h s - n i n e

10.3K 348 60
                                    

Nawala yung listahan ng mga dedicate-an ko hay. So ganito na lang yung way ng pagdedicate ko. Ibabase ko na lang sa comments niyo RECENTLY. Kunwari last chapter, nagsulat kayo ng comment sa sobra talaga akong natuwa then ikaw yung dedicate-an ko the next chapter. :---) Ganun na lang. Pero sa ngayon, naalala ko yung next na pagdedicate-an ko eh. Sipag niya kasi magcomment at magvote! Maraming salamat! ^^ && try ko pong mag-update uli bukas or mamaya? TRY LANG PO. Tutal wala naman na akong ginagawa. :----) yun lang po. Sana patuloy pa rin po kayo sa suporta. Advance happy 5k reads! MARAMING SALAMAT PO TALAGA!

x: long comments please ♡

--

h s - n i n e

Tao

Sa sobrang tuliro mo ay bigla mo na lang siyang tinulak pero di naman ganun kalakas para lang makatakbo ka. Syempre ayaw mo siyang saktan kaya parang tulak ng isang mahinhin na dalaga lang ang ginawa mo.

'I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry.' bulong mo habang tumatakbo sa pathway ng Hotel. Buti na lamang at gabi na kaya wala masyadong tao ngayon. Kundi baka mamaya mapagkamalan ka pang magnanakaw niyan.

"Punyeta Aray!" sigaw nung nakabangga mo at para naman yatang umikot ang paningin mo. Natumba ka dahil sa lakas ng impact niyong dalawa. Halos magmukhang hipon ka sa sahig dahil sa sakit ng braso mo.

"Tang*na naman hindi ito track n' field para tumakbo ka ng ganung kabilis! Gahd why? Mamamatay na yata ako." rinig mo dun sa nakabangga mo. Parang pamilyar sayo ang boses pero nung tumingin ka sa kanya eh nanglalabo talaga ang paningin mo kaya napapikit ka na lang.

"OH MY GAHD! AMETHYST IKAW PALA YAN! PUNYETA KANG BABAE KA! HINDI KA PWEDENG MAMATAY!!!" naramdaman mo ang pag-alog sayo ng iyong kaibigan at para ka lalong nahilo sa ginawa niya. 'Fahk Klyppton tigilan mo yan' yan ang gusto mong sabihin kaso nanghihina ka talaga.

"Hindi ito pwede! Hindi ito pwede! Paano na lang ako? Paano na lang ang pamilya mo? Paano na lang si Baekhyun? Hindi pwede! Ang promise mo sakin, bago ka mamatay ay pakakasalan mo muna si Baekhyun hindi ba? Wag mo'kong iiwan... Amethyst! Uwaaaaaaahhh!!!" napamura ka na lang mentally dahil sa inaakto ng kaibigan mo. Gusto mo siyang sapukin at sabihan ng 'Napaka-ul*l mo, Klyppton.' kaso nanghihina ka na talaga at nagdidilim nanaman ang iyong paningin.

"OH GAHD WHY???? BAEK---" yan na lang ang mga narinig mo bago ka nawalan ng malay.

--

Nagising ka sa lamig ng aircon. Unti-unti mong binuksan ang iyong mga mata at nakita mo ang dingding na kulay puti. Ramdam mo pa rin ang kirot ng iyong ulo kaya napahawak ka agad doon.

"AMETHYST!!!" biglang sigaw nung kaibigan mo at niyakap ka. Alam mo naman kung gaano kadrama tong kaibigan mo kaya ayan, nagfifeeling na galing ka sa malubhang sakit at ngayon ka lang nagising matapos ang ilang araw.

"A-aray ko, Klyppton. Y-yung ulo ko... masakit.." utal mong sabi kaya agad naman siyang bumitiw sa pagkayakap. Tinignan mo siya at nakita mo ang pagkunot ng kanyang noo.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon