h s - f o u r t e e n

9K 332 60
                                        

Merry Christmas! :**

x: long comments please ♡

--

h s - f o u r t e e n

Incheon International Airport

"Oh Dear Gad! Tumingin nga siya sayo!!" sigaw ni Klyppton na siyang ikina-agaw ng atensyon sa lahat ng tao dito. Napalunok ka sa mga titig na binigay ng iyong mga kaklase. Nasa classroom kasi kayo ngayon at pinakita mo kay Klyppton yung video na nakuhanan mong nakipag-eye contact sayo si Baekhyun.

"Sht Klyppton. Ang ingay mo." bulong mo sa iyong kaibigan. Tinago mo na yung camera mo at humarap kay Klyppton na ngayo'y nakahalukipkip. Nakataas ang isang kilay at halata sa kanyang mukha ang asar.

"Kainis ka eh noh. Nabitin ako dun sa pinakita mo." sabi niya at pumalumbaba sa desk. Nakita mo sa peripheral vision mo na muling bumalik ang mga kaklase mo sa dating ginagawa nila. Napabuntong hininga ka ng maluwag.

"Eh kasi ang ingay mo. Tumingin tuloy sila." bulong mo na maririnig lang ni Klyppton. Syempre kung magpapa-agaw nanaman kayo ng pansin, iba't ibang mga salita nanaman ang maririnig niyo. Sisikat nanaman kayo, hindi dahil sa maganda ang ginawa niyo, kundi dahil mali nanaman ang nagawa niyo.

"Tss. Dukutin ko mga mata nila eh! Mga pakielamera!" inis na inis na sagot ng iyong kaibigan. Umiling ka na lang sa kasungitan nito. 'Siguro meron to kaya ganyan' isip mo. Kanina pa kasi nakasimangot yang kaibigan mo.

"Ang taray mo ha. Meron ka ba?" tanong mo. Tumingin siya sayo at kumunot ang noo. Umiling siya na wala daw siya nun ngayon. Hindi niya rin alam kung bakit ang init ng ulo niya. Napa-iling ka na lang muli sa inasta ng iyong kaibigan.

Naging maayos naman muli ang nagdaang mga klase. Sa ngayon, hindi na kayo minsan nakaka-agaw ng pansin sa school. Tsaka meron naring ibang hindi nanunukso sa inyo. Na-office kasi dati yung mga nambully sa inyo kaya laking pasalamat niyo dahil medyo bantay kayo ng mga teachers and staffs kung meron mang magaganap na gulo.

"WHAT THE FUCK????" isang malutong na mura ang umalingawngaw sa kwarto ni Klyppton. Oo, nasa bahay ka nila ngayon dahil wala lang, tumatambay ka lang. Okay lang naman yun dahil ganyan rin si Klyppton sa inyo at tsaka kilalang-kilala ka na ng mga magulang niya.

Dali-dali kang pumunta sa umuusok na iyong kaibigan. Pulang-pula yung mukha niya kaya napakunot ang noo mo. Tinabihan mo siya at dinapo mo ang iyong kamay sa kanyang noo ngunit hindi naman siya mainit. Titig na titig siya dun sa laptop kaya naman tumingin ka na rin doon at nung makita mo na ang ikinagagalit ng iyong kaibigan ay napahawak ka sa naka-awang mong bibig.

"ANG LANDI NUNG BABAE BWISIT!!!" sigaw niya sabay pinaghahagis yung mga malalaki niyang teddy bear. Ikaw naman ay tulala pa rin at hindi maprocess sa iyong isipan na may isang Kpop Idol ang nagconfess na gusto niya daw si Kyungsoo. Ang nag-iisang asawa ni Klyppton.

"LECHE!!! ANG SARAP NIYANG KALBUHIN!!! GUSTO KO SIYANG SIPA-SIPAIN! ANG SARAP NIYANG SAKALIN!!!! SANA MAGKAROON SIYA NG KULUGO SA MUKHA!! ANG PANGET NIYA!!!" sigaw siya ng sigaw at pinagbabato yung mga unan. Pati nga rin yung hawak mong unan na maliit eh inagaw niya sayo at tinapak-tapakan niya iyon. Galit na galit talaga siya.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon