h s - t h i r t e e n

9.1K 367 69
                                    

WOPPPS! ADVANCE HAPPY 7K READS!!!!

x: long comments please ♡

--

h s - t h i r t e e n

Eye contact

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHH!" napatili ka sa sobrang saya. Nagpatalon-talon ka sa labas at napapadyak-padyak ng sobra. Hindi mo mawari ang iyong nararamdaman. Eh pano ba naman, sino ba naman kasing hindi kikiligin kung yung taong minamahal mo na MAHIRAP ABUTIN eh biglang magtext sayo diba? Sino bang hindi.

"Omg omg omg omg." mangiyak-ngiyak ka na at pinaypayan mo pa ang sarili mo dahil nagbabadyang lumabas nanaman ang iyong mga luha. Pero ang luhang ito ay dahil sa saya at hindi dahil sa lungkot. 

Hindi mo alam kung anung irereply mo sa kanya. Natutuliro ka dahil sa nangyari. Ano bang dapat sabihin kapag binati ka? Mag-thankyou? Bumati rin? Ano? O sasabihin mo nanaman ang walang kamatayang 'I love you, Baekhyun'?

"Argh! Ano ba focus!" pinagsabihan mo ang sarili mo dahil hindi ka nanaman makapag-isip ng maayos. Ramdam mong napapatingin ang iilan sa iyo dahil kinakausap mo sarili mo pero dahil nga tuliro ka eh hindi mo na ito pinansin.

'Hi Baekhyun! Thankyou! Merry Christmas too. :) :*' yan na lang ang naisip mong ireply. Nasend mo na at sobrang kaba ngayon ang bumalot sayo. Umupo ka uli sa tabi-tabi dahil hindi ka talaga makakauwi sa inyo kung ganyan ka katuliro. Baka mamaya masagasaan ka pa dahil lumilipad utak mo.

Makalipas ang 30 minutos ay wala kang natanggap na reply. Napalumbaba ka at tinignan mabuti ang screen ng phone kung saan nakadisplay ang mukha ni Baekhyun. Napasimangot ka. 'Ano ba dapat irereply ko sayo? Ha? Bakit hindi ka na nagreply? Gusto mo ba yung ireply ko eh yung I love you ko sayo? Gusto mo ba yun? Osige teka.' parang tanga mong kinausap ang iyong cellphone at nagsulat ng 'I love you' at sinend agad ito. Ngunit lumipas muli ang 30 minutos ay wala pa rin siyang reply. Napabuntong hininga ka na lang. 'Hayaan na nga. Atleast binati niya ako ngayon' isip mo.

--

"Merry Christmas!!!" napabangon ka agad-agad ng bigla kang makarinig ng sigaw. Minulat mo ang iyong mga mata at nakita mo ang nakangiting nanay mo na may hawak na cake na ang design ay may picture ni Baekhyun. Namilog ang iyong mga mata dahil sa gulat. Natawa na lang ang iyong nanay sa binigay mong reaction at nilagay muna ang cake sa bed side table mo para mayakap ka.

"I'm sorry baby. Hindi tayo sabay-sabay nagcelebrate ng noche buena. Debale ngayon kami babawi ng Papa mo." mahinahong sabi ng iyong inay. Lumambot ng parang mamon ang iyong puso. Niyakap mo pabalik ang iyong nanay.

"Thanks Ma. Pero nasan po si Dad?" nagtaka ka dahil wala dito ang tatay mo. Mag-isa mo lang kasing nakita nanay mo sa iyong kwarto.

Sasagot pa lang sana ang iyong Nanay ng biglang bumukas muli ang iyong pintuan at iniluwa nito ang Papa mong may dala-dalang tarpaulin na nakafold pa. Nagtaka ka dahil naccurious ka kung anong nakalagay run sa tarpaulin na yun.

"MERRY CHRISTMAS BABY!" ngayon mo lang napansin na yung tatay mo ay nakasuot pala ng Santa Claus. Sabay kayong nagtawanan ng Mom mo dahil nakacostume pa talaga yung Papa mo. Napangiti ka. Nawala lahat ng galit na tumubo kagabi diyan sa looban mo. Nawala lahat dahil lang sa mga nangyayari ngayon.

"Hello Baby. Meet your DadTao Claus!" natawa uli kayong dalawa ng Nanay mo dahil sa naging akto ng tatay mo. 'Sobrang sarap sa feeling' yan ang pakiramdam mo. Para bang nalinis lahat ng hinanakit mo?

"This is for you, baby." aniya at biglang binuklat ang isang malaking tarpaulin na naglalaman ng mukha ni Baekhyun. Nalaglag ang iyong panga dahil sa gulat. Hindi ka makapaniwalang reregaluhan ka ng ganyan ng iyong magulang. Hindi ka naman kasi sanay dahil IKAW mismo bumibili ng merchs para sayo. 

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon