special thanks to @AkoyIsangPagong for the gif! THANKYOU SO MUCH!
songs to be played:
Love song by Baekhyun
Peter Pan (Violin Cover)
dedicated to my baby baekhyun and to my readers who inspired me alot to finish this work. I'm sorry if this epilogue didn't reach your expectations.
--
e p i l o g u e
{Sasaeng Fan} - is widely known to be a hardworking and strong fan. Although "sasaengs" are largely not considered as fans, many sources still refer to them as "sasaeng fans" because they think sasaengs are monsters but in reality, they are not. Soompi should described sasaengs as brave fans for they almost give up their lives just to satisfy their needs and also of the other fans.
In short...
- Matapang
- Hindi nagpapatalo
- Hindi agad-agad sumusuko
- Kinakaya kahit mahirap
- Nagmamahal ng tunay
- Palaban
- Sacrificer
Sabi nila, kapag nagmahal ka, kailangan hindi buong puso mo ang ibibigay mo, kundi kalahati lang. Bakit? Para kapag nasaktan ka, hindi siya ganun kasakit. Pero paano mo nga ba maiiwasang hindi siya mahalin ng buong puso? Paano mo ba ibabalanse ang pag-ibig mo sa isang tao?
Sa buong buhay mo, puro panghuhusga ang mga narinig mo. Na kesyo isa kang 'Obssessed' na tao. Isa kang peste sa buhay sa kanilang iniidolo. Isa kang hayup kung ituring sa kanilang mga mata. Puro mga negatibo ang kanilang mga nakikita kapag isa kang sasaeng fan. Na kapag sinabi mong isa kang 'sasaeng' bigla ka na lamang lalayuan at pandidirian.
Isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng tao ay yung huhusgahan ka ng hindi nila inaalam ang dahilan kung bakit mo ginagawa ang isang bagay. Syempre mas paniniwalaan nila kung ano man ang mga nakita nilang mali sayo. Dun sila kakapit sa kung ano man ang mas pinaniniwalaan nila.
"Amethyst! Hurry up!" rinig mong sigaw ng iyong Mommy galing sa baba. Nag-aayos ka ngayon ng sarili sa salamin. Nakalong gown ka at nakamake-up para sa pupuntahang event ngayon. At oo nga pala, sampung taon na rin ang nakakalipas.
"Yeap Mom! Malapit na pong matapos! Wait me up!" sumigaw ka pabalik sa kanya. Nilagay mo ang isang kwintas sa iyong leeg at sinuklay muli ang sariling buhok. Tumingin ka sa repleksyon mo sa salamin at muling ngumiti.
Sa sampung taon, maraming nagbago at nangyari. Sa sampung taon na yun ay mas lalo kang naging matibay at malakas. Mas natuto at mas naging maunawain. Mas lumaki ang mithiin at mas gumanda ang pananaw sa buhay.
Sa dinarami rami mong napagdaanan, siguro sapat na yun para matutunan mo ang mga tama sa mali. Ang mga nagawa mong mali noon ay hindi mo kailanman pinagsisihan ngayon dahil hindi ka naman darating sa kung ano ka man ngayon kung hindi mo nagawa yung mga yun, noon.
BINABASA MO ANG
His Sasaeng
FanfictionIsa ka bang tagahanga? Isa ka ba sa mga babaeng nahuhumaling sa kanilang iniidolo? Isa ka ba sa mga tagahanga na kahit ano ay gagawin para lang makapunta sa kanilang mga konsyerto? Kayo ba ay yung tipong gagawa ng account para lang maging updated tu...