Advance Happy 6k reads!
x: long comments please ♡
--
h s - e l e v e n
Just Someone
"Excuse Me.. Excuse Me." sabi mo habang nakikipagsiksikan sa kumpulan ng mga tao dito ngayon sa Concert hall. May concert kasi sa ilang banda at mag-gguest ngayon ang EXO dito eh syempre hindi mo mapapalagpas yan dahil nandyan ang pinakamamahal mo.
"Ano ba! Wag ka na nga makisiksik pa!" sigaw sayo nung isang fan kaya naman napakunot ang iyong noo. Gusto mo siyang sapakain dahil naka-caught ito ng atensyon sa iba at pinagtitinginan na nila kayo.
"Oo nga! Nauna kami dito kaya wag ka nang sumiksik pa!" sang-ayon nung iba kaya pinagtutulak ka nila.
"Ano ba! Argh! Ano ba nasasaktan ako!" sigaw mo dahil tinataboy ka nila. Galit ka ngayon dahil kanina ka pa nakipagsiksikan sa mga tao dito. Nalate ka kasi ng dating kaya ayan, nung dumating ka eh kumpulan na ang mga tao.
Wala ka ng nagawa pa dahil pinagtutulak ka nila. Ngayon ay nasa malayong bahagi ka na. Napapadyak ka sa inis. Wala ngayon si Klyppton dahil may Family reunion sila. Wala na yung tagapag-tanggol mo kaya kailangan mong tumayong mag-isa.
Patuloy ka pa rin sa pagbusangot mo ng mukha at sa pagpadyak ng biglang dumilim. Signal na mag-uumpisa na. Nagtilian ang iba kaya naman napatili ka na rin dahil sa excitement. Wala eh, mabilis magbago mood mo pagdating sa EXO.
Nagbukas ang mga ilaw at hinanap agad ng mga mata mo si Baekhyun ngunit iba ang nakita mo sa stage. Hindi pa pala EXO ang nag-pperform ngayon. Napabuntong-hininga ka. Ramdam mo kasing mamaya pa lalabas ang EXO kaya matagal ka ring nakatayo dito.
Halos pumikit na ang iyong mga mata dahil sa antok. Kanina ka pa kasi nakatayo at kanina pa wala sa stage ang EXO. Nakalagay ang kanang braso mo sa grills bilang suporta. Antok na antok ka na talaga. Buti na lamang at may mga sumisigaw na fans at medyo nagigising ang iyong diwa.
"OMG OMG EXO NA SUNOD!"
"AAAAAAAAAHHH! EXO! EXO! EXO!"
"LUHAAAAAN!! SEHUUUUNN!!"
At para namang nabuhusan ka ng malamig na tubig ng marinig mo ang sigaw ng mga tao dito. Dali-dali mong inihanda ang iyong DSLR para makuhanan na agad si Baekhyun. Nakisabay ka na rin sa mga hiyawan ng tao dito. Gising na gising na buong diwa mo ngayon dahil sa excitement. Kahit nakapunta ka na sa mga iba't ibang concerts ng EXO eh hindi mo pa rin talaga mapigilang hindi maexcite lalo na kung...
"Careless, Careless. Shoot Anonymous, Anonymous..." napahiyaw ang lahat ng marinig niyo ang unang stanza ng kanta. Nakikisabay sa pagsayaw ang mga ilaw na tila lalong nagpapaganda sa performance nila.
"Heartless, Mindless. No one who care about me~" nanginginig ka habang nagvivideo-cam. Hindi mo kasi mapigilan ang tuwang nararamdaman mo dahil nakikita mo nanaman silang nagpperform ng live.
![](https://img.wattpad.com/cover/8698810-288-k746865.jpg)
BINABASA MO ANG
His Sasaeng
FanfictionIsa ka bang tagahanga? Isa ka ba sa mga babaeng nahuhumaling sa kanilang iniidolo? Isa ka ba sa mga tagahanga na kahit ano ay gagawin para lang makapunta sa kanilang mga konsyerto? Kayo ba ay yung tipong gagawa ng account para lang maging updated tu...