parehong magugustuhan ng masa.
Aminado akong may mga naisulat akong may hawig sa istilo ng iba pero syempre, sinusubukan ko pa ring gumawa ng sarili. Gusto ko kayang makilala bilang kakaiba, bagama't nagtatago lang ako sa username na Pilosopong Mais, kasi mas gusto kong pakinggan na kinikilala ka nila bilang ikaw kesa naman, halimbawa, Pilosopong Mais, Ang Bob Ong The Second. Parang sinasabi lang nun na kaya nila binabasa ang gawa mo ay dahil may kadikit itong sikat na pangalan sa halip na nagandahan talaga sila.
Ngayon, tatanungin naman kita:
Ikaw pa ba 'yan?
~~~~~
(7:57 ng gabi, ikawalo ng Hulyo, taong DALAWANG LIBO'T LABINGANIM, Biyernes)

BINABASA MO ANG
The Philosophies of a Corn
DiversosMga kwento, opinyon, realisasyon at mga korning hirit na produkto sa mga panahong hindi pa dinadalaw ng antok ang may-akda o 'di kaya'y bigla lang tinamaan ng kung ano at nangati ang kamay dahilan upang makalikha ng ganito. (Hindi kasi naliligo mins...