Have you ever felt so invisible?
'Langya. Napapa-English tuloy ako! Wala eh. I'm not certainly in a good mood. Mwahaha! Jowk lang. Medyo naiinis lang dito sa puchakang tindahan sa amin. Talaga nga namang tindahan ang lugar ng chismisan. (Well, not all.) Sana hindi na lang sari-sari store ang nilagay. CHISMISAN STALL na lang. Nakakainis kasi, nakita na nilang may taong bibili, tapos magpapanggap pang kunyari wala ka. Hindi naman sila kikita ng pera sa pinagchichimisan nila. Pati ba naman nananahimik na taong na-rehab, pag-uusapan? Eh ano naman bang pakialam nila dun? Pati tuloy mga walang kwentang bagay, nahahagip ng inosente kong tenga kahit iwasan, meron pa rin talagang katiting na maririnig. Ang liit ng tindera, lakas makachismis. Nagmukha tuloy akong audience ng The Ryzza Mae Show.
Pero syempre! Matatapos na rin ang matagal na paghihirap mong maghintay! AT LAST! Jusko po Lord! After eons, napansin ka na rin! (Siguro wala na sila mapagchismisan.) At tatanungin ka na kung anong bibilhin mo. Tipong nais mo na lamang ay lumipad, pakiramdam mo nasa cloud 9 ka, para kang sinagot ng nililigawan mong ilang taon kang pinagmukhang tanga, parang bumukas ang langit habang bumaba ang mga anghel nang kumakanta, at para kang nakakita ng himala dahil naging long hair na si Noynoy--buhok na tulad ng hairstyle ni Professor Snape. Buong ligaya mong sasagutin ng kung ano ang bibilin mo. Ngunit kung gaano katagal pinag-isipan kung paano makakalipad ang tao, ganoon naman kabilis kung bumagsak ang isang eroplanong nasira matapos gawin ng kaytagal. Mapapamura ka na lang dahil, BUSET! Wala daw. Wala ka ng choice kung hindi maglakad at maghanap ng mabibilhan. Syempre! Badtrip! Tipong gusto mo ng mag-transform into SUPER SAIYAN 100 o palutangin ang mga naglalakihang bato gamit ang telekinesis na kapangyarihan mo pero hindi. Imposible. Tulad ng pagiging imposible ng pagtangkad ng tindera sa amin.
Pero on the other hand, napaisip din ako. May kasalanan din ako. Sana pala naglakad at pumunta na lang ako sa ibang tindahan instead of wasting almost 30 golden minutes of my life knowing that there's a possibility that what you are looking for is not in there.
Tanga.
Gan'yan tayo katanga. Aminin mo. Nagawa mo ding maghintay sa wala kesa kumilos at maghanap ng something better. Better opportunities. Tinatamad? O sadyang shunga lang dahil umasa? There's nothing wrong in expecting and waiting pero minsan, kilos-kilos din. Keep moving. Kaya nga may "MOVE ON", 'di ba?
~~~~~
Ay sos! 'Pag ako naging presidente ng Pilipinas, papakulong ko lahat ng tinderang ang motto, chismis muna. Pati 'yung mga nakikichismis! Parusa? Magsusulat ng essay tungkol sa pinagchichismisan nila, limang manila paper, back and forth, singliit ng spaces sa 1 whole sheet of paper ang font, one hundred thousand words, written in BAYBAYIN! 'Pag 'di nakagawa, PATAY! Kikilitiin hanggang hindi makahinga at mamatay! MWAHAHAHAHAHA! *lightning and thunder*
~~~~~
(8:11 ng gabi, ika-12 ng Hulyo, taong DALAWANG LIBO'T LABINGANIM, Martes)
BINABASA MO ANG
The Philosophies of a Corn
De TodoMga kwento, opinyon, realisasyon at mga korning hirit na produkto sa mga panahong hindi pa dinadalaw ng antok ang may-akda o 'di kaya'y bigla lang tinamaan ng kung ano at nangati ang kamay dahilan upang makalikha ng ganito. (Hindi kasi naliligo mins...