Advance 25k reads~
--
h s - t w e n t y - f i v e
She's back
Nakauwi ka ng maayos sa bahay ninyo. Kung tutuosin nga eh ayaw mo pang umuwi kung hindi lang sinabi ni Baekhyun na masyado nang gabi at kailangan na niyang magpahinga eh hindi ka pa uuwi dahil gusto mo pa masyadong maenjoy ang mga oras na kasama mo siya.
"You should go home now. Gabing gabi na. Baka magalit parents mo sakin niyan." napangiti ka ng maalala mo yung sinabi niya sayo. Halos mapunit na nga yata ang bibig mo kakangiti ngayong gabi. Syempre sino nga bang hindi kikiligin kung nakadate mo ang bias mo?
"Bye, Amethyst. Thanks for the night. Happy Valentines." napamulat ka at napatili nanaman dahil sa kilig. Oo, tama ka. Naalala mo rin yung huli niyang sinabi sayo bago siya sumakay sa kanyang sasakyan. Halos magtatalon-talon at magsisigaw-sigaw ka nga nung nakaalis na yung sasakyan niya sa paningin mo. Ganun ka lang talaga kasaya ngayong gabi. SInisigaw sigaw mo na mahal na mahal mo siya.
Tinitigan mo ang iyong dingding na may malaking picture ni Baekhyun. Napangiti ka. 'Paano ako ne'to makakatulog kung sakop niya buong isipan ko?' tanong mo sa sarili mo. Sino nga bang makakatulog ngayong gabi na halos matupad ang iyong pangarap? Makatulog ka pa kaya? Eh halos binabagabag na nga ang iyong isipan dahil sa mga nangyari kanina. Hindi ka yata makakamove-on.
Kinuha mo ang iyong cellphone sa bed side table at hinanap sa contacts si Baekhyun. Agad-agad kang nag-create message na naglalaman ng 'Thankyou ng marami. You made my day. Goodnight, Baekhyun. Happy Valentines!' nilagyan mo pa ng '<3' sa dulo. Wala eh, ganyan ka kasweet.
Pagkatapos mong imessage yun ay binalibag mo nanaman ang iyong katawan sa kama at bumuntong hininga ng napakahaba. Pinasadahan mo ng tingin ang pinagawa mong unan na may mukha ni Baekhyun. Tinapat mo iyon sa mukha mo at hinalikan. Feel na feel mo pa nga ang pagkiss dun sa unan eh at pagkatapos mong halikan ang Unang Baekhyun ay hinampas hampas mo yung unan sa kama. Ganyan ka kabaliw na kahit unan ay pinagpapantasyahan.
--
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" halos mabingi ka ng sumigaw si Klyppton sa buong kwarto. Saturday ngayon kaya nandito ka sa bahay niya at nakikipagchismisahan. Kinwento mo lang naman yung nangyari kahapon sa inyo ni Baekhyun. Wala eh, baka sumabog ka kapag nilihim mo lang sa sarili mo yung nangyari kahapon.
"I KNOW RIGHT?? I KNOW RIGHT?? WAG KANG TUMILI DIYAN!! AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" halos puro sigaw niyo ang maririnig sa kwarto. Nagtatalon talon kayo sa kama ni Klyppton habang naghe-headbang. Nagpapaluan pa kayo ng mga unan.
"Anong nangyari?? Sinong magnanakaw?" biglang bumukas ang pintuan ni Klyppton at iniluwa nga nito ang kanyang tatay na may dalang baton. Natigil kayo sa pagpaparty nang dumating ang kanyang tatay na may nag-aalalang mukha.
"Nasan?? Nasan na??" tanong ng kanyang Papa at iniikot ang paningin sa buong kwarto. Tulala pa rin kayo ni Klyppton sa nag-aalalang tatay niya. Engot talaga kayong dalawa!
BINABASA MO ANG
His Sasaeng
FanfictionIsa ka bang tagahanga? Isa ka ba sa mga babaeng nahuhumaling sa kanilang iniidolo? Isa ka ba sa mga tagahanga na kahit ano ay gagawin para lang makapunta sa kanilang mga konsyerto? Kayo ba ay yung tipong gagawa ng account para lang maging updated tu...
