h s - t w e l v e

9.6K 377 98
                                    

Happy 6k reads everyone! Thankyou! And uhm guys may nagrrequest na i-english ko daw tong His Sasaeng? What'ya think? Duduguin ako pramis.

x: long comments please ♡

--

h s - t w e l v e

Merry Christmas

Nagdaan ang mga ilang araw at naging tahimik naman ang buhay mo. Hindi mo na tinext yung 'someone' na yun dahil parang kinilabutan ka at natakot nang magreply. Napakamysteryoso kasi niya at gusto mo sana siyang imbestigahan eh ni hindi mo pa naman yun nakikita. Kahit marami kang gustong tanungin sa kanya, umuurong na ang mga kamay mong magtype.

"Tara punta dorm nila!" anyaya sayo ni Klyppton habang palabas kayo sa isang Coffee Shop. Chrismas Break niyo na ngayon kaya malayang malaya na kayong magspazz, at syempre mang-stalk. 

Nabalita nga rin pala yung pagkahulog ni Baekhyun. Akala mo kasi ikaw lang yung nakakita yun pala may mga ilan-ilan din. Ininterview si Baekhyun at nung makita mo siya sa screen ng malaki niyong tv ay ngiting-ngiti siya. Fake. Yan ang naisip mo habang tinititigan si Baekhyun sa tv. Alam mo kung paano kumunot ang kanyang noo sa sakit ng pagkahulog niya at ni-deny niya ito sa showbiz. Sinabi niyang wala lang iyon at hindi naman masakit kahit ang totoo naman ay nasaktan siya.

"Ano nga pala gagawin mo this Christmas?" tanong sayo ni Klyppton. Napaisip ka. Hindi ka pa kasi nakakapagplano this Christmas. Hindi pa kayo nagpaplanong pamilya kung ano nanamang gagawin niya sa darating na Pasko.

"Uh, hindi ko pa alam eh." sabi mo at tumungo. Mamaya kakausapin mo ang mga magulang mo para makapagplano na kayo. Pumunta na kayo sa kotse ni Klyppton. Oo, marunong siyang magmaneho. Marunong ka rin naman eh kaso hindi ka pa pinapayagan ng parents mo dahil hindi ang alam nila eh hindi ka pa masyadong marunong. Ang hindi nila alam, minsan ikaw ang nagmamaneho sa sasakyan ni Klyppton.

"Pwede ako yung magdrive?" tanung mo kay Klyppton. Napatigil si Klyppton ng sanang papunta na siya dun sa driver's seat. Napawi ang ngisi niya.

"Ayoko nga! Ang bilis mong magpatakbo noh! Mamamatay ako! Ayoko!" sabi niya at agad pumunta sa driver's seat. Napa-iling ka na lang sa isip bata mong kaibigan. Binuksan mo yung passenger seat at umupo na nga doon. Pinatugtog naman ni Klyppton ang iPod niya.

 "Just like the Christmas Daaayy~" sabay niyong kanta ng tumugtog na ang chorus. May pasayaw-sayaw pa kayong nalalaman habang nasa loob ng sasakyan. Kahit nagmamaneho kaibigan mo eh nagssway pa rin siya. Kayo na talagang mga baliw!

"Teka nga pala? Sigurado ka bang nandun yung EXO? Baka naman tutunganga lang tayo dun ah?" tanong mo kay Klyppton. Nagtatanong ka kasi baka mamaya wala naman dun yung EXO edi tutunganga lang kayo dun. Maghihintay lang kayo sa wala kung ganun.

"Malamang Ateng andun sila! Duhh?" napairap ka na lang sa sinabi ni Klyppton. Nagtatanong ka lang naman eh tapos ganun sagot niya. Para ka tuloy nagmukhang tanga. Napa-iling ka na lang.

--

"Yes naman baby. Nandito kami ngayong Pasko." tuwang-tuwang sabi ng Mommy mo habang nasa hapagkainan kayo. Napangiti ka. Akala mo kasi magcecelebrate ka nanaman ng Pasko ng mag-isa. Oo, nagcelebrate ka nung isang Pasko ng mag-isa lang. Nag out-of-town kasi ang parents mo dahil sa trabaho kaya ganun.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon