tangna ang korny neto pramis.
--
h s - f o r t y - f o u r
Revelations
Dumaan ang ilang araw ng tulirong tuliro ka. Tuliro dahil sa mga pinaggagawa. Tuliro sa mga nalaman. Tuliro dahil sa nararamdaman. Hindi ka halos kumakain ng pagkain. Nagtataka na ang iyong mga katulong dahil sa iyong kinikilos.
"What's wrong with you, Amethyst?" mariing tanong sayo ng iyong Daddy. Nakatingin ka lang sa kawalan. Oo, naririnig mo siya ngunit hindi mo naiinitindihan ang kanyang sinasabi dahil lutang ka. Kahit gustuhin mo mang sagutin iyon ay ni hindi mo mabuksan ang iyong bibig.
"Baby, we'll take you to the hospital." dun ka lang yata natauhan ng masabi iyon ng Mommy mo. Nandito sila sa kwarto mong parang gubat dahil sa mga punit na posters. Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin tinatapon ang mga posters na nagkalat dun. Hindi mo rin pinapalinis.
"No. I don't wanna." sabi mo ng may diin at tumalikod sa kanila. Tinakpan mo ang iyong mukha ng kumot. Sa mga nagdaang araw ay nagkulong ka lamang sa iyong kwarto. Ni wala ka nang balita kay Baekhyun. Ni hindi mo binubuksan ang laptop mo. Lahat! Tanging tulog lang at muni-muni ang iyong ginawa.
"Baby, what's wrong?" malumanay na tanong ng iyong Daddy. Naramdaman mo ang paglubog ng kama sa iyong tabi na hudyat dun umupo ang Daddy mo. Wala ka pa ring kibo at nakatingin ka pa rin sa kawalan.
"Amethyst..." pumikit ka ng mariin at bumuntong hininga. Iniisip mo na napakawalang kwenta kang anak sa kanila. Lagi mo na lang sila binibigyan ng problema. Nag-iisa ka na nga lang anak nila ay ni hindi mo pa magampanan. You feel so alone. So alone.
"Ma, ano nang gagawin natin?" humikbi ka na ng marinig mo ang desperadong boses ng iyong Daddy. Gusto mong umiyak ng umiyak pero pagod na pagod ka na. Gusto mong magwala ngunit ni wala ka ng lakas. Gusto mong maghigante pero nanghihina ka na.
"Baby, sabihin mo kay Mommy lahat ng problema mo. Please baby, we need to talk. I don't want you ruining yourself." narinig mo na ang unti-unting hikbi ng iyong Mommy. Nanginig ang buong katawan mo.
"Ayaw kong mawala ang nag-iisa kong anak." dun na umiyak ang iyong Mommy. Pasimple mong binaba ang iyong kumot at tumingin sa kanila. Umiiyak na ngayon ang Mommy mo habang yakap yakap siya ng Daddy mo. Nakapikit na hinahalikan ng Daddy mo ang ulo ng iyong Mommy.
"Amethyst?" lumapit agad ang Mommy mo nang makita ka niyang naka-upo na at nakatitig ka sa kanila. Yumuko ka. Hindi mo alam pero nalilito ka ngayon. Halu-halong emosyon ang iyong nararamdaman.
"I'm okay, Mom." sabi mo na para bang yun ang totoo pero hindi naman talaga. Tumayo ka at pumunta ng CR. Ayaw mo munang magsalita tungkol sa mga nararanasan mo. Oo, gusto mo ng taong may makakaintindi sayo pero masyado ka pang pre-occupied para magkwento. Kung sana ay alam na lang nila agad kung ano ang nararansanan mo. Kung sana ay alam nila ang bawat galaw mo.
Tinignan mo ang sariling repleksyon sa malaki mong salamin sa CR. Kitang kita mo na pumayat ka. Na mas lalo nadepina ang lubog sa iyong mga mata. Ang namumugtong mga mata at namumulang ilong.
Bumuntong hininga ka. Kahit na magpakalasing, odi kaya iuntog sa pader ang sariling ulo ay hindi mo pa rin makakalimutang birthday ngayon ng minamahal mo. Oo, ngayon na ang birthday ni Baekhyun at ni hindi mo alam kung anong gagawin niya sa munti niyang kaarawan. Kahit sabihin nating lutang ka ay di pa rin talaga siya mawawala sa iyong isipan.
Pagkalabas mo ng banyo ay nakita mong nandun pa rin ang parents mo. Ang Daddy mong kanina pa palakad lakad at ang iyong Mommy na may malulungkot na matang nakatitig sayo. Lumunok ka dahil hindi ka pa talaga handa sa sasabihin mo sa kanila.
BINABASA MO ANG
His Sasaeng
फैनफिक्शनIsa ka bang tagahanga? Isa ka ba sa mga babaeng nahuhumaling sa kanilang iniidolo? Isa ka ba sa mga tagahanga na kahit ano ay gagawin para lang makapunta sa kanilang mga konsyerto? Kayo ba ay yung tipong gagawa ng account para lang maging updated tu...