dahil mahal ko kayo. 2 ud's for this day :*
--
h s - t w e n t y - e i g h t
I'll try
Lumipas ang isang linggo ng sobrang gulo. Magulo dahil magkatextmate na kayo ni Baekhyun. Sa una, hindi ka makapaniwalang siya ang unang nagtetext. Halos hindi mo nga masikmura na siya ang umiisip ng topic kapag nagkakatext kayong dalawa. Lagi ka kasing tuliro kapag kausap siya. Hindi nagffunction ng mabuti yung utak mo.
"Amethyst, try wearing this." ani ng mommy mo. Nandito kayo ngayon sa Mall. Pumipili ng mga damit para sa summer. At oo, tapos na ang schoolyear niyo. Katatapos niyo lang magtake ng last semester nung isang linggo kung saan lagi kang paranoid dahil nga katext mo si Baekhyun. Hindi mo nga alam kung may pumapasok pa ba sa utak mo nung nagrreview ka habang kausap si Baekhyun. Kapag kasi sinabi mo sa kanyang nagrreview ka eh hindi ka niya guguluhin pa na siyang ikakalungkot mo. Kaya kahit mahirap pagsabayin ang 'medyo love life' sa pag-aaral eh, pinagtiyagaan mo na lamang.
Pumasok ka sa isang dressing room at sinukat na nga ang damit na binigay ng Mommy mo. Isang summer dress. Ani kasi ng Mommy mo ay mag-oouting kayo this summer kaya bumibili kayo ngayon ng mga Summer outfits. Ayaw mong magdress dahil hindi mo naman masyadong taste ang mga ganitong klaseng damit. Kahit simpleng short shorts at hanging shirt ay ayos na pero makulit ang Mommy mo kaya pinasubok ka pa rin niya ng mga ganitong damit. Mas mukha ka daw babae kapag nakadress.
Buong magdamag ay namili lang kayo ng Mommy mo. Natutuwa ka kasi nagkaroon na muli kayo ng Quality time. Yun nga lang kulang kayo dahil hindi nakasama ang iyong Daddy. Nag out-of-town dahil may business nanamang inasikaso sa ibang bansa.
"I'm hungry. Aren't you hungry?" tanong sa iyo ng Mommy mo. Kanina pa kayo naglalakad sa buong Mall at halos mapuno ang braso mo ng iba't ibang paper bag ng mga shop. Sinagot mo siya at pumunta na kayo sa isang resto. Nangibabaw agad ang amoy ng isang manok. Naramdaman mo agad ang pagkalam ng iyong tiyan.
Agad mong nilantakan ang mga pagkain pagkaserve pa lamang. Tahimik kayong kumain dahil syempre kanina pa kayo ginugutom. Sobrang saya mo ngayon dahil nakasama mo ang Mommy mo. Yun nga lang naddistract ka dahil kay Baekhyun.
Baekhyun: What are you doing?
Ikaw: I'm eating. I'm with my mom. Maya na lang tayo magtext.
Pagkasend mo nun ay hindi ka na muli nakatanggap ng reply. Tapos ka nang kumain at nagpahinga ka na lamang. Napatingin ka sa Mommy mo nang mapansin mong kanina pa siyang nakatingin sayo.
"Meron po ba akong dumi sa mukha?" taka mong tanong. Napailing ng bahagya ang Mommy mo at tumawa ng mahinhin. Lalo mo tuloy nakita ang kagandahan ng Mommy mo. Maputi at maikli lamang ang buhok. Hanggang teynga lang ito, may chinitang mata, may matangos na ilong at manipis na labi. Minsan iniisip mo kung paano nagkakilala ang iyong Mommy at Daddy.
"No, baby. It's just that... you're so beautiful tonight and you're turning 18 this month. Aren't you excited, baby?" excited niyang tanong. Para ka namang nagulantang ng maalala mong birthday mo nga pala ngayong Month. Sa sobrang daming nangyari halos hindi mo na maisip ang birthday mo.
BINABASA MO ANG
His Sasaeng
FanficIsa ka bang tagahanga? Isa ka ba sa mga babaeng nahuhumaling sa kanilang iniidolo? Isa ka ba sa mga tagahanga na kahit ano ay gagawin para lang makapunta sa kanilang mga konsyerto? Kayo ba ay yung tipong gagawa ng account para lang maging updated tu...
