Piga

48 3 4
                                    

Pinipilit kong pigain 'yung isip ko na makagawa o makaisip ng realizations para may mai-publish ako. Parang tanga lang. Pine-pressure ko sarili ko imbes na chill lang dahil sa wakas tapos na sa lahat ng school works. More time for writing, more time for arts.

Kaso para lang akong siraulo. Kunyari pa akong may plano pero sa totoo lang, nauubos ang halos buong araw ko nang nakatunganga, lutang. Lalo na kapag gabi na kahit antok na antok na ako, nagagawa ko pang maging gising ng may apat o limang oras pa. Ay, mukhang gago si Mais. Pa-cool. Totoo 'yun, tsong.

I've been thinking about a lot of things. (Isa sa may kasalanan nito 'yung mga anime! Nakangtokwa! 'Kala mo dami nang napanood. Mukhang gago ulit.) 'Yon din siguro ang dahilan kung bakit wala akong magawang kahit ano. Hindi ko kasi alam kung paano sila ire-release. I find it hard to verbalize and... I also find it hard to put it into writings, into colours. Madami akong gustong i-share. But perhaps, kaya lang ako nahihirapan ay dahil hinayaan ko silang makulong sa isip ko at maipon kaya ngayon, siksikan na sila do'n. Haay..  ideas... thoughts. Sobrang katamaran kaya naimbak na sila. Nakakapanghinayang din 'yung mga idea na nawawala na lang sa memorya mo sa katamaran mong i-release 'yon. (At kanina pa ako naiinis dahil mali-mali nata-type kong letra kakamadali ko. Shet. Hinahabol ko kasi 'yung thoughts. Sayang, baka makalimutan ko ulit.)

At eto na nga. Dito na yata naputol ang mga naiisip ko. Hindi ko na alam kung paano 'to dudugtungan. Mema lang 'to eh. Memaisheyr, memasabi, memakwento. Memaikorni. Gusto ko lang mag-update dahil may iilan pang taong naliligaw sa kabaduyan at kakornihang 'to at nakakagising 'yon ng "natutulog kong damdamin". (Shet, ano 'yun?!) Ang laking epekto sa akin no'n, nakakatuwa. The reason why the writer inside this living dumbass of a genius is still alive, or awake. You keep on reviving--mali pala, you are waking it up, kasi nga natutulog lang siya. I believe that character of mine is just asleep, kailangan lang ng gigising. It does not need to be revived because it hasn't died in the first place. This needs some waking up. And please, wake me up from this drama of mine. Bleh! Emote.Yak! Drama ng Mais. Ighk! Baduy ko, mga tsong. Pero pramis, mga tsong, baduy na baduy ako sa mga dati kong updates. Parang bata pala. Ighk! Hanggang ngayon din naman. Well, bata pa rin naman ako eh. At Henyo pa rin.

At Henyo pa rin...

At Henyo pa rin...

At He--

HEH! Tama na 'yan. Tunay ngang kaputol-putol na 'tong kalokohang 'to.

~~~~~

(09:38 ng gabi, ika-31 ng Marso, Sabado, taong DALAWANG LIBO'T LABINGWALO)

~~~~~

March ko pa ginawa pero ngayon ko lang pinublish. Wal sana akong plano i-publish 'to eh. Sadyang may tumulak lang sa akin. Salamat sa isang nagdagdag nito sa reading list niya (@thsalome, 'di ko alam kung tama pero salamat!) At sa ilang bumoboto dito. Angas.

The Philosophies of a CornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon