HAPPY 1K READS! AND SOON TO BE 2K READS! I LAB U GUYS! :*
x: long comments please ♡
--
h s - f i v e
Even if sacrificing my life is needed
Napa-usog ka sa kadahilanan na masyado na kayong siksikan na mga sasaengs. Sa pagkakataon na yun, nasa harapan mo na si Solardark. Nagulat ka pero hindi ka makareact. Natulala ka dahil ang bilis ng mga pangyayari. Hindi mo na nga namalayan na nasa dulo ka na pala dahil pinagtutulak kang pinalabas ng mga sasaengs.
'Hindi pwede. Ako yung nginitian ni Baekhyun. Ako yun, at hindi siya.' paulit-ulit mong tinatatak sa isipan mo ang katagang iyan. Pilit mong ineencourage ang sarili mo para hindi ka bumitaw.
'Tama. Ako yung nginitian niya.' ngumiti ka kahit alam mo namang hindi talaga siya sayo ngumiti. Nakipagsiksikan ka uli sa mga sasaengs. 'Hindi ako magpapatalo sayo Solardark hah!' bulong mo.
Nakapunta ka na muli dun sa dati mong pwesto pero nagulat ka nung wala na dun si Solardark. Hinanap-hanap ng mga mata mo ang babaeng yun ngunit wala talaga.
"Uy, nakita mo ba yung babaeng may hawak na malaking camera kanina?" tanong mo kay Monique na nagliligpit na ngayon ng gamit. Oo nga pala, tapos na yung Pres Conference. Ang tagal mo kasing lutang kaya hindi mo na nakita nung nagpaalam sila.
"Huh? Ewan ko." sagot naman sa iyo ni Monique. Napabuntong hininga ka na lang sa sagot niya. Napasandal ka sa grills. 'Asan na yun?' bulong mo.
"OMYGAD! LATE NA BA AKO??" nagulat ka naman sa biglang dating ng kaibigan mo.
"Hala! Oo! Kanina pa!" sagot naman ni Monique. Nanatiling tahimik ka lang. Pilit mo kasing iniisip na sayo talaga ngumiti si Baekhyun at hindi kay Solardark. Na nagkataon lang si Solardark na nasa likuran mo.
"NOOOO~ BAKIT? BAKIT HINDI NILA AKO HININTAY?? BAKIIITTT??" pagddrama ng kaibigan mo. Tinapik mo na lang siya sa balikat niya. Naaawa ka syempre sa kaibigan mo dahil kanina pang umaga to ngumangawa dahil gusto niya nang makita ang kanyang bias. Binilisan niya na nga yung pagliligpot ng classroom niyo para lang makita niya ang Kyungsoo niya.
"AMETHYST? BAKIT HINDI MO SINABI SA KANILA NA HINTAYIN ANG DYOSANG KATULAD KO? BAKIT? TUMAE LANG AKO SAGLIT PERO NAWALA NA'KO SA UTAK MO, AMETHYST! BAKIT? HU-WHYYYYYY?" iyak ng kaibigan mo. Actually, wala naman talagang mga luhang pumapatak sa pisngi ng iyong kaibigan. Acting-acting lang kumbaga.
"Ssshh tahan na. Pati rin naman ako eh, saglit ko lang siya nakita. May umepal kasi." pagkasabi na pagkasabi mo nun ay tumingin ka sa paligid. Mamaya kasi nandiyan lang sa tabi-tabi yung 'EPAL'.
"Woah woah woah! Sinong epal? The who?" maintrigang tanong ng iyong kaibigan. Lumunok ka. Wala naman sigurong masama kung sasabihin mong na-bitter ka kay Solardark hindi ba? Karaniwan lang magselos ang isang fangirl.

BINABASA MO ANG
His Sasaeng
FanfictionIsa ka bang tagahanga? Isa ka ba sa mga babaeng nahuhumaling sa kanilang iniidolo? Isa ka ba sa mga tagahanga na kahit ano ay gagawin para lang makapunta sa kanilang mga konsyerto? Kayo ba ay yung tipong gagawa ng account para lang maging updated tu...