Wala daw taong bobo.
Pero para sa akin, meron.
At bago mo pa ma-misinterpret ang gusto kong iparating, linawin muna natin kung magkapareho ba tayo ng pagkakaintindi sa kabobohan ng isang tao.
Ang universal definition kasi ng bobo ay 'yong mahina sa academics. Sabi pa ng teacher namin sa Social Science, para daw maganda pakinggan, ang tawag daw sa mga tulad nila ay "Academically Incapacitated". On the other hand, 'yung mga matatalino naman, "Academically Inclined".
May mga taong may pinag-aralan pero kung makipag-away, magparinig mapa-status man sa Facebook o sa personal, akala mo, tagagubat. Daig pa 'yung mga hindi nakapag-aral talaga. Nakakita na 'ko ng gan'yan.
May mga taong hindi iniisip 'yung sasabihin kahit pa sabihing may narating sila sa buhay. Nakakita na akong gan'yan.
May mga taong gagawin lahat makapagpapansin lang. Nakakita na akong gan'yan.
Uulitin ko, MAY TAONG BOBO. At ipapaliwanag ko sa 'yo kung paano nagkaroon.
May mga taong matalino pero bobo. Dahil para sa akin, ang bobo ay hindi iyong taong mahina sa Math, sa Science o sa English. Ang taong bobo ay iyong hindi alam kung ano ang tama at ang mali. Gan'yan ang taong bobo.
Kaya ikaw, kung 75 pababa ang grade mo sa Math o naka-TRES ka sa major mo, hindi ka bobo. Basta alam mo lang kung ano ang tama at mali, matalino ka na dahil ang pagtukoy sa kung ano ang tama at mali ay nangangailangan lang ng common sense na bagaman at irony na ngayon sa panahong ito dahil hindi common ang common sense.
May taong bobo.
At sila 'yung mga nag-aakalang matalino na may lakas pa ng loob na sabihang bobo ang tunay na matalino.
Ikaw? Ano ka ba?
Bobo ka ba?
~~~~~
"Two percent of the people THINK. Three percent of the people THINK THEY THINK. And ninety-five percent of the people WOULD RATHER DIE THAN THINK."
-George Bernard Shaw(Hindi ko talaga alam ano connection n'yan. Gusto ko lang gamitin para kunyari, pa-deep ako. Wehe.)
~~~~~
(08:00 ng gabi, ikapito ng Hunyo, taong DALAWANG LIBO'T LABINGPITO, Miyerkules)

BINABASA MO ANG
The Philosophies of a Corn
CasualeMga kwento, opinyon, realisasyon at mga korning hirit na produkto sa mga panahong hindi pa dinadalaw ng antok ang may-akda o 'di kaya'y bigla lang tinamaan ng kung ano at nangati ang kamay dahilan upang makalikha ng ganito. (Hindi kasi naliligo mins...