h s - t h i r t y - f i v e

6.2K 307 192
                                    

thanks kay ANYA dahil dun sa bc niyang ginawa para dito wiee thanks :*

WAG NIYO'KONG SABUNUTAN PAGKATAPOS NIYONG BASAHIN ITO HA WAHAHAHAHAHA LABYU READERS :**

--

h s - t h i r t y - f i v e

Ruined Night

"Wahahahaha! Panalo ka talaga teh! Apir tayo diyan!" ngumiti ka at nakipag-apiran kay Klyppton. Sinabi mo lang naman kasi yung nangyari kagabi. Halos hindi ka nga nakatulog kagabi kakaisip dun sa part na hinalikan mo si Baekhyun sa pisngi. Ni ayaw mo ngang magtoothbrush o'di kaya uminom ng tubig dahil feeling mo mabubura yung kiss mo kay Baekhyun.

"Hala! Paano kaya kung maghigante si Solardark?"

"As if I care. Basta lalaban ako."

"Aba aba! Gumaganun ka na?"

"Of course! Ang layo na ng narating ko noh! Bakit pa ako magpapatalo diba?"

Ngumiti sa iyo si Klyppton ng masabi mo iyon. Ngumiti ka rin sa kanya. Dati rati, halos mag-iyakan na kayo dahil hindi kayo pinapansin ng mga bias niyo. Dati, kung magdrama kayo, daig pa ang bida sa TV pero heto kayo ngayon at naabot na ang mga pangarap niyo. Sobrang dami na palang nangyari sa mga nagdaang buwan.

"I'm so proud of you, girl." sabay yakap sayo ni Klyppton. Yumakap ka naman pabalik. Namiss niyo na ang bonding niyo sa isa't isa. Yung magsshopping kayo para sa wala lang? Yung bestfriend thing? Dahil syempre nga naman, tuwing magkikita kayo, laging EXO ang topic.

"Tara? Magshopping tayo? Girl bonding?" tanong mo sa kanya at ngumiti. Matagal tagal na rin kasi kayong hindi nakakapagbond magbestfriend. Kapag nagsshopping kasi kayo ay may dahilan kung bakit kayo bumibili pero sa ngayon, happy happy lang. Kumbaga, kapag may nakita ka at nakursudahan iyon, bibilhin mo.

Kaya naman matatawag nating Bestfriend's Day ngayon dahil naghang-out kayong dalawa. Pumunta kayo ng Mall at nagshopping want to sawa. Hindi niyo muna naging topic ang EXO dahil break time muna daw sabi ni Klyppton.

"Tara nuod tayo ng sine!" 

At yun nga, nagmovie marathon rin kayo. Divergent ang pinanuod niyo kaya naman super active ka dahil gusto mo ang mga ganitong movies pero habang nasa kalagitnaan kayo, biglang tumunog ang cellphone mo pero yung ringing tone na hudyat na may nagtext lang.

Ayaw mong tignan kasi syempre maddistract ka nga naman pero may side sa iyong utak na kailangan mo na daw'ng tignan kaya naman tinago mo sa ilalim ang iyong cellphone at binuksan na nga ang mensahe.

Nagulat ka nung galing kay Kai ang mensaheng iyon na naglalaman ng...

'Can I see you?'

Nagulat ka syempre dahil medyo matagal tagal na rin nung hindi kayo nag-uusap. Ang last niyo pa nga atang usap ay nung nagsorry ka lang sa text. Nagsorry ka dahil sa pinaghintay mo siya ng matagal na halos isang araw yata siya dun naghintay.

"Pssst. Ano ba yan, Amethyst! Stop texting." bulong sayo ni Klyppton. Tumango ka na lamang at bago mo pa masarado ang cellphone mo ay may panibagong text nanaman si Kai.

'Please?'

Kumunot ang iyong noo at tumingin sa iyong kaibigan na ngayo'y tuwang-tuwa sa panunuod. Tumingin ka saglit sa mensahe ni Kai. Hindi naman siguro masama kung sa ngayon pipiliin mo si Kai hindi ba? Hindi naman siguro masama kung makikipagkita ka kay Kai? Maiintindihan ka naman siguro ni Klyppton. Oo, maiinitindihan ka niya.

Kaya heto ka ngayon at nasa loob ng umaandar na sasakyan. Pagkapaalam mo kay Klyppton na aalis ka para makipagkita kay Kai ay agad na siyang pumayag. Kahit na nakita mo siyang malungkot na kumakaway sa iyo ay mas pinili ka niyang pakawalan muna.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon