click on the external link if you want to read solardark's story. happy 43k! dedicated uli sa kanya kasi nakakatats sobra mga comments ni brad <3 labyu pre :* salamat sa pagsuporta ng story ko kahit mas inuuna mo itong basahin kesa magreview haha :**
--
h s - t h i r t y - o n e
I'm inlove
Ayaw mong magjump into conclusions. Ayaw mong mag-isip ng mga kahit ano kung wala naman talagang proweba. Agad mong kinlose ang site na iyon. Halos buong tatlong araw sa Jeju Island ay lutang ka. Gusto mong diretsuhin si Kai kung meron ba talaga siyang nararamdaman sayo. Gusto mo siyang tanungin kung sa kanya ba yung account.
Pero syempre nahihiya ka. Baka kasi nag-aassume ka lang. Baka kasi hindi naman siya yung nagcomment nun. Baka ordinaryong tao lamang. Ayaw mo namang mapahiya sa harapan niya kaya ibinalewala mo na lamang ito.
Nakarating ka agad ng Apgeujong pagkaluwas mo ng Seoul. 11:30 pa lang ay nandun ka na. Lutang ka talaga sa mga nangyari dun sa Jeju Island. Hindi mo nga masyado naenjoy yun kasama ng pamilya mo dahil sa pag-iisip na paghigante kay Solardark at yung kay Kai. Kahit sinarado mo na ang cellphone mo ay nagagambala ka pa rin.
"Amethyst~!" napatingin ka kay Klyppton na tumatakbo papunta sayo. Napangiti ka ng makita mo siya. Syempre namiss mo rin itong baliw na ito. Nagtiis ka rin na wag na muna siyang kausapin hangga't nandun ka pa sa Jeju Island.
"Ahh! I miss you girl! Pasalubong?" sinapok mo ang kaibigan mo at tumawa. Nilabas mo ang isang paper bag galing sa iyong likuran. Nanlaki naman ang mata ni Klyppton ng makita niya ito at agad na kinuha.
"Oh my gad! Louis Vuitton!" niyakap ka agad ng kaibigan mo. Napatawa ka na lang sa reaksyon niya. Masaya niyang binuksan ito at unti-unting lumukot ang kanyang mukha.
"Louis Vuitton ang paper bag pero tsinelas ang laman? Pinagloloko mo ba ako?" poker face siyang humarap sayo. Napakunot naman ang iyong noo. Nabili mo yung tsinelas nung nagttravel kayo ng mga magulang mo sa Jungang Underground Mall sa Jeju Island. Maganda nga iyong tsinelas dahil kulay red ito at ang cute.
"Nilagay ko lang sa paper bag na Louis Vuitton kasi ang pangit ng plastic eh." sagot mo naman. Napakamot na lang siya ng ulo at ngumiti sa iyo. Nilagay na niya yung paper bag sa kanyang braso at sinabit roon.
"Buti na lang at maganda yung paper bag na binigay mo. O'sya, saan na tayo ngayon? At sino naman yang pasasabugin natin huh?" agad kang ngumiti ng demonyo. Oo nga pala, kaya ka nga pala nandito dahil magsisimula ka nanamang maghigante kay Solardark.
"Ganito kasi yun..." at sinabi mo na nga sa kanya yung balak mong plano. Tango lang ang tanging sinasagot ni Klyppton sayo at inaasar kang nagseselos ka lang daw. Umiirap ka naman kapag sinasabing nagseselos ka lang. Eh ano naman kung nagseselos ka hindi ba? Alam mong wala ka sa lugar para magselos ngunit hindi mo talaga mapipigilan kung yung taong kalaban mo eh talagang nakakaasar.
"May alam akong pagawaan dito ng mga mamahaling kwintas..." dumiretso agad kayong dalawa dun sa mga alam na shops ni Klyppton. Mahal talaga kapag magpapagawa ng sariling kwintas. Ang goal mo ngayon ay ibigay yun kay Baekhyun at kailangan niya ring maisuot yun katulad nung naisuot niya yung binigay ni Solardark.
BINABASA MO ANG
His Sasaeng
FanfictionIsa ka bang tagahanga? Isa ka ba sa mga babaeng nahuhumaling sa kanilang iniidolo? Isa ka ba sa mga tagahanga na kahit ano ay gagawin para lang makapunta sa kanilang mga konsyerto? Kayo ba ay yung tipong gagawa ng account para lang maging updated tu...
