h s - t w e n t y

8.5K 334 66
                                    

HAPPY 12K READS AND ADVANCE HAPPY 13K READS! YEHET~ thanks to Liorsky for the beautiful cover she made for me. yipee thankyou uli :*

x: long comments please ♡

--

h s - t w e n t y 

Sky Rose Garden

'Omg~ HI BAEKHYUN!!!'

At dahil sa likas na makulit ka, ayan hindi ka pa rin natapos sa pagtetext sa kanya. Balak mong kulitin siya ng kulitin na kung sa ganung paraan ay mapapansin ka niya. Ngiting ngiti ka tuloy habang nakikinig sa klase. Ay mali, hindi ka naman nakikinig eh. Lumilipad kaya isip mo.

"Wag mong sabihing may milagrong naganap nanaman sayo? Jusko! Tapos na ang December ano ba!" ani Klyppton habang palabas kayo ng classroom. Tinawanan mo lang siya sa sinabi niya. Wala eh, masaya ka eh.

"Eh kasi nagtext sa akin si Baekhyun." pagkasabi na pagkasabi mo niyan ay biglang tumigil sa paglalakad yung ibang tao dito sa corridor. Namilog ang iyong mga mata dahil baka mamaya may maganap nanamang gulo rito.

"Anong sabi mo?" napalunok ka nung tinanong ka nung isang familiar na babae sayo. Ah alam mo na, sasaeng rin ito. Hindi nga lang siya masyadong bulgar pero nakikita mo siya minsan kapag nagsstalk kayo sa EXO.

"Wala! Tsismosa ne'to!" inirapan siya ni Klyppton at bigla niyang hinawi ang kamay mo para makaalis na kayo dun. Pinagtitinginan nanaman kasi kayo ng mga tao sa corridor. Nagsisisi ka tuloy dahil napalakas kasi ang boses mo nung sinabi iyon. Dulot na rin siguro ng sobrang saya.

"TEKA LANG!" umalingawngaw sa field ang boses nung babae. Yun yung babaeng nagtanong sayo kanina. Tumatakbo siya palapit sa inyo. Wala naman masyadong tao rito sa field kaya ayos lang kung magkaroon man sa inyo ng alitan. At tsaka, sanay ka naman na diyan.

"FC Lord!" bulong ni Klyppton kaya napailing ka na lang.

"Gusto ko lang sanang magtanong... kung okay lang?" nagkatinginan kayo ni Klyppton ng masabi ito nung babae. Ano naman kaya ang itatanong niya? Nagkibit-balikat na lang si Klyppton at tumango.

"Uhm, totoo ba yung sinabi mo kanina?" tanong niya sayo. Kinabahan ka agad. Maraming pumasok sa iyong isipan. Syempre gusto mong ipagyabang na tinext ka ni Baekhyun PERO inaalala mo rin ang privacy ni Baekhyun. Kung sakaling sasabihin mo sa kanyang nagtext nga sayo si Baekhyun ay malamang sa malamang, hihingin niya ang number ni Baekhyun sayo. At syempre hindi imposibleng ipagkalat niya ito. At ayaw mo ring malaman ng iba ang number niya kasi gusto mo ikaw lang. Gusto mo solo mo siya. Selfish right?

"Hindi ah. Nangangarap lang ang isang to." bago ka pa makasagot ay sinagot na ni Klyppton ang tanong nung babae. Tumango ka naman bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Klyppton.

"Ah. Akala ko po kasi nagtext talaga si Baekhyun sa inyo." ngumiti siya at tumango. Umalis na siya pero ikaw ay parang nakuhanan ng kaluluwa. 

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon