h s - t h i r t y - f o u r

5.9K 270 67
                                    

happy 50k!! yeheeeyy~ gahd. aabot kaya to ng 100k reads? huehue :-3

--

h s - t h i r t y - f o u r

Evil

"Hey, are you free this dinner?"

[Huh? Why?]

"Uhm, dinner tayo tonight? Namimiss na kasi kita eh."

[Uhm, I'll check my sched for now. I'll text you up.]

"Okay thankyou! Bye!"

[Bye.]

Ngumiti ka ng pagkalaki laki ng matapos ang iyong pag-uusap ni Baekhyun. Nandito ka ngayon sa coffee shop na lagi niyong pinagtatambayan ni Klyppton. Tinignan mo sa iyong kamay ang hawak-hawak mong kwintas na may pendant na AB. AB stands for Amethyst-Baekhyun. Nakaukit ito ng cursive at may infinity sa gitna. Ito yung pinagawa mo ng personalized. 

"Hey, Why'd you call me? Bakit hindi mo na lang sinabi thru phone? Ito talagang babaitang ito. So what's up?" kararating lang ni Klyppton dahil tinawagan mo siyang makipagkita dito sa coffee shop. At oo nga pala, sinabi mo na rin kay Klyppton yung pagharap niyo ni Solardark. Proud na proud ang kaibigan mo sayo dahil kinabog mo si Solardark.

"Uutusan kita--" lumukot agad ang kanyang mukha ng masabi mo yan. Umirap ka at tumawa sa binigay niyang ekspresyon.

"Hoy! Hindi mo ako katulong ha! Makapag-utos to hmp!" 

"Tsk. May plano pa naman sana ako mamaya."

Napatingin siya bigla sayo at nakiusisa sa binabalak mo. Napangiti ka. Kahit kailan talaga hindi ka iiwan ng isang to pagdating sa mga plano plano. Kaya ganito mo na lang kamahal ang kaibigan mo.

"OMG! WEH? SERYOSO??" napasigaw siya ng masabi mong sabay kayong magddiner tonight ni Baekhyun. Tinakpan mo naman agad ang kanyang bibig. Kahit kailan ang isang to talaga hindi macontrol ang bibig.

"Sssshhh! Nuh ka ba! Hindi pa sure okay? Magttext pa siya kung tuloy ba o hindi. Chinicheck niya kasi yung sched niya eh." tumango naman siya at ngumuso. Napaisip ka tuloy kung ano nanaman ang dinadrama nito.

"Buti ka pa makakadate mo uli si Baekhyun! Hmp!" sabi niya at humalukipkip. Ngayon mo lang naisip na may Kyungsoo nga pala ito. Hindi mo nga alam kung minsan na ba silang magdate? Eh halos hindi mo na rin masyadong natatanong ang buhay niya.

"Psst. Kumusta kayo ni Kyungsoo?" tanong mo sabay sipped dun sa inorder mong frappe. Napatingin sayo ng seryoso si Klyppton pero nag-iba agad ang kanyang ekspresyon. Napalitan uli ito ng saya.

"Hay nako! Wag mo na akong alalahanin! Isipin mo yang iyo. Kung paano mo mapapaibig yang si Baekhyun mo." tumawa siya ng mahina. Tinitigan mo lang siya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin. Something's wrong.

Iintrigahin mo pa sana siya kaso biglang tumunog ang cellphone mo. Dali-dali mo itong binuksan at halos mapahiyaw ka ng galing ito kay Baekhyun. Pumayag na kasi siya sa dinner date niyo tonight. Hindi ka na tuloy makapaghintay.

"Omg! Pumayag siya Klyppton! I need to get a new dress! Samahan mo'ko para mapagplanuhan na rin natin yung mamaya." 

Pumunta na nga kayo sa mall at namili ng isusuot mo mamaya. Ganun mo pinapahalagahan ang bawat sandali kapag kasama mo si Baekhyun. Kailangan mag mukhang maganda ka sa harapan niya. Dahil kailangan mong paibigin siya.

"Dapat ganito yung kanta habang kumakain kami ah?" sabi mo dun sa mga nag-vviolin. Ngumiti ka dahil planadong planado na ang dinner niyo mamaya. Nirent mo kasi ang isang place sa resto at nagrequest ka dun sa orchestra na yung gusto mong kanta ang papatugtugin. Tumango naman sila.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon