"Do not be the person who forgets their friends when in a relationship."
~~~~~
Hwokey! Alam kong maraming #RelateMuch dito. At para sa mga hindi makakaintindi, alam kong ang dating netong part na 'to ay puro sentiments and rants ko. Eh wala ka namang pake. Nakikidrama lang ako para sa mga tao nakakaramdam ng ganito. zHakeEt bH3. Oh, iyak ka na. Madrama ka eh. Dejok lang. Para ito sa mga single na nga sa lablayp, sumi-single pa pagdating sa kaibigan. Etong kanta para sa inyo...
"ANAK NG PASIG NAMAN KAYOOOOO!"
Natawa ka? Alam kong hindi. Ayan ang tinatawag na...
*drum roll*
TENTENENEN!
PATAY NA JOKE.
Okey, all together, let us all stand at isaboy sa hangin ang joke ng Mais. Baka makatulong sa pagkabawas ng polusyon. Mag-toothbrush ka na din para mas helpful. Mwehehe!
Ay sos! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Kawawa naman ako.
Mabalik sa topic, naiinis ako sa mga taong nakakalimot sa kaibigan kapag nasa isang relasyon. Ewan ko. Walang utang na loob? Siguro, ganun nga. Sino ba ang ISA sa unang nakakaalam kapag may crush ang isang tao? KAIBIGAN. Sino ang nakikikilig sa 'yo? KAIBIGAN. Sino ang kumukulit na sagutin mo na siya? KAIBIGAN. Siguro nga, hindi lahat ganyan pero mostly. A friend has played a big part sa lovelife ng tao. May tama lang talaga 'yung iba dahil pagkatapos ng lahat, parang wala na. Nakakainis pa lalo 'yung kapag may LQ, lalapit sa kaibigan pagkatapos ulit, wala na. Akala lang ng karamihan, okay sa kanila pero deep inside, masakit 'yun. (Yeah drama!). More painful than a heartbreak.
Madrama 'tong part 'to pero sana, ma-realize ng iba na may karelasyon na may kaibigan pa din sila. Ang boypren/girlpren, madami 'yan pero ang tunay na kaibigan, kaunti lang. Para kang naghahanap ng maliit na bato sa dalawang gatang na bigas. Takes time.
~~~~~
(6:58 ng gabi, ika-29 ng Hulyo, taong DALAWANG LIBO'T LABINGANIM, Biyernes)
![](https://img.wattpad.com/cover/74907844-288-k669137.jpg)
BINABASA MO ANG
The Philosophies of a Corn
CasualeMga kwento, opinyon, realisasyon at mga korning hirit na produkto sa mga panahong hindi pa dinadalaw ng antok ang may-akda o 'di kaya'y bigla lang tinamaan ng kung ano at nangati ang kamay dahilan upang makalikha ng ganito. (Hindi kasi naliligo mins...