h s - t w o

14.8K 649 210
                                    

Dedicated to one of my favorite authors na si Ate Queenie! Siya rin yung pinaka-unang pumansin sa Story kong ito at siya rin yung may pinakamahabang comment huhu. Wiih~ Salamat po ng marami Ate Queenie! T^T Ang ganda po ng story niyang "Sightless Love" at "Mandy". Punta po kayo sa prof niya kung gusto niyong basahin. :)

x: long comments please

--

h s - t w o

Inspiration

"Miss Amethyst, gising na po. Maaga po pasok niyo ngayon."

"Mam... Gising na po."

Naalimpungatan ka ng may tumawag sa pangalan mo. Oo, Amethyst ang pangalan mo. Amethyst Fontanilla. Nag-iisa ka lang anak nina Sharlot at Joseph. Mayaman ang angkan niyo at nag-aaral ka sa isang matayog na paaralan.

"Mam? Gising na po. Pinapatawag na rin po kasi kayo ng Mommy niyo." dagdag pa niya. Hindi ka bumangon dahil sa sobrang antok. Inayos mo na lamang uli yung unan na nakapatong sa iyong mukha.

"Ma--" hindi natapos ng inyong katulong ang kanyang sasabihin ng biglang tumunog yung cellphone mo ng napakalakas. Nabuhay naman agad ang katawang lupa mo dahil narin sa kadahilanan na nakatapat pala ang iyong cellphone sa iyong teynga.

"PUSANGGALA SINONG MAGNANAKAW?? FRUTA ILABAS NIYO SI TAO NG MA-WUSHU!" napasigaw ka dahil sa gulat. Eh sino ba namang hindi magugulat sa ringtone mo? Yung ringtone mong 'Alarm' sa Iphone ay talaga namang napakalas. Nasa tapat pa ng teynga mo ah?

"Ah Mam. Wala pong magnanakaw. Ginigising ko lang ho kayo." tinignan mo agad ang cellphone at lalong nanlaki ang mata mo ng may mabasa ka roon.

"OH SHEET OF BOND PAPER! NGAYON NA PALA YUNG FANSIGNING NILA SA PPG MALL!!!" napasigaw ka dahil syempre sa excitement na... makikita mo uli siya.

"Ah Mam--" hindi mo na pinatapos si Ateng Maid niyo sa pagsasalita.

"Okay susunod na'ko sa baba. Maliligo lang ako." ang sabi mo at dumiretso na sa banyo. Kawawang maid, laging napuputol ang sasabihin.

Ng matapos ka ng maligo ay dumiretso ka na agad sa eskwelahan mo. Syempre kumain ka muna ng almusal kaso nga lang mag-isa ka na lang nun kumakain dahil umalis na ang mga magulang mo para magtrabaho. Sanay ka naman na eh.

"Andito na ang desperada."

"Ssshh baka marinig niya tayo. Ipakulam pa tayo."

"Wew, here comes the obssessed shit."

Yan agad ang sumalubong sa umaga mo. Mga mapanglait na salita... Mga mapanghusgang tao. Tinignan mo sila panandalian at nilagpasan mo na lamang sila. 'Sanay naman na'ko.' bulong mo.

"GURLALUUU~" napatingin ka agad dun sa sumigaw. Kilala mo naman na yata kung sino ito hindi ba? Ito ang pinakabungangerang nakilala mo sa tanang buhay mo.

"EXCITED KA NA BA SA FAN SIGNING NILA MAMAYA?? OMYGASH! MAKIKITA KO ULI ANG KYUNGSOO KO WIEEE~ KINIKILIG AKO AMETHYST!" ang nagwawalang bestfriend mo. Nagtatalon talon siya sa saya na parang bata.

"OHMYGAD I FEEL YOU TOO GULL! EXCITED NA EXCITED NA RIN TALAGA AKO! WAAAAHHH~" at nagtalon-talon na nga kayong dalawa habang pinagtitinginan na pala kayo ng mga tao. Napansin mo iyon at napatigil ka sa pagtalon kaya naman yung bestfriend mo na lang yung tumatalon.

"HOY AMETHYST! SABAYAN MO'KONG TUMALON! I'M SO EXCITED NA FOR LATUURRR!" tuwang-tuwang sabi niya. Pinagmasdan mo lahat ng mga tumitingin sainyo. Halos lahat pala ng nasa corridor ay tinitignan kayo.

"Hoy? Ayos... ka... l-lang?" napansin na yata ng kaibigan mo na nakatingin ka sa mga tao. Halos nagbubulungan silang lahat na siya'ng dinig mo naman.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon