h s - t h i r t y

6.8K 319 144
                                    

know that i based my dedications to your comments.

--

h s - t h i r t y

110109

"Nice to be back!" ani ng Daddy mo nang makaapak kayo sa Jeju Island. Tumingin ka sa paligid at humampas sa iyo ang lakas ng hangin. Ang matirik na araw at ang kagandahan ng Jeju Island ang pumukaw sa iyong mga mata. 

"Baby, take a picture!" humarap ka sa camerang dala ng Mama mo at ngumiti dito. Almost 3 years rin kayong hindi nakapunta sa Jeju Island dahil sa sobrang daming ginagawa ng magulang mo. Buti nga't may 3 days silang pahinga at dito nga napili ng magulang mong pumunta. Ayaw mo rin naman kasing lumayo pa.

Tinignan mo ang cellphone mong kanina pang patay. Hindi ba't pinromise mo sa iyong sarili na wala munang komunikasyon dahil gusto mong lubusin ang tatlong araw sa iyong pamilya? Kaya heto ka ngayon, nandito ka sa malaking temptasyon kung bubuksan mo ba ang iyong cellphone o hindi.

"Here's your room, baby. Katabi lang yung kwarto namin yung iyo so if you have problems, just come to our room, okay?" tumango ka sa Mommy mo nang maihatid ka niya sa room ng hotel na ito. Magkasama syempre ang Daddy at Mommy mo. Ayos lang naman kasi sayo kung mag-isa ka lang sa kwarto dahil sanay ka naman na. At tsaka sa isang mamahaling hotel ito kaya imposible kung may magtangkang rape sayo.

Binuksan mo ang pintuan at bumungad sayo ang isang king size bed.  Umupo ka sa malambot na higaan at biglang ibinalibag ang sariling katawan. Napatingin ka sa dingding na kay sobrang linis di tulad ng kwarto mong punong-puno ng EXO Posters.

Umiling ka dahil ayaw mo munang isipin ang nangyari kahapon. Kung saan naguluhan ka sa sinabi ni Baekhyun.

*Flashback*

"What are you looking at?" tanong niya nang mapatingin ka sa kanya. Nagpalipat-lipat ang iyong tingin sa pintuan at kay Baekhyun. Nakakunot ang noo niya ngayon. Binibigyan ka ng tingin na dapat mo nang sagutin ang kanyang tanong.

"Uh. Wala. May napansin lang kasi ako sa pintuan." sabi mo at umiwas ng tingin. Kumalabog ng sobrang bilis ang iyong puso. Ewan mo ba pero kinikilig ka ngayon dahil tinititigan ka niya at for sure pulang pula ka nanaman.

"Amethyst, I need to go. Tumakas lang ako sa Manager ko." napatingin ka sa kanya at agad na nanlumo. Wala pa ngang isang oras ngunit aalis na siya. Nabuhayan ka nga lamang nung dumating siya eh tapos aalis na siya agad? Balik simangot nanaman ba?

"That fast?" nanginig ang boses mo. Gusto mo muna siyang pigilan ngunit ayaw mo naman makasagabal ng oras. Baka mamaya mapagalitan siya ng Manager niya dahil sa katigasan ng ulo mo.

"I'm sorry. Mapapagalitan na talaga ako ng Manager ko. Happy birthday, Amethyst." tinignan mo siyang paalis ngunit tinignan ka niya muna. Umiwas ka ng tingin dahil ayaw mong makita nanaman siyang lumalayo palayo sa iyo. Sa totoo lang, sawang-sawa ka na kakapanuod kung paano siya umaalis. Lagi na lang ikaw ang naiiwang talo pero hindi yun rason para bitiwan mo ang pagmamahal sa kanya. 

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon