h s - t w e n t y - n i n e

6.6K 306 144
                                    

lame ;-(

--

h s - t w e n t y - n i n e

Fairytale

"Happy Birthday, Amethyst!" bati sa iyo ng kararating mong kamag-anak. Ngumiti ka sa kanya at nakipagbeso-beso. Binigyan ka niya ng regalo at nagpasalamat ka naman. Nilagay mo naman ito sa table kung saan doon mo lahat nilalagay ang mga regalong natanggap mo na.

"Yep. Baby, this is our friend, Mr. Consuelo. Mr. Consuelo, this is our one and only daughter." pagpapakilala sa iyo ng magulang mo sa mga katrabaho't kaibigan nila. Kanina ka pa nga paikot-ikot dahil sa pag-eentertain ng mga bisita.

"Amethyst!!!! Wooot~ Maligayang Kaarawan sa aking minamahal na kaibigan!" bati sayo ni Klyppton ng pumasok na ang kanyang pamilya sa hotel. Napangiti ka ng malaki ng makita mo siyang naka-Cinderella. Diba nga't Fairytale ang theme ng Debut niyo kaya ang suot ng mga tao ngayon ay mga mala-Disney. Kahit mga katrabaho ng mga magulang mo ay hindi nagpaawat sa costume party. May mga bubbles pa nga rin sa opening eh. 

"Grabe ang bonggacious ng Birthday huh!" hagikgik sa iyo ni Klyppton. Simula nung dumating si Klyppton sa party mo ay hindi na kayo muling nagkahiwalay. Para bang nakadikit na kayo sa isa't isa dahil wala talagang nagpapaiwan sa inyo. Ani mo kasi ay nahihiya ka kapag ikaw lang mag-isang pinapakilala ng mga magulang mo sa ibang katrabaho nila.

Pinasadahan mo ng tingin ang iyong cellphone na kanina pa'y hindi umiilaw. Nakailang text ka na kay Kai kung tutuloy ba siya o hindi na. Mahirap kasing umasa sa wala.

Napabuntong hininga ka na lamang at nagpatianod nanaman sa paghila ng iyong magulang upang ipakilala ka nila. Naging ganun lang sa una hanggang sa magstart na yung party ay ni blankong text ay wala kang nareceive.

"Hey, wag ka ngang maging malungkot diyan. Smile because it's your day!" sabi sa iyo ni Klyppton nang makita ka niyang nakapalumbaba sa sarili mong table. Ineentertain kasi ngayon ng Host yung mga audiences kaya naiwan ka nanamang mag-isa kasama si Klyppton.

"Yeah." sabi mo at umupo ng maayos. Tinanaw mo ang entrance door kung saan maraming bisita pa ang pumapasok. Sa mga taong pumapasok ay umaasa kang makikita mo siya. Na sasabay siya sa mga naglalakad na tao para makahanap ng mga mauupuan pero hindi eh. Ni kamukha wala kang makita.

"Huy! 18 roses mo na!" nabigla ka nung siniko ka ni Klyppton na 18 roses mo na pala. Nagmadali ka tuloy pumunta sa gitna. Halos takpan mo ang sarili mong mukha dahil sa kahihiyan na hindi ka nakikinig sa ceremony. Unti-unti mong nakita ang una mong makakasayaw. Napangiti ka ng makita mo ang Tatay mong may hawak na pulang bulaklak at nakangiti ng bahagya.

"My baby..." umpisa niya nang maisayaw ka niya. Napatingala ka sa Papa mo. Kitang-kita mo ang kulubot sa kanyang mukha at itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Mapapansin mo talagang pagod siya ngunit hindi niya pinapakita.

"My baby's now a woman. Malaki ka na Amethyst and I wish you're doing the right things." tumkhim siya at ngumiti ng mapakla sayo.

"I'm sorry kung wala kaming time para sa iyo. Alam mo namang lunod kami ng Mommy mo sa trabaho. At kahit lunod kami ay sinisikap pa rin namin na kumustahin ka, kung kumain ka na ba? Kung ayos lang ba ang baby girl namin? Kasi hindi yata ako mapapanatag kung hindi ko alam ang mga nangyayari sayo. You're my one and only princess and I don't wanna loose you." suminghap siya at may tumulong mga luha sa kanyang pisngi. Napangiti ka na rin at pinunasan ang luhang dumaloy sa kanyang mukha. Pinahid mo rin ang lumandas na luha sa iyong pisngi.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon